Add parallel Print Page Options

Sinubok ni Satanas si Job

May isang lalaking nakatira sa lupain ng Uz na nagngangalang Job. Siya'y isang mabuting tao, sumasamba sa Diyos at umiiwas sa masamang gawain. Mayroon siyang pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae. Marami siyang tagapaglingkod at siya ang pinakamayaman sa buong silangan. Pitong libo ang kanyang tupa, tatlong libo ang kamelyo, sanlibo ang baka at limandaan ang asno. Nakaugalian na ng kanyang mga anak na lalaki na hali-haliling magdaos ng handaan sa kani-kanilang bahay at inaanyayahan nila ang mga kapatid nilang babae. Tuwing matatapos ang ganoong handaan, ipinapatawag ni Job ang kanyang mga anak para sa isang rituwal. Maagang bumabangon si Job kinabukasan upang mag-alay sa Diyos ng handog na sinusunog para sa kanyang mga anak dahil baka lihim na nilalapastangan ng mga ito ang Diyos at sila'y magkasala.

Dumating(A) ang araw na ang mga anak ng Diyos[a] ay humarap kay Yahweh at naroon din si Satanas.[b] Tinanong ni Yahweh si Satanas,[c] “Ano ba'ng pinagkakaabalahan mo ngayon?”

“Nagpapabalik-balik ako sa lahat ng sulok ng daigdig,” sagot ni Satanas.[d]

“Napansin mo ba ang lingkod kong si Job?” tanong ni Yahweh. “Wala siyang katulad sa daigdig. Mabuti siyang tao, sumasamba sa akin, at umiiwas sa masamang gawain,” dugtong pa ni Yahweh.

Sumagot(B) si Satanas,[e] “Sasambahin pa kaya kayo ni Job kung wala na siyang nakukuha mula sa inyo? 10 Inaalagaan ninyo siya, ang kanyang pamilya at ang lahat ng ari-arian niya. Pinagpapala ninyo ang lahat ng kanyang gawin, at halos punuin ninyo ng kanyang kayamanan ang buong lupain. 11 Subukan ninyong alisin ang lahat-lahat sa buhay niya at harap-harapan niya kayong susumpain.”

12 Sinabi ni Yahweh kay Satanas,[f] “Kung gayon, gawin mo nang lahat ang gusto mong gawin sa kanya, huwag mo lamang siyang sasaktan.” At umalis si Satanas sa harapan ni Yahweh.

Nalipol ang mga Anak ni Job at Naubos ang Kanyang Kayamanan

13 Isang araw, nagkakainan at nag-iinuman ang mga anak ni Job sa bahay ng kanilang panganay na kapatid na lalaki. 14 Walang anu-ano'y dumating kay Job ang isa niyang tauhan. Sinabi nito, “Kasalukuyan po naming pinang-aararo ang mga baka at nanginginain naman ang mga asno, 15 nang may dumating na mga Sabeo.[g] Kinuha po nila ang mga baka at mga asno at pinatay pa po ang aking mga kasama. Ako lang po ang nakatakas upang magbalita sa inyo.”

16 Hindi pa ito nakakatapos sa pagbabalita nang may dumating na namang isa. Sinabi naman nito kay Job, “Tinamaan po ng kidlat ang mga tupa at mga pastol at namatay lahat; ako lang po ang nakaligtas upang magbalita sa inyo.”

17 Hindi pa ito halos tapos magsalita nang may isa na namang dumating. Ang sabi nito, “Sinalakay po kami ng tatlong pangkat ng mga Caldeo.[h] Kinuha nila ang lahat ng kamelyo at pinatay ang aking mga kasama. Ako lang po ang nakatakas upang magbalita sa inyo.”

18 Hindi pa rin ito halos tapos magsalita nang may dumating na namang isa at nagsabi, “Habang ang mga anak po ninyo ay nagkakainan at nag-iinuman sa bahay ng panganay nilang kapatid, 19 hinampas po ng napakalakas na hangin ang bahay at bumagsak. Nabagsakan po sila at namatay lahat. Ako lang po ang natirang buháy upang magbalita sa inyo.”

