Add parallel Print Page Options

28 Kaya ganito ang sabihin mo sa kanila: ‘Narito ang bansang ayaw makinig sa tinig ni Yahweh na kanilang Diyos, at ayaw ituwid ang kanilang mga landas. Naglaho na sa kanila ang katotohanan at hindi man lamang nababanggit.’”

Ang mga Kasamaang Ginagawa sa Libis ng Ben Hinom

29 “Manangis kayo, mga taga-Jerusalem.
    Putulin ninyo ang inyong buhok, at itapon ito sa malayo.
Managhoy kayo sa ibabaw ng mga burol,
    sapagkat itinakwil at pinabayaan ni Yahweh
    ang mga taong kanyang kinapopootan.

30 “Napakasama ng ginawa ng mga taga-Juda. Ang mga diyus-diyosang kinasusuklaman ko'y inilagay nila sa aking Templo. Nilapastangan nila ang aking tahanan. Akong si Yahweh ang maysabi nito.

Read full chapter