Print Page Options

14  Ko te tangata i whanau i te wahine, he torutoru ona ra; ki tonu ano i te raruraru.

Ano he puawai ia e puta mai ana, e kotia iho ana: rere ana ia, ano he atarangi, kahore hoki he tumautanga.

E titiro mai ano ranei ou kanohi ki te penei? E mea ranei koe i ahau kia whakawa taua ki a taua?

Ko wai hei homai i te mea ma i roto i te mea poke? Hore rawa.

Kua rite na hoki nga ra mona: kei a koe te maha o ona marama; takoto rawa i a koe te tikanga mona, a e kore ia e whiti ki tua.

Tahuri ke atu te titiro i a ia, kia ai ona pariratanga, kia ata tutuki ai tona ra, kia rite ai ki o te kaimahi.

Ka ai hoki he whakaaronga ki te rakau i tapahia, tera ano e pariri, e kore ano hoki e mutu te wana o tona pihi.

Ahakoa kua tawhitotia tona pakiaka a ki te whenua, a kua mate tona tinana i roto i te oneone;

Heoi ma te haunga o te wai ka pihi, ka kokiri ona peka ano ko ta te mea tupu.

10 Ko te tangata ia, mate iho, marere noa iho; ae, ka hamo te tangata, a kei hea ia?

11 Pera i nga wai e he mai nei i te moana, i te awa e mimiti ana, ka maroke;

12 E pera ana ano te tangata, e takoto ana a kahore he whakatikanga ake: kahore he marangatanga ake mo ratou, a kia kore ra ano nga rangi; e kore ano ratou e ara i to ratou moe.

13 Aue, kia huna noatia oti ahau e koe ki te po, kia waihotia noatia iho ahau e koe kia ngaro ana, kia hoki ra ano tou riri; kia rohea noatia mai e koe tetahi wa moku, a ka mahara mai ai ano ki ahau!

14 Ki te mate te tangata, e ora ano ranei ia? Ka tatari ahau i nga ra katoa o toku ngananga, kia tae mai ra ano he whakaputanga moku.

15 Mau e karanga, kia whakao atu ai ahau; kahore hoki e kore ka matenui koe ki te mahi a ou ringa.

16 Inaianei hoki e taua ana e koe oku hikoinga; he teka ianei e matatau tonu mai ana koe ki toku hara?

17 Hiri rawa toku he ki roto ki te putea, tuitui rawa e koe toku kino.

18 He pono ko te maunga e horo ana e memeha noa ake ana, e nekehia ana te toka i tona wahi;

19 E ngau ana te wai i nga kohatu; ma tona puhaketanga e horoi atu te puehu o te whenua; a whakangaromia iho e koe te tumanako a te tangata.

20 Taea ana ia e koe ake tonu atu, a pahure ana ia; puta ke ana i a koe tona mata, a tonoa atu ana ia kia haere.

21 Ko te whakahonoretanga o ana tama, kahore e mohiotia e ia; ka hoki iho ratou hei ware, heoi kahore tetahi aha o ratou e maharatia e ia.

22 E mamae ano ia te kikokiko o tona tinana, a ka tangi tona wairua i roto i a ia.

'Job 14 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Maikli ang Buhay ng Tao

14 “Ang tao, na ipinanganak ng babae
    ay may kaunting araw, at punô ng kaguluhan.
Siya'y umuusbong na gaya ng bulaklak, at nalalanta;
    siya'y nawawalang gaya ng anino, at hindi namamalagi.
At iyo bang iminumulat ang iyong mga mata sa isang gaya nito,
    at dinadala siya sa kahatulan na kasama mo?
Sinong makakakuha ng malinis na bagay mula sa marumi?
    Walang sinuman.
Yamang ang kanyang mga araw ay itinakda na,
    at ang bilang ng kanyang mga buwan ay nasa iyo,
    at iyong itinalaga ang kanyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan;

ilayo mo sa kanya ang iyong paningin, at ikaw ay huminto,
    upang siya'y masiyahan sa kanyang araw tulad ng isang taong upahan.