20 Tumayo si Job, pinunit ang kanyang damit at nag-ahit ng ulo. Pagkatapos, nagpatirapa siya at sumamba sa Diyos. 21 Ang(C) sabi niya, “Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina, hubad din akong babalik sa lupa. Si Yahweh ang nagbigay, si Yahweh rin ang babawi. Purihin si Yahweh!”

22 Sa kabila ng mga pangyayaring ito, hindi niya sinisi ang Diyos, kaya't hindi siya nagkasala laban sa kanya.

Footnotes

  1. Job 1:6 mga anak ng Diyos: o kaya'y mga nilalang mula sa langit .
  2. Job 1:6 Satanas: o kaya'y ang Tagapagparatang .
  3. Job 1:7 Satanas: o kaya'y ang Tagapagparatang .
  4. Job 1:7 Satanas:: o kaya'y ang Tagapagparatang .
  5. Job 1:9 Satanas: o kaya'y ang Tagapagparatang .
  6. Job 1:12 Satanas: o kaya'y ang Tagapagparatang .
  7. Job 1:15 MGA SABEO: Lipi ng mandarambong na mula sa katimugan.
  8. Job 1:17 MGA CALDEO: Lipi ng mandarambong na mula sa hilaga, sa bahagi ng Babilonia.

约伯的敬虔

乌斯有一个人名叫约伯,他纯全正直,敬畏上帝,远离罪恶。 他有七子三女、 七千只羊、三千只骆驼、五百对牛、五百头母驴及许多仆婢。他在东方人中最富有。 约伯的儿子们经常轮流在自己家里设宴,派人邀请他们的三个姊妹来一起吃喝。 宴会的日子结束后,约伯便派人召来他的儿女,为他们行洁净礼。他清早起来,为他们每个人献上燔祭,因为他想:“也许我的孩子们犯了罪,心中亵渎了上帝。”约伯常常这样做。

撒旦控告约伯

有一天,众天使[a]来朝见耶和华,撒旦也在他们当中。 耶和华问撒旦:“你从哪里来?”撒旦答道:“我在地上到处游走。” 耶和华问撒旦:“你注意到我的仆人约伯了吗?世上没有人像他那样纯全正直,敬畏我,远离罪恶。” 撒旦说:“约伯敬畏你难道无缘无故吗? 10 你岂不是像篱笆一样四面保护他及其全家和一切产业吗?你使他事事蒙福,牛羊遍地。 11 倘若你伸手毁坏他拥有的一切,他必当面亵渎你。” 12 耶和华对撒旦说:“好吧,他的一切都在你手中,但不可伤害他。”撒旦便从耶和华面前退去。

约伯失去所有

13 有一天,约伯的儿女正在长兄家吃喝, 14 有报信的人来对约伯说:“牛正在耕田、驴正在旁边吃草的时候, 15 示巴人忽然来袭,抢走了牲口,用刀杀了你的仆人,只有我一人逃脱来向你报信。” 16 话音未落,又有人来报信说:“上帝的火从天而降,烧死了羊群和牧人,只有我一人逃脱来向你报信。” 17 话音未落,又有人来报信说:“迦勒底人分三队来袭,抢走了骆驼,用刀杀了你的仆人,只有我一人逃脱来向你报信。” 18 话音未落,又有人来报信说:“你的儿女正在长兄家吃喝的时候, 19 忽然从旷野刮来一阵狂风,摧毁了房子四角,房子倒塌,压死了屋里所有的人,只有我一人逃脱来向你报信。”

20 约伯站起来,撕裂外袍,剃掉头发,俯伏在地上敬拜, 21 说:“我从母腹赤身而来,也必赤身而去。赏赐的是耶和华,收回的也是耶和华。耶和华的名当受称颂!” 22 约伯遭此不幸,仍没有犯罪,也没有埋怨上帝。

Footnotes

  1. 1:6 众天使”希伯来文是“上帝的众子”,2:138:7同。

Ang pagkamatuwid ni Job at ang kaniyang kayamanan.

May isang lalake sa lupain ng (A)Uz, na ang pangalan ay (B)Job; at ang lalaking yaon ay sakdal at matuwid, at natatakot sa Dios, at (C)humihiwalay sa kasamaan.

At may ipinanganak sa kaniya na pitong anak na lalake at tatlong anak na babae.

