Job 25
Magandang Balita Biblia
Walang Matuwid sa Paningin ng Diyos
25 Ito naman ang sagot ni Bildad na Suhita:
2 “Makapangyarihan ang Diyos dapat siyang igalang;
naghaharing mapayapa sa buong sangkalangitan.
3 Ang kanyang mga anghel ay hindi mabibilang,
lahat ay nasisikatan ng kanyang kaliwanagan.
4 Maaari bang maging matuwid ang tao sa paningin ng Diyos?
Sa harapan ng Maykapal siya ba'y dalisay nang lubos?
5 Para sa Diyos, ang buwan ay walang ningning,
at ang mga bituin ay marumi sa kanyang tingin.
6 Gaano pa ang tao na isa lamang hamak na uod,
may halaga kaya siya sa paningin ng Diyos?”
Job 25
Ang Biblia (1978)
Ang ikatlong pagsasalita ni Bildad. Ang tao ay malaking kababaan sa Dios.
25 Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi,
2 Kapangyarihan at takot ay sumasa kaniya;
Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa kaniyang mga (A)mataas na dako.
3 May anomang (B)bilang ba sa kaniyang mga hukbo?
At doon (C)sa hindi sinisikatan ng (D)kaniyang liwanag?
4 (E)Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios?
O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae.
5 Narito, pati ng buwan ay walang liwanag,
At ang mga bituin ay hindi dalisay sa kaniyang paningin:
6 Gaano pa nga kaliit ang tao, na isang uod!
At ang anak ng tao, (F)na isang uod!
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.