Jeremias 5
Ang Biblia, 2001
Ang Kasalanan ng Jerusalem
5 Tumakbo kayong paroo't parito sa mga lansangan ng Jerusalem,
tingnan ninyo, at pansinin!
Halughugin ninyo ang kanyang mga liwasan
kung kayo'y mayroong taong matatagpuan,
na gumagawa ng katarungan
at naghahanap ng katotohanan;
upang patawarin ko siya.
2 Bagaman kanilang sinasabi, “Habang ang Panginoon ay buháy;”
gayunma'y sumusumpa sila ng may kasinungalingan.
3 O Panginoon, hindi ba naghahanap ng katotohanan ang iyong mga mata?
Hinampas mo sila,
ngunit hindi sila nasaktan;
nilipol mo sila,
ngunit ayaw nilang tumanggap ng pagtutuwid.
Kanilang pinatigas ang kanilang mukha ng higit kaysa batong malaki;
ayaw nilang magsisi.
4 Nang magkagayo'y sinabi ko, “Ang mga ito ay dukha lamang,
sila'y mga hangal,
sapagkat hindi nila alam ang daan ng Panginoon,
ang kautusan ng kanilang Diyos.
5 Ako'y pupunta sa mga dakila,
at magsasalita sa kanila;
sapagkat alam nila ang daan ng Panginoon,
ang kautusan ng kanilang Diyos.”
Ngunit nagkakaisa nilang binali ang pamatok,
nilagot nila ang mga gapos.
6 Kaya't isang leon mula sa gubat ang sa kanila'y papaslang,
pupuksain sila ng isang lobo mula sa ilang,
isang leopardo ang nag-aabang sa kanilang mga lunsod.
Bawat isa na lalabas doon ay pagluluray-lurayin;
sapagkat ang kanilang mga pagsuway ay marami,
at ang kanilang mga pagtalikod ay malalaki.
7 “Paano kita mapapatawad?
Tinalikuran ako ng iyong mga anak,
at sila'y nanumpa sa pamamagitan ng mga hindi diyos.
Nang busugin ko sila,
sila'y nangalunya
at nagpuntahan sa mga bahay ng mga babaing upahan.[a]
8 Sila'y mga kabayong malulusog at pinakaing mabuti,
bawat isa'y humalinghing sa asawa ng kanyang kapwa.
9 Hindi ko ba sila parurusahan dahil sa mga bagay na ito? sabi ng Panginoon,
sa isang bansang gaya nito
hindi ko ba ipaghihiganti ang aking sarili?
10 “Akyatin ninyo ang kanyang mga hanay ng ubasan at inyong sirain;
ngunit huwag kayong magsagawa ng lubos na pagwasak.
Tanggalin ninyo ang kanyang mga sanga;
sapagkat sila'y hindi sa Panginoon.
11 Sapagkat ang sambahayan ng Israel at ang sambahayan ng Juda
ay labis na nagtaksil sa akin, sabi ng Panginoon.
12 Sila'y nagsalita ng kasinungalingan tungkol sa Panginoon,
at kanilang sinabi, ‘Wala siyang gagawin,
walang kasamaang darating sa atin,
ni makakakita tayo ng tabak o ng taggutom.
13 Ang mga propeta ay magiging hangin,
at ang salita ay wala sa kanila.
Ganoon ang gagawin sa kanila!’”
14 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Diyos ng mga hukbo:
“Sapagkat sinabi ninyo ang salitang ito,
narito, gagawin kong apoy ang aking mga salita sa inyong bibig,
at ang sambayanang ito ay kahoy, at sila'y lalamunin ng apoy.
15 Narito, ako'y nagdadala sa inyo
ng isang bansang mula sa malayo, O sambahayan ng Israel, sabi ng Panginoon.
Ito'y isang tumatagal na bansa,
ito'y isang matandang bansa,
isang bansa na ang wika ay hindi mo nalalaman,
at ang kanilang sinasabi ay di mo mauunawaan.
