Job 10:8-10
Magandang Balita Biblia
8 “Ang mga kamay mo ang sa aki'y lumikha,
ngayo'y kamay mo rin ang sa aki'y sumisira.
9 Di ba't mula sa lupa ay ginawa mo ako,
ngayon ba'y pupulbusin at ibabalik dito?
10 Niloob(A) mong ako'y manggaling sa aking ama,
inaruga, pinalaki sa tiyan ng aking ina.
Job 10:8-10
Ang Biblia (1978)
8 (A)Ang iyong mga kamay ang siyang lumalang at nagbigay anyo sa akin
(B)Sa buong palibot; gayon ma'y pinahihirapan mo ako.
9 Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, na ako'y iyong binigyang anyo na (C)gaya ng putik;
At iuuwi mo ba ako uli sa pagkaalabok?
10 Hindi mo ba ako ibinuhos na parang gatas,
At binuo mo akong parang keso?
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978