Jeremias 4:28-30
Ang Biblia (1978)
28 Dahil dito (A)ay tatangis ang lupa, at (B)ang langit sa itaas ay magiging maitim: sapagka't aking sinalita, aking pinanukala, (C)at hindi ako nagsisi, o akin mang tatalikuran.
29 Ang buong bayan ay tumakas dahil sa hugong ng mga mangangabayo at ng mga mamamana; sila'y nagsipasok sa mga kagubatan, at nangagukyabit sa mga malaking bato; bawa't bayan ay napabayaan, at walang tao na tumatahan doon.
30 At ikaw, pagka ikaw ay napahamak, anong iyong gagawin? Bagaman ikaw ay nananamit ng mainam na damit na mapula; (D)bagaman ikaw ay gumagayak ng mga kagayakang ginto, (E)bagaman iyong pinalalaki ang iyong mga mata ng pinta, sa walang kabuluhan nagpapakaganda ka; (F)hinahamak ka ng mga mangingibig sa iyo, pinagsisikapan nila ang iyong buhay.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978