16 Ang kanilang lalagyan ng pana ay gaya ng bukas na libingan,
silang lahat ay mga lalaking makapangyarihan.
17 Lalamunin nila ang iyong ani at ang iyong pagkain,
lalamunin nila ang iyong mga anak na lalaki at babae;
lalamunin nila ang iyong mga kawan at ang iyong mga bakahan;
lalamunin nila ang iyong mga puno ng ubas at mga puno ng igos;
ang iyong mga lunsod na may kuta na iyong pinagtitiwalaan,
ay kanilang wawasakin sa pamamagitan ng tabak.”
18 “Ngunit maging sa mga araw na iyon, sabi ng Panginoon, hindi ko gagawin ang inyong lubos na pagkawasak.
19 Mangyayari na kanilang sasabihin, ‘Bakit ginawa ng Panginoon nating Diyos ang lahat ng mga bagay na ito sa atin?’ At sasabihin mo sa kanila, ‘Kung paanong inyong tinalikuran ako, at naglingkod kayo sa mga ibang diyos sa inyong lupain, gayon kayo maglilingkod sa mga banyaga sa isang lupain na hindi sa inyo.’”
Binalaan ng Diyos ang Kanyang Bayan
20 Ipahayag mo ito sa sambahayan ng Jacob,
at ibalita mo ito sa Juda, na sinasabi,
21 “Pakinggan(A) ninyo ito ngayon, O hangal at bayang walang unawa;
na may mga mata, ngunit hindi nakakakita;
na may mga tainga, ngunit hindi nakakarinig.
22 Hindi(B) ba kayo natatakot sa akin? sabi ng Panginoon,
hindi ba kayo nanginginig sa aking harapan?
Sapagkat inilagay ko ang buhangin bilang hangganan sa karagatan,
isang palagiang hadlang na hindi nito malalampasan;
bagaman tumaas ang mga alon, hindi sila magtatagumpay,
bagaman ang mga ito'y magsihugong, hindi nila ito madadaanan.
23 Ngunit ang bayang ito ay may suwail at mapaghimagsik na puso;
sila'y tumalikod at lumayo.
24 Hindi nila sinasabi sa kanilang mga puso,
‘Sa Panginoon nating Diyos ay matakot tayo,
na nagbibigay ng ulan sa kapanahunan nito,
ng ulan sa taglagas at ulan sa tagsibol,
at nag-iingat para sa atin
ng mga sanlinggong itinakda para sa pag-aani!’
25 Ang inyong mga kasamaan ang nagpalayo ng mga ito,
at ang inyong mga kasalanan ang nagsipigil ng kabutihan para sa inyo.
26 Sapagkat ang masasamang tao ay natagpuang kasama ng aking bayan;
sila'y nagbabantay na gaya ng pagbabantay ng mga mamimitag.
Sila'y naglalagay ng silo,
sila'y nanghuhuli ng mga tao.
27 Gaya ng hawla na punô ng mga ibon,
ang kanilang mga bahay ay punô ng pandaraya;
kaya't sila'y naging dakila at mayaman.
28 Sila'y nagsitaba, sila'y kumintab.
Sila'y magagaling sa paggawa ng kasamaan.
Hindi nila ipinaglalaban ang usapin,
ang usapin ng mga ulila, upang sila'y magwagi,
at hindi nila ipinagtatanggol ang mga karapatan ng mga dukha.
29 Hindi ko ba sila parurusahan dahil sa mga bagay na ito? sabi ng Panginoon;
sa isang bansang gaya nito,
hindi ko ba ipaghihiganti ang aking sarili?
30 Isang kamanghamangha at kakilakilabot na bagay
ang nangyayari sa lupain:
31 ang mga propeta ay nagpapahayag ng kasinungalingan,
at ang mga pari ay namumuno ayon sa kanilang kapangyarihan,
at iniibig ng aking bayan ang gayon;
ngunit ano ang inyong gagawin sa wakas nito?
Footnotes
- Jeremias 5:7 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .
Jeremias 5
Ang Biblia (1978)
Ang di pagkilala ng Jerusalem sa Panginoon ay tinutulan.
5 Magsitakbo kayong paroo't parito sa mga lansangan ng Jerusalem, at tingnan ngayon, at alamin, at hanapin sa mga luwal na dako niyaon, (A)kung kayo'y makakasumpong ng tao, (B)kung may sinoman na gumagawa ng kaganapan, na humahanap ng katotohanan; at aking patatawarin siya.
2 At (C)bagaman kanilang sinasabi, (D)Buháy ang Panginoon; tunay na sila'y (E)nagsisisumpa na may kasinungalingan.
3 Oh Panginoon, hindi baga tumitingin ang (F)iyong mga mata sa katotohanan? iyong hinampas sila, nguni't hindi sila nangagdamdam; iyong pinugnaw sila, nguni't sila'y nagsitangging tumanggap ng sawa'y; (G)kanilang pinapagmatigas ang kanilang mukha ng higit kay sa malaking bato; sila'y nagsitangging manumbalik.
4 Nang magkagayo'y sinabi ko, Tunay na ang mga ito ay dukha; sila'y mga hangal; (H)sapagka't hindi sila nangakakaalam ng daan ng Panginoon, o ng kahatulan ng kaniyang Dios.
5 Ako'y paroroon sa mga dakilang tao, at magsasalita sa kanila; sapagka't (I)kanilang nalalaman ang daan ng Panginoon, at ang kahatulan ng kanilang Dios. Nguni't ang mga ito ay nagkaiisang (J)magalis ng pamatok, at lumagot ng mga panali.
6 Kaya't papatayin sila ng (K)leon na mula sa gubat, (L)sisirain sila ng lobo sa mga ilang, babantayan ang kanilang mga bayan ng (M)leopardo; lahat na nagsilabas doon ay mangalalapa; sapagka't ang kanilang mga pagsalangsang ay marami, at ang kanilang mga pagtalikod ay lumago.
7 Paanong mapatatawad kita? pinabayaan ako ng iyong mga anak, at nagsisumpa sa pamamagitan (N)niyaong mga hindi dios. (O)Nang sila'y aking mabusog, sila'y nangalunya, at nagpupulong na pulupulutong sa mga bahay ng mga patutot.
8 Sila'y parang pinakaing mga kabayong pagalagala: bawa't isa'y humalinghing sa asawa ng kaniyang kapuwa.
9 Hindi baga (P)dadalaw ako dahil sa mga bagay na ito? sabi ng Panginoon: at hindi baga manghihiganti ang kaluluwa ko sa isang ganiyang bansa na gaya nito?
Ang napipintong paglagpak ng Jerusalem.
10 (Q)Sampahin ninyo ang kaniyang mga kuta at inyong gibain; (R)nguni't huwag kayong magsigawa ng lubos na kawakasan; alisin ninyo ang kaniyang mga sanga; sapagka't sila'y hindi sa Panginoon.
11 Sapagka't ang sangbahayan ni Israel at ang sangbahayan ni Juda ay (S)gumagawang may kataksilan laban sa akin, sabi ng Panginoon.
12 Kanilang ikinaila ang Panginoon, at sinabi, Hindi siya; ni darating sa atin ang kasamaan; (T)ni makakakita tayo ng tabak o ng kagutom man:
13 At ang mga propeta ay magiging parang hangin, at ang salita ay wala sa kanila: ganito ang gagawin sa kanila.
14 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, Sapagka't inyong sinalita ang salitang ito, narito, (U)gagawin ko na ang aking mga salita sa inyong bibig ay maging apoy, at ang bayang ito ay kahoy, at sila'y pupugnawin niyaon.
15 Narito, dadalhin ko ang (V)bansa sa inyo na mula sa malayo, Oh sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoon: siyang makapangyarihang bansa, siyang matandang bansa, isang bansa na ang wika ay hindi mo naiintindihan, o nababatid mo man kung ano ang kanilang sinasabi.