Ang kaniyang pagaari naman ay pitong libong tupa, at tatlong libong kamelyo, at limang daang magkatuwang na baka, at limang daang asnong babae, at isang totoong malaking sangbahayan; na anopa't ang lalaking ito ay siyang pinaka dakila sa lahat na mga anak ng silanganan.

At ang kaniyang mga anak ay nagsiyaon at nagsipagdaos ng kapistahan sa bahay ng bawa't isa sa kanikaniyang kaarawan; at sila'y nangagsugo, at ipinatawag ang kanilang tatlong kapatid na babae upang magsikain at magsiinom na kasalo nila.

At nangyari, nang makaraan ang mga kaarawan ng kanilang pagpipista, na si Job ay nagsugo, at pinapagbanal sila, at bumangong maaga sa kinaumagahan, at (D)naghandog ng mga handog na susunugin ayon sa bilang nilang lahat: sapagka't sinabi ni Job, Marahil ang aking mga anak ay nangagkasala, at (E)itinakuwil ang Dios sa kanilang mga puso. Ganito ang ginawa ni Job na palagi.

(F)Isang araw nga nang ang mga (G)anak ng Dios ay magsiparoon na magsiharap sa Panginoon, na si (H)Satanas ay naparoon din naman na kasama nila.

At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Saan ka nanggaling? Nang magkagayo'y sumagot si Satanas sa Panginoon, at nagsabi, Sa (I)pagpaparoo't parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon.

At sinabi ng Panginoon kay Satanas, (J)Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job? sapagka't walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na (K)lalake, na natatakot sa Dios at humihiwalay sa kasamaan.

Nang magkagayo'y sumagot si Satanas sa Panginoon, at nagsabi, Natatakot ba ng walang kabuluhan si Job sa Dios?

10 Hindi mo ba kinulong siya, at ang kaniyang sangbahayan, at ang lahat niyang tinatangkilik, sa bawa't dako? iyong pinagpala ang gawa ng kaniyang mga kamay, at ang kaniyang pagaari ay dumami sa lupain.

11 Nguni't pagbuhatan mo siya ng iyong kamay ngayon, at galawin mo ang lahat niyang tinatangkilik, at itatakuwil ka niya ng mukhaan,

12 At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Narito, lahat niyang tinatangkilik ay nangasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay. Sa gayo'y lumabas si Satanas na mula sa harapan ng Panginoon.

Ang pagkasawing palad ni Job at ang kaniyang pagtitiis.

13 At nangyari isang araw, nang ang (L)kaniyang mga anak na lalake at babae ay nagsisikain at nagsisiinom ng alak sa bahay ng kanilang kapatid na panganay.

14 Na dumating ang isang sugo kay Job, at nagsabi, Ang mga baka ay nagsisipagararo, at ang mga asno ay nagsisisabsab sa siping nila:

15 At dinaluhong ng mga (M)Sabeo, at pinagdadala; oo, kanilang pinatay ng talim ng tabak ang mga bataan; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo.

16 Samantalang siya'y nagsasalita pa, ay dumating naman ang iba, at nagsabi, (N)Ang apoy ng Dios ay nalaglag mula sa langit, at sinunog ang mga tupa, at ang mga bataan, at pinagsupok; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo.

17 Samantalang siya'y nagsasalita pa, ay dumating naman ang iba, at nagsabi, (O)Ang mga Caldeo ay nagtatlong (P)pulutong, at dumaluhong sa mga kamelyo, at pinagdadala, oo, at pinatay ng talim ng tabak ang mga bataan; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo.

18 Samantalang siya'y nagsasalita pa, ay dumating naman ang iba, at nagsabi, (Q)Ang iyong mga anak na lalake at babae ay nagsisikain at nagsisiinom ng alak sa bahay ng kanilang kapatid na panganay:

19 At, narito, dumating ang malakas na hangin na mula sa ilang, at hinampas ang apat na sulok ng bahay, at lumagpak sa mga binata, at sila'y nangamatay; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo.

20 Nang magkagayo'y bumangon si Job, at (R)hinapak ang kaniyang balabal, at (S)inahitan ang kaniyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba;

21 At sinabi niya, (T)Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: (U)ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon.

22 (V)Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job, ni inari mang mangmang ang Dios.