“Sapagkat may pag-asa sa isang punungkahoy,
    na kung ito'y putulin ay muling sisibol,
    at ang sariwang sanga niyon ay hindi hihinto.
Bagaman ang kanyang ugat ay tumanda sa lupa,
    at ang tuod niyon ay mamatay sa lupa;
gayunma'y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol iyon,
    at magsasanga na gaya ng batang halaman.
10 Ngunit ang tao ay namamatay at ibinabaon;
    ang tao ay nalalagutan ng hininga, at saan siya naroon?
11 Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat,
    at ang ilog ay humuhupa at natutuyo;
12 gayon ang tao ay humihiga at hindi na bumabangon;
    hanggang sa ang langit ay mawala, siya'y hindi na muling magigising,
    ni mapupukaw man sa kanilang pagkakatulog.
13 O sa Sheol ay ikubli mo ako nawa,
    itago mo ako hanggang sa ang iyong poot ay mawala,
    takdaan mo nawa ako ng takdang panahon, at ako'y iyong alalahanin!
14 Kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya?
    Lahat ng araw ng aking pagpupunyagi ay ipaghihintay ko,
    hanggang sa dumating ang pagbabago ko.
15 Ikaw ay tatawag, at ako'y sasagot sa iyo;
    iyong nanasain ang gawa ng mga kamay mo.
16 Kung magkagayo'y bibilangin mo ang aking mga hakbang,
    at hindi mo babantayan ang aking kasalanan.
17 Ang aking pagsalangsang ay itatago sa isang lalagyan,
    at iyong tatakpan ang aking kasamaan.

18 “Ngunit ang bundok ay natitibag at nawawala,
    at ang bato ay inalis sa kinaroroonan niyon;
19 inaagnas ng tubig ang mga bato;
    tinatangay ng mga baha niyon ang alabok ng lupa;
    sa gayon mo winasak ang pag-asa ng tao.
20 Ikaw ay nananaig kailanman laban sa kanya, at siya'y pumapanaw;
    iyong binabago ang kanyang mukha, at iyong pinalayas siya.
21 Ang kanyang mga anak ay nagkaroon ng karangalan, at hindi niya nalalaman;
    sila'y ibinababa, ngunit hindi niya iyon nahahalata.
22 Ngunit ang sakit lamang ng kanyang katawan ay nagbibigay ng sakit sa kanya,
    at nagluluksa lamang siya para sa kanyang sarili!”

14 Taong ipinanganak ng babae ay sa kaunting araw, at lipos ng kabagabagan.

Siya'y umuusli na gaya ng bulaklak, at nalalagas: siya rin nama'y tumatakas na gaya ng anino, at hindi namamalagi.

At iyo bang idinidilat ang iyong mga mata sa isang gaya nito, at ipinagsasama mo ako upang hatulan mo?

Sinong makakakuha ng malinis na bagay sa marumi? wala.

Yayamang ang kaniyang mga kaarawan ay nangapasiyahan, ang bilang ng kaniyang mga buwan ay talastas mo, at iyong hinanggahan ang kaniyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan;

Ilayo mo sa kaniya ang iyong paningin, upang siya'y makapagpahinga, hanggang sa maganap niya, na gaya ng isang magpapaupa, ang kaniyang araw.

Sapagka't may pagasa sa isang punong kahoy, na kung ito'y putulin, ay sisibol uli, at ang sariwang sanga niyaon ay hindi maglilikat.

Bagaman ang kaniyang ugat ay tumanda sa lupa, at ang puno niyao'y mamatay sa lupa;

Gayon ma'y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol, at magsasanga na gaya ng pananim.

10 Nguni't ang tao ay namamatay at natutunaw; Oo, ang tao ay nalalagutan ng hininga, at saan nandoon siya?

11 Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat, at ang ilog ay humuhupa at natutuyo;

12 Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon: hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi magsisibangon, ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog.