16 Ang kanilang lalagyan ng pana ay bukas na libingan, silang lahat ay makapangyarihang lalake.
17 At kakanin nila ang iyong (W)ani, at ang iyong tinapay, na dapat sanang kanin ng iyong mga anak na lalake at babae; kanilang kakanin ang iyong mga kawan at ang iyong mga bakahan; kanilang kakanin ang iyong mga puno ng ubas at ang iyong mga puno ng igos; kanilang ibabagsak ang iyong mga bayan na nababakuran, na iyong tinitiwalaan, sa pamamagitan ng tabak.
18 Nguni't sa mga araw mang yaon, sabi ng Panginoon, hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan sa inyo.
19 At mangyayari, pagka inyong sasabihin, (X)Bakit ginawa ng Panginoon nating Dios ang lahat ng mga bagay na ito sa atin? kung magkagayo'y sasabihin mo sa kanila, Kung paanong inyong pinabayaan (Y)ako, at nangaglingkod kayo sa mga ibang dios sa inyong lupain, (Z)gayon kayo mangaglingkod sa mga taga ibang lupa sa isang lupain na hindi inyo.
Ang larawan ng kasalanan ng Juda.
20 Inyong ipahayag ito sa sangbahayan ni Jacob, at inyong ibalita sa Juda na inyong sabihin,
21 Inyong dinggin ngayon ito, (AA)Oh hangal na bayan, at walang unawa; na may mga mata, at hindi nakakakita; na may mga pakinig, at hindi nakakarinig:
22 Hindi kayo nangatatakot sa akin? sabi ng Panginoon: hindi baga kayo manginginig sa aking harapan, na naglagay ng buhangin na (AB)pinakahangganan ng dagat, sa pamamagitan ng pinakawalang hanggang pasiya, upang huwag makalampas? at bagaman maginalon ang kaniyang mga alon, hindi rin mananaig; bagaman ang mga ito'y nagsisihugong, hindi rin ang mga ito'y makaraan.
23 Nguni't ang bayang ito ay may magulo at mapanghimagsik na puso; sila'y nanghimagsik at nagsiyaon.
24 Hindi man nila sinasabi sa sarili, Mangatakot tayo ngayon sa Panginoon nating Dios, (AC)na naglalagpak ng ulan, ng (AD)maaga at gayon din (AE)ng huli, sa kaniyang kapanahunan; na itinataan sa atin (AF)ang mga takdang sanglinggo ng mga pagaani.
25 Ang inyong mga kasamaan ang (AG)nangaghiwalay ng mga bagay na ito, at ang inyong mga kasalanan ang nagsipigil sa inyo ng kabutihan.
26 Sapagka't sa gitna ng aking bayan ay nakakasumpong ng mga masamang tao: sila'y nagbabantay, gaya ng pagbabantay ng mga mamimitag; sila'y nangaglalagay ng silo, sila'y nanghuhuli ng mga tao.
27 Kung paanong ang kulungan ay puno ng mga ibon, gayon ang kanilang mga bahay ay puno ng karayaan: kaya't sila'y naging dakila, at nagsisiyaman.
28 Sila'y nagsisitaba, sila'y makintab: oo, sila'y nagsisihigit sa mga paggawa ng kasamaan; hindi nila ipinakikipaglaban (AH)ang usap, ang usap ng ulila, (AI)upang sila'y guminhawa; at ang matuwid ng mapagkailangan ay hindi hinahatulan.
29 Hindi baga dadalaw ako dahil sa mga bagay na ito? sabi ng Panginoon; hindi baga manghihiganti ang aking kalooban sa ganiyang bansa na gaya nito?
30 Isang kamanghamangha at kakilakilabot na bagay ay nangyayari sa lupain:
31 Ang mga propeta ay nanganghuhula (AJ)ng kasinungalingan, at ang mga saserdote ay nangagpupuno sa pamamagitan ng kanilang mga kamay; (AK)at iniibig ng aking bayan na magkagayon: at ano ang inyong gagawin sa wakas niyaon?
