Add parallel Print Page Options

19 Tunay na (A)pagkapanumbalik ko sa iyo ay nagsisi ako; at pagkatapos na ako'y maturuan ay (B)nagsugat ako ng hita: ako'y napahiya, oo, lito, sapagka't aking dinala ang kakutyaan (C)ng aking kabataan.

20 Ang Ephraim baga'y aking minamahal na anak? siya baga'y iniibig na anak? sapagka't kung gaano kadalas nagsasalita ako laban sa kaniya, ay gayon ko inaalaala siya ng di kawasa: (D)kaya't nananabik ang aking puso sa kaniya; ako'y tunay na maaawa sa kaniya, sabi ng Panginoon.

Ang darating na pananagana ng Israel.

21 Maglagay ka ng mga patotoo, gumawa ka ng mga haliging tanda: (E)ilagak mo ang iyong puso sa dakong lansangan, sa daan na iyong pinaroonan: ikaw ay magbalik uli, Oh dalaga ng Israel, ikaw ay bumalik uli rito sa mga bayang ito.

Read full chapter