13 Oh ikubli mo nawa ako sa Sheol. Na ingatan mo nawa akong lihim hanggang sa ang iyong poot ay makaraan, na takdaan mo nawa ako ng takdang panahon, at iyong alalahanin ako!

14 Kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya? Lahat ng araw ng aking pakikipagbaka ay maghihintay ako, hanggang sa dumating ang pagbabago.

15 Ikaw ay tatawag, at ako'y sasagot sa iyo: ikaw ay magtataglay ng nasa sa gawa ng iyong mga kamay.

16 Nguni't ngayo'y binibilang mo ang aking mga hakbang: hindi mo ba pinapansin ang aking kasalanan?

17 Ang aking pagsalangsang ay natatatakan sa isang supot, at iyong inilalapat ang aking kasamaan.

18 At tunay na ang bundok na natitibag, ay nawawala, at ang bato ay napababago mula sa kinaroroonan niyaon;

19 Inuukit ng tubig ang mga bato; tinatangay ng mga baha niyaon ang alabok ng lupa: sa gayon iyong sinisira ang pagasa ng tao.

20 Ikaw ay nananaig kailan man laban sa kaniya at siya'y pumapanaw; iyong pinapagbabago ang kaniyang mukha, at iyong pinayayaon siya.

21 Ang kaniyang mga anak ay nagtataglay ng karangalan, at hindi niya nalalaman; at sila'y ibinababa, nguni't hindi niya nahahalata sila.

22 Nguni't ang kaniyang laman sa kaniya ay masakit, at ang kaniyang kaluluwa sa loob niya ay namamanglaw.

14 “Mortals, born of woman,(A)
    are of few days(B) and full of trouble.(C)
They spring up like flowers(D) and wither away;(E)
    like fleeting shadows,(F) they do not endure.(G)
Do you fix your eye on them?(H)
    Will you bring them[a] before you for judgment?(I)
Who can bring what is pure(J) from the impure?(K)
    No one!(L)
A person’s days are determined;(M)
    you have decreed the number of his months(N)
    and have set limits he cannot exceed.(O)
So look away from him and let him alone,(P)
    till he has put in his time like a hired laborer.(Q)

“At least there is hope for a tree:(R)
    If it is cut down, it will sprout again,
    and its new shoots(S) will not fail.(T)
Its roots may grow old in the ground
    and its stump(U) die in the soil,
yet at the scent of water(V) it will bud
    and put forth shoots like a plant.(W)
10 But a man dies and is laid low;(X)
    he breathes his last and is no more.(Y)
11 As the water of a lake dries up
    or a riverbed becomes parched and dry,(Z)
12 so he lies down and does not rise;(AA)
    till the heavens are no more,(AB) people will not awake
    or be roused from their sleep.(AC)

13 “If only you would hide me in the grave(AD)
    and conceal me till your anger has passed!(AE)
If only you would set me a time
    and then remember(AF) me!(AG)
14 If someone dies, will they live again?
    All the days of my hard service(AH)
    I will wait for my renewal[b](AI) to come.
15 You will call and I will answer you;(AJ)
    you will long for the creature your hands have made.(AK)
16 Surely then you will count my steps(AL)
    but not keep track of my sin.(AM)
17 My offenses will be sealed(AN) up in a bag;(AO)
    you will cover over my sin.(AP)

18 “But as a mountain erodes and crumbles(AQ)
    and as a rock is moved from its place,(AR)
19 as water wears away stones
    and torrents(AS) wash away the soil,(AT)
    so you destroy a person’s hope.(AU)
20 You overpower them once for all, and they are gone;(AV)
    you change their countenance and send them away.(AW)
21 If their children are honored, they do not know it;
    if their offspring are brought low, they do not see it.(AX)
22 They feel but the pain of their own bodies(AY)
    and mourn only for themselves.(AZ)

Footnotes

  1. Job 14:3 Septuagint, Vulgate and Syriac; Hebrew me
  2. Job 14:14 Or release