Jeremias 5
Ang Dating Biblia (1905)
5 Magsitakbo kayong paroo't parito sa mga lansangan ng Jerusalem, at tingnan ngayon, at alamin, at hanapin sa mga luwal na dako niyaon, kung kayo'y makakasumpong ng tao, kung may sinoman na gumagawa ng kaganapan, na humahanap ng katotohanan; at aking patatawarin siya.
2 At bagaman kanilang sinasabi, Buhay ang Panginoon; tunay na sila'y nagsisisumpa na may kasinungalingan.
3 Oh Panginoon, hindi baga tumitingin ang iyong mga mata sa katotohanan? iyong hinampas sila, nguni't hindi sila nangagdamdam; iyong pinugnaw sila, nguni't sila'y nagsitangging tumanggap ng sawa'y; kanilang pinapagmatigas ang kanilang mukha ng higit kay sa malaking bato; sila'y nagsitangging manumbalik.
4 Nang magkagayo'y sinabi ko, Tunay na ang mga ito ay dukha; sila'y mga hangal; sapagka't hindi sila nangakakaalam ng daan ng Panginoon, o ng kahatulan ng kaniyang Dios.
5 Ako'y paroroon sa mga dakilang tao, at magsasalita sa kanila; sapagka't kanilang nalalaman ang daan ng Panginoon, at ang kahatulan ng kanilang Dios. Nguni't ang mga ito ay nagkaiisang magalis ng pamatok, at lumagot ng mga panali.
6 Kaya't papatayin sila ng leon na mula sa gubat, sisirain sila ng lobo sa mga ilang, babantayan ang kanilang mga bayan ng leopardo; lahat na nagsilabas doon ay mangalalapa; sapagka't ang kanilang mga pagsalangsang ay marami, at ang kanilang mga pagtalikod ay lumago.
7 Paanong mapatatawad kita? pinabayaan ako ng iyong mga anak, at nagsisumpa sa pamamagitan niyaong mga hindi dios. Nang sila'y aking mabusog, sila'y nangalunya, at nagpupulong na pulupulutong sa mga bahay ng mga patutot.
8 Sila'y parang pinakaing mga kabayong pagalagala: bawa't isa'y humalinghing sa asawa ng kaniyang kapuwa.
9 Hindi baga dadalaw ako dahil sa mga bagay na ito? sabi ng Panginoon: at hindi baga manghihiganti ang kaluluwa ko sa isang ganiyang bansa na gaya nito?
10 Sampahin ninyo ang kaniyang mga kuta at inyong gibain; nguni't huwag kayong magsigawa ng lubos na kawakasan; alisin ninyo ang kaniyang mga sanga; sapagka't sila'y hindi sa Panginoon.
11 Sapagka't ang sangbahayan ni Israel at ang sangbahayan ni Juda ay gumagawang may kataksilan laban sa akin, sabi ng Panginoon.
12 Kanilang ikinaila ang Panginoon, at sinabi, Hindi siya; ni darating sa atin ang kasamaan; ni makakakita tayo ng tabak o ng kagutom man:
13 At ang mga propeta ay magiging parang hangin, at ang salita ay wala sa kanila: ganito ang gagawin sa kanila.
14 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, Sapagka't inyong sinalita ang salitang ito, narito, gagawin ko na ang aking mga salita sa inyong bibig ay maging apoy, at ang bayang ito ay kahoy, at sila'y pupugnawin niyaon.
15 Narito, dadalhin ko ang bansa sa inyo na mula sa malayo, Oh sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoon: siyang makapangyarihang bansa, siyang matandang bansa, isang bansa na ang wika ay hindi mo naiintindihan, o nababatid mo man kung ano ang kanilang sinasabi.
16 Ang kanilang lalagyan ng pana ay bukas na libingan, silang lahat ay makapangyarihang lalake.
17 At kakanin nila ang iyong ani, at ang iyong tinapay, na dapat sanang kanin ng iyong mga anak na lalake at babae; kanilang kakanin ang iyong mga kawan at ang iyong mga bakahan; kanilang kakanin ang iyong mga puno ng ubas at ang iyong mga puno ng igos; kanilang ibabagsak ang iyong mga bayan na nababakuran, na iyong tinitiwalaan, sa pamamagitan ng tabak.
