Jeremias 19
Ang Biblia (1978)
Ang pagkagiba ng Jerusalem ay itinulad sa basag na palyok.
19 Ganito ang sabi ng Panginoon, Ikaw ay yumaon, at bumili ka ng isang (A)sisidlang lupa ng magpapalyok, at magsama ka ng mga matanda sa bayan, at (B)ng mga matanda sa mga saserdote;
2 At ikaw ay lumabas (C)sa libis ng anak ni Hinnom, na nasa tabi ng pasukan ng pintuang-bayan ng Harsit, at itanyag mo roon ang mga salita na aking sasaysayin sa iyo:
3 At iyong sabihin, Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, (D)Oh mga hari sa Juda, at mga nananahan sa Jerusalem: Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, ako'y magpaparating ng kasamaan sa dakong ito, (E)na sinomang makarinig ay magpapanting ang mga pakinig.
4 Sapagka't kanilang pinabayaan (F)ako, at kanilang pinapaging iba ang dakong ito, at nangagsunog sila ng kamangyan dito sa ibang mga dios, na hindi nila nakilala, nila at ng kanilang mga magulang at ng mga hari sa Juda, at pinuno ang dakong ito ng dugo ng mga walang sala,
5 At (G)itinayo ang mga mataas na dako ni Baal, (H)upang sunugin ang kanilang mga anak sa apoy na mga pinakahandog na susunugin kay Baal; (I)na hindi ko iniutos, o sinalita man, o pumasok man sa aking pagiisip:
6 Kaya't narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ang dakong ito ay hindi na tatawaging (J)Topheth, ni (K)Ang libis ng anak ni Hinnom, kundi Ang libis ng Patayan.
7 At aking sasayangin ang payo ng Juda at ng Jerusalem sa dakong ito; at aking ibubuwal sila sa pamamagitan ng tabak sa harap ng kanilang mga kaaway, at sa pamamagitan ng kamay ng nagsisiusig ng kanilang buhay: (L)at ang kanilang mga bangkay ay mangabibigay na pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa.
8 At (M)gagawin ko ang bayang ito na katigilan, at kasutsutan; bawa't isa na mangagdadaan doon ay mangatitigilan at magsisisutsot dahil sa lahat na salot niyaon.
9 At (N)pakakanin ko sila ng laman ng kanilang mga anak na lalake at ang laman ng kanilang mga anak na babae; at kakain bawa't isa sa kanila ng laman ng kaniyang kaibigan, sa pagkakulong at sa kagipitan, na igigipit sa kanila ng kanilang mga kaaway, at ng nagsisiusig ng kanilang buhay.
10 Kung magkagayo'y (O)babasagin mo ang sisidlang lupa sa paningin ng mga lalake na nagsisiyaong kasama mo, at iyong sasabihin sa kanila,
11 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ganito ko babasagin ang mga taong ito at ang bayang ito, gaya ng pagbasag ng isang sisidlan ng magpapalyok, na hindi mabubuo uli; at sila'y mangaglilibing (P)sa Topheth hanggang sa mawalan ng dakong mapaglilibingan.
12 Ganito ang gagawin ko sa dakong ito, sabi ng Panginoon, at sa mga nananahan dito, sa makatuwid baga'y gagawin ang bayang ito na (Q)gaya ng Topheth:
13 At ang mga bahay ng Jerusalem, at ang mga bahay ng mga hari sa Juda, na nangahawa ay magiging gaya ng dako ng Topheth, lahat ng bahay (R)na ang mga bubungan ay pinagsunugan ng kamangyan sa lahat ng natatanaw sa langit, at (S)pinagbuhusan ng mga handog na inumin sa ibang mga dios.
14 Nang magkagayo'y nagbalik si Jeremias mula sa Topheth, na pinagsuguan sa kaniya ng Panginoon upang manghula; at siya'y tumayo sa (T)looban ng bahay ng Panginoon, at nagsabi sa buong bayan,
15 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, ako'y magdadala sa bayang ito, at sa kaniyang lahat na bayan ng lahat na kasamaan na aking sinalita laban doon; sapagka't kanilang pinapagmatigas ang kanilang leeg, upang huwag nilang marinig ang aking salita.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978