Job 16
Ang Biblia (1978)
Ang ikalimang pagsasalita ni Job. Kaniyang kinamuhian ang kaniyang mga kaibigan. Ang pagtutol sa pagpapalagay ng Dios.
16 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
2 Ako'y nakarinig ng maraming (A)ganyang bagay:
Maralitang mga mangaaliw kayong lahat.
3 Magkakawakas ba ang mga walang kabuluhang salita?
O anong naguudyok sa iyo, na ikaw ay sumagot?
4 Ako nama'y makapangungusap na gaya ng inyong ginagawa;
Kung ang inyong kaluluwa ay nasa kalagayan ng aking kaluluwa,
Ako'y makapagdudugtongdugtong ng salita laban sa inyo,
At maigagalaw ang aking ulo sa inyo.
5 Nguni't aking palalakasin kayo ng aking bibig,
At ang pagaliw ng aking mga labi ay magpapalikat ng inyong hirap,
6 Bagaman ako'y nagsasalita, ang aking hirap ay hindi naglilikat:
At bagaman ako'y tumatahimik, anong ikinalalayo sa akin?
7 Nguni't ngayo'y niyamot niya ako:
Nilansag mo ang (B)aking buong pulutong.
8 At ako'y pinagdalamhati mo, na siyang saksi laban sa akin;
At ang (C)aking kapayatan ay bumabangon laban sa akin,
nagpapatotoo sa aking mukha.
9 Niluray niya ako sa kaniyang kapootan, at inusig ako;
(D)Pinagngangalitan niya ako ng kaniyang mga ngipin:
(E)Pinangdidilatan ako ng mga mata ng aking kaaway.
10 (F)Kanilang pinagbubukahan ako ng kanilang bibig:
(G)Kanilang sinampal ako sa mukha na kahiyahiya:
Sila'y nagpipisan laban sa akin.
11 Ibinibigay ako ng Dios sa di banal,
At inihahagis niya ako sa mga kamay ng masama.
12 Ako'y nasa kaginhawahan at kaniyang niligalig akong mainam;
Oo, sinunggaban niya ako sa leeg, at pinagwaraywaray niya ako:
Inilagay naman niya akong (H)pinakatanda niya.
13 Kinubkob ako sa palibot ng kaniyang mga (I)mamamana,
Kaniyang sinaksak ang aking mga bato, at hindi nagpapatawad;
Kaniyang (J)ibinubuhos ang aking apdo sa lupa.
14 Kaniyang binubugbog ako ng (K)bugbog at bugbog;
Siya'y gaya ng isang higanti na dinadaluhong niya ako.
15 Ako'y nanahi ng kayong magaspang sa aking katawan,
At aking inilugmok ang aking kapalaluan sa alabok.
16 Ang aking mukha ay namamaga sa pagiyak,
At nasa aking mga pilik-mata ang anino ng kamatayan;
17 Bagaman walang karahasan sa aking mga kamay,
At ang aking dalangin ay malinis,
18 Oh lupa, (L)huwag mong tabunan ang aking dugo,
At huwag magkaroon ng pahingahang dako (M)ang aking daing.
19 Kahit na ngayon, narito, ang aking saksi ay nasa langit,
At siyang nananagot sa akin ay nasa kaitaasan.
20 Ginagalit ako ng aking mga kaibigan:
Nguni't ang aking mata ay nagbubuhos ng mga luha sa Dios;
21 Upang kaniyang alalayan ang katuwiran ng tao sa Dios;
At ang anak ng tao sa kaniyang kapuwa.
22 Sapagka't pagsapit ng ilang taon,
Ako'y papanaw sa daan na hindi ko pagbabalikan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978