18 Nguni't sa mga araw mang yaon, sabi ng Panginoon, hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan sa inyo.
19 At mangyayari, pagka inyong sasabihin, Bakit ginawa ng Panginoon nating Dios ang lahat ng mga bagay na ito sa atin? kung magkagayo'y sasabihin mo sa kanila, Kung paanong inyong pinabayaan ako, at nangaglingkod kayo sa mga ibang dios sa inyong lupain, gayon kayo mangaglingkod sa mga taga ibang lupa sa isang lupain na hindi inyo.
20 Inyong ipahayag ito sa sangbahayan ni Jacob, at inyong ibalita sa Juda na inyong sabihin,
21 Inyong dinggin ngayon ito, Oh hangal na bayan, at walang unawa; na may mga mata, at hindi nakakakita; na may mga pakinig, at hindi nakakarinig:
22 Hindi kayo nangatatakot sa akin? sabi ng Panginoon: hindi baga kayo manginginig sa aking harapan, na naglagay ng buhangin na pinakahangganan ng dagat, sa pamamagitan ng pinakawalang hanggang pasiya, upang huwag makalampas? at bagaman maginalon ang kaniyang mga alon, hindi rin mananaig; bagaman ang mga ito'y nagsisihugong, hindi rin ang mga ito'y makaraan.
23 Nguni't ang bayang ito ay may magulo at mapanghimagsik na puso; sila'y nanghimagsik at nagsiyaon.
24 Hindi man nila sinasabi sa sarili, Mangatakot tayo ngayon sa Panginoon nating Dios, na naglalagpak ng ulan, ng maaga at gayon din ng huli, sa kaniyang kapanahunan; na itinataan sa atin ang mga takdang sanglinggo ng mga pagaani.
25 Ang inyong mga kasamaan ang nangaghiwalay ng mga bagay na ito, at ang inyong mga kasalanan ang nagsipigil sa inyo ng kabutihan.
26 Sapagka't sa gitna ng aking bayan ay nakakasumpong ng mga masamang tao: sila'y nagbabantay, gaya ng pagbabantay ng mga mamimitag; sila'y nangaglalagay ng silo, sila'y nanghuhuli ng mga tao.
27 Kung paanong ang kulungan ay puno ng mga ibon, gayon ang kanilang mga bahay ay puno ng karayaan: kaya't sila'y naging dakila, at nagsisiyaman.
28 Sila'y nagsisitaba, sila'y makintab: oo, sila'y nagsisihigit sa mga paggawa ng kasamaan; hindi nila ipinakikipaglaban ang usap, ang usap ng ulila, upang sila'y guminhawa; at ang matuwid ng mapagkailangan ay hindi hinahatulan.
29 Hindi baga dadalaw ako dahil sa mga bagay na ito? sabi ng Panginoon; hindi baga manghihiganti ang aking kalooban sa ganiyang bansa na gaya nito?
30 Isang kamanghamangha at kakilakilabot na bagay ay nangyayari sa lupain:
31 Ang mga propeta ay nanganghuhula ng kasinungalingan, at ang mga saserdote ay nangagpupuno sa pamamagitan ng kanilang mga kamay; at iniibig ng aking bayan na magkagayon: at ano ang inyong gagawin sa wakas niyaon?
Jeremiah 5
New International Version
Not One Is Upright
5 “Go up and down(A) the streets of Jerusalem,
look around and consider,(B)
search through her squares.
If you can find but one person(C)
who deals honestly(D) and seeks the truth,
I will forgive(E) this city.
2 Although they say, ‘As surely as the Lord lives,’(F)
still they are swearing falsely.(G)”
3 Lord, do not your eyes(H) look for truth?
You struck(I) them, but they felt no pain;
you crushed them, but they refused correction.(J)
They made their faces harder than stone(K)
and refused to repent.(L)
4 I thought, “These are only the poor;
they are foolish,(M)
for they do not know(N) the way of the Lord,
the requirements of their God.
