Add parallel Print Page Options

Idinaing ni Job ang Kanyang Kalagayan

10 “Ako'y nagsasawa na sa buhay kong ito,
    sasabihin ko nang lahat, mapapait kong reklamo.
Aking Diyos, huwag n'yo muna akong hatulan,
    sabihin ninyo sa akin ang inyong paratang.
Tama ba namang iyong pagmalupitan,
    parusahan at itakwil ang likha ng iyong kamay?
    At ang gawain ba ng masamang tao ang iyong magugustuhan?
Ang iyo bang nakikita'y tulad din ng nakikita namin?
    Ang iyo bang buhay ay maikling tulad ng sa amin?
Kung gayo'y bakit mo ako hinahanapan
    ng pagkakasala at kamalian?
Alam(A) mo namang wala akong kasalanan,
    at walang makakapagligtas sa akin mula sa iyong mga kamay.

“Ang mga kamay mo ang sa aki'y lumikha,
    ngayo'y kamay mo rin ang sa aki'y sumisira.
Di ba't mula sa lupa ay ginawa mo ako,
    ngayon ba'y pupulbusin at ibabalik dito?
10 Niloob(B) mong ako'y manggaling sa aking ama,
    inaruga, pinalaki sa tiyan ng aking ina.
11 Nilagyan mo ng buto at litid ang aking katawan,
    saka binalutan ng balat at kalamnan.
12 Ako'y binigyan mo ng buhay at wagas na pagmamahal,
    at ang pagkalinga mo ang sa aki'y bumuhay.
13 Ngunit ngayo'y alam ko na, ang iyong balak,
    matagal nang panahong gusto akong ipahamak.
14 Kapag ako'y nagkasala, ito'y iyong tinatandaan,
    upang ipagkait mo sa akin ang kapatawaran.
15 Kapag ako'y nagkasala, may katapat itong parusa,
    kapag gumawa ako ng mabuti, wala namang gantimpala.
Punung-puno ng kahihiyan, itong aking abang buhay.
16 Kung ako'y magtagumpay,
    parang leon mong tutugisin,
    gumagamit ka pa ng himala upang ako'y kalabanin.
17 Palagi kang may testigo laban sa akin,
    ang galit mo sa aki'y tumitindi bawat oras,
    palagi kang may naiisip na panibagong bitag.

18 “Bakit mo hinayaang ako ay isilang pa?
    Namatay na sana ako bago pa mayroong sa aki'y nakakita.
19 Bago ako isinilang ako sana'y namatay na,
    sa libingan sana nagtuloy mula sa tiyan ng aking ina.
20 Maikli na ang aking buhay kaya't ako'y tigilan mo na
    upang sa aking natitirang araw makadama ng kaunting ginhawa.
21 Ako'y malapit nang pumanaw, at hindi na magbabalik;
    ang pupuntahan ko'y madilim at mapanglaw na daigdig.
22     Isang lupain ng anino at kaguluhan,
    na ang pinakailaw ay ang kadiliman.”

'Job 10 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Siya ay tumututol sa kalabisang parusa ng Panginoon.

10 Ang aking kaluluwa ay nalulunos sa aking buhay;
(A)Aking palalayain ang aking daing;
(B)Ako'y magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa.
Sasabihin ko sa Dios: Huwag mo akong hatulan;
Ipakilala mo sa akin kung bakit nakikipagtalo ka sa akin.
(C)Mabuti ba sa iyo na ikaw ay mamighati,
Na iyong (D)itakuwil ang (E)gawa ng iyong mga kaaway,
At iyong pasilangin ang payo ng masama?
(F)Ikaw ba'y may mga matang laman,
O (G)nakakakita ka bang gaya ng pagkakita ng tao?
Ang iyo bang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng tao,
O ang iyong mga taon ay gaya ng mga kaarawan ng tao,
Upang ikaw ay magsiyasat ng aking kasamaan,
At magusisa ng aking kasalanan,
Bagaman iyong nalalaman na ako'y hindi masama;
At walang makapagliligtas sa iyong kamay?
(H)Ang iyong mga kamay ang siyang lumalang at nagbigay anyo sa akin
(I)Sa buong palibot; gayon ma'y pinahihirapan mo ako.
Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, na ako'y iyong binigyang anyo na (J)gaya ng putik;
At iuuwi mo ba ako uli sa pagkaalabok?
10 Hindi mo ba ako ibinuhos na parang gatas,
At binuo mo akong parang keso?
11 Ako'y binihisan mo ng balat at laman,
At sinugpong mo ako ng mga buto at mga litid.
12 Ako'y pinagkalooban mo ng buhay at kagandahang-loob,
At pinamalagi ang aking diwa ng iyong pagdalaw.
13 Gayon ma'y ang mga bagay na ito ay iyong ikinubli sa iyong puso;
Talastas ko na (K)ito'y sa iyo:
14 Kung ako'y magkasala, (L)iyo nga akong tinatandaan,
At hindi mo ako patatawarin sa aking kasamaan.
15 Kung ako'y maging masama, sa aba ko;
At kung ako'y maging matuwid, hindi ko man (M)itataas ang aking ulo;
Yamang puspos ng kakutyaan,
At ng pagmamasid niring kadalamhatian.
16 At kung ang aking ulo ay mataas, iyong hinuhuli akong parang (N)leon:
At napakikita ka uling kagilagilalas sa akin.
17 Iyong binabago ang iyong mga pagsaksi laban sa akin,
At dinaragdagan mo ang iyong galit sa akin;
(O)Paninibago at pakikipagbaka ang sumasaakin.
18 (P)Bakit mo nga ako inilabas mula sa bahay-bata?
Napatid sana ang aking hininga, at wala nang matang nakakita pa sa akin.
19 Ako sana'y naging parang hindi nabuhay;
Nadala sana ako mula sa bahay-bata hanggang sa libingan,
20 (Q)Hindi ba kaunti ang aking mga araw? paglikatin mo nga,
At ako'y iyong bayaan, upang ako'y (R)maginhawahan ng kaunti,
21 (S)Bago ako manaw doon na hindi ako babalik,
(T)Sa lupain ng kadiliman at (U)ng lilim ng kamatayan;
22 Ang lupain na dilim, na gaya ng salimuot na kadiliman;
Lupain ng lilim ng kamatayan, na walang anomang ayos,
At doon sa ang liwanag ay gaya ng salimuot na kadiliman.