Jeremias 4:5-7
Ang Biblia (1978)
5 Ipahayag ninyo sa Juda, at ibalita ninyo sa Jerusalem; at inyong sabihin, Inyong hipan ang pakakak sa lupain: magsihiyaw kayo ng malakas, at inyong sabihin, (A)Magpisan kayo, at tayo'y magsipasok sa (B)mga bayang nakukutaan.
6 Kayo'y mangagtaas ng watawat sa dako ng Sion: kayo'y magsitakas sa ikatitiwasay, huwag kayong magsitigil: (C)sapagka't ako'y magdadala ng kasamaan mula sa hilagaan, at ng malaking paglipol.
7 Ang isang leon ay (D)sumampa mula sa kaniyang kagubatan, at ang manglilipol ng mga bansa; siya'y nasa kaniyang paglalakad, siya'y lumabas mula sa kaniyang dako, upang sirain ang iyong lupain, upang ang iyong mga bayan ay mangalagay na sira na (E)walang mananahan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978