5 So I will go to the leaders(O)
and speak to them;
surely they know the way of the Lord,
the requirements of their God.”
But with one accord they too had broken off the yoke
and torn off the bonds.(P)
6 Therefore a lion from the forest(Q) will attack them,
a wolf from the desert will ravage(R) them,
a leopard(S) will lie in wait near their towns
to tear to pieces any who venture out,
for their rebellion is great
and their backslidings many.(T)
7 “Why should I forgive you?
Your children have forsaken me
and sworn(U) by gods that are not gods.(V)
I supplied all their needs,
yet they committed adultery(W)
and thronged to the houses of prostitutes.(X)
8 They are well-fed, lusty stallions,
each neighing for another man’s wife.(Y)
9 Should I not punish them for this?”(Z)
declares the Lord.
“Should I not avenge(AA) myself
on such a nation as this?
10 “Go through her vineyards and ravage them,
but do not destroy them completely.(AB)
Strip off her branches,
for these people do not belong to the Lord.
11 The people of Israel and the people of Judah
have been utterly unfaithful(AC) to me,”
declares the Lord.
12 They have lied(AD) about the Lord;
they said, “He will do nothing!
No harm will come to us;(AE)
we will never see sword or famine.(AF)
13 The prophets(AG) are but wind(AH)
and the word is not in them;
so let what they say be done to them.”
14 Therefore this is what the Lord God Almighty says:
“Because the people have spoken these words,
I will make my words in your mouth(AI) a fire(AJ)
and these people the wood it consumes.(AK)
15 People of Israel,” declares the Lord,
“I am bringing a distant nation(AL) against you—
an ancient and enduring nation,
a people whose language(AM) you do not know,
whose speech you do not understand.
16 Their quivers(AN) are like an open grave;
all of them are mighty warriors.
17 They will devour(AO) your harvests and food,
devour(AP) your sons and daughters;
they will devour(AQ) your flocks and herds,
devour your vines and fig trees.(AR)
With the sword(AS) they will destroy
the fortified cities(AT) in which you trust.(AU)
18 “Yet even in those days,” declares the Lord, “I will not destroy(AV) you completely. 19 And when the people ask,(AW) ‘Why has the Lord our God done all this to us?’ you will tell them, ‘As you have forsaken me and served foreign gods(AX) in your own land, so now you will serve foreigners(AY) in a land not your own.’
20 “Announce this to the descendants of Jacob
and proclaim(AZ) it in Judah:
21 Hear this, you foolish and senseless people,(BA)
who have eyes(BB) but do not see,
who have ears but do not hear:(BC)
22 Should you not fear(BD) me?” declares the Lord.
“Should you not tremble(BE) in my presence?
I made the sand a boundary for the sea,(BF)
an everlasting barrier it cannot cross.
The waves may roll, but they cannot prevail;
they may roar,(BG) but they cannot cross it.
23 But these people have stubborn and rebellious(BH) hearts;
they have turned aside(BI) and gone away.
24 They do not say to themselves,
‘Let us fear(BJ) the Lord our God,
who gives autumn and spring rains(BK) in season,
who assures us of the regular weeks of harvest.’(BL)
25 Your wrongdoings have kept these away;
your sins have deprived you of good.(BM)
26 “Among my people are the wicked(BN)
who lie in wait(BO) like men who snare birds
and like those who set traps(BP) to catch people.
27 Like cages full of birds,
their houses are full of deceit;(BQ)
they have become rich(BR) and powerful
28 and have grown fat(BS) and sleek.
Their evil deeds have no limit;
they do not seek justice.
They do not promote the case of the fatherless;(BT)
they do not defend the just cause of the poor.(BU)
29 Should I not punish them for this?”
declares the Lord.
“Should I not avenge(BV) myself
on such a nation as this?
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

