Jeremias 14
Ang Biblia (1978)
Ang pagkatuyo, at ang panalangin sa paghingi ng awa.
14 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias tungkol sa pagkakatuyo.
2 Ang Juda ay tumatangis, at ang mga pintuang-bayan (A)niya ay nagsisihapay, mga bagsak na (B)nangingitim sa lupa; at ang daing ng Jerusalem ay umilanglang.
3 At sinugo ng mga mahal na tao ang kanilang mga bata sa tubig: sila'y nagsisiparoon sa mga balon, at hindi nangakasumpong ng tubig; sila'y nagsisibalik na may mga sisidlang walang laman; sila'y nangapapahiya at (C)nangalilito, at nangagtatakip ng kanilang mga ulo.
4 Dahil sa lupa na pumuputok, palibhasa't (D)hindi nagkaroon ng ulan sa lupain, ang mga mangbubukid ay nangapahiya, kanilang tinatakpan ang kanilang mga ulo.
5 Oo, ang usa sa parang naman ay nanganganak, at pinababayaan ang anak, sapagka't walang damo.
6 At (E)ang mga mailap na asno ay nagsisitayo sa mga luwal na kaitaasan, sila'y humihingal na parang mga chakal; sila ay nangangalumata, sapagka't walang pastulan.
7 Bagaman ang aming mga kasamaan ay sumasaksi laban sa amin, gumawa ka (F)alangalang sa iyong pangalan, Oh Panginoon; sapagka't ang aming mga pagtalikod ay marami; kami ay nangagkasala laban sa iyo.
8 Oh ikaw na pagasa ng Israel, na (G)Tagapagligtas sa kaniya sa panahon ng kabagabagan, bakit ka magiging parang nakikipamayan sa lupain, at parang gala na lumiliko na nagpaparaan ng gabi?
9 Bakit ka magiging parang taong natigilan, parang makapangyarihan (H)na hindi makapagligtas? gayon man (I)ikaw, Oh Panginoon, ay nasa gitna namin, at kami ay tinatawag sa iyong pangalan; (J)huwag mo kaming iwan.
Sinasabi ng Panginoon na ang pamamagitan ay walang kabuluhan.
10 Ganito ang sabi ng Panginoon sa bayang ito, Yamang kanilang inibig ang paglaboy; hindi nila pinigil ang kanilang mga paa: kaya't hindi sila tinatanggap ng Panginoon; ngayo'y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan, at dadalawin ang kanilang mga kasalanan.
11 At sinabi ng Panginoon sa akin, (K)Huwag mong idalangin ang bayang ito sa kanilang ikabubuti.
12 (L)Pagka sila'y nangagaayuno, (M)hindi ko didinggin ang kanilang daing; at (N)pagka sila'y nangaghahandog ng handog na susunugin at ng alay, hindi ko tatanggapin; kundi aking lilipulin (O)sila ng tabak, at ng kagutom, at ng salot.
13 (P)Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios! narito, sinasabi ng mga propeta sa kanila, Kayo'y hindi makakakita ng tabak, o magkakaroon man kayo ng kagutom; kundi bibigyan ko kayo ng talagang kapayapaan sa dakong ito.
14 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang mga propeta ay nanghuhula (Q)ng kasinungalingan sa aking pangalan; hindi ko sila sinugo, o inutusan ko man sila, o nagsalita man ako sa kanila: sila'y nanganghuhula sa iyo ng sinungaling na pangitain, at (R)ng panghuhula, at ng bagay na wala, at ng daya ng kanilang sariling puso.
15 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga propeta na nanghuhula sa aking pangalan, at hindi ko sila sinugo, na gayon ma'y (S)nagsasabi sila, Tabak at kagutom ay hindi sasapit sa lupaing ito: (T)Sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom ay malilipol ang mga propetang yaon.
16 At ang bayan na kanilang pinanghuhulaan ay ihahagis sa mga lansangan ng Jerusalem dahil sa kagutom at sa tabak; (U)at walang maglilibing sa kanila—sa kanila, sa kanilang mga asawa, o sa kanilang mga anak na lalake man, o babae man: sapagka't aking ibubuhos sa kanila ang kanilang kasamaan.
17 At iyong sasabihin ang salitang ito sa kanila, Daluyan ang aking mga mata ng mga luha gabi at araw, at huwag maglikat; sapagka't ang (V)anak na dalaga ng aking bayan ay nasira ng malaking pagkasira, na may totoong mabigat na sugat.
18 Kung ako'y lumabas (W)sa parang, narito, ang mga pinatay ng tabak! at kung ako'y pumasok sa bayan, narito, sila na mga may sakit ng pagkagutom! sapagka't ang propeta (X)at gayon din ang saserdote ay lumilibot sa lupain at walang kaalaman.
19 Iyo bagang lubos na itinakuwil ang Juda? kinapootan baga ng iyong kaluluwa ang Sion? bakit mo sinaktan kami, at walang kagalingan sa amin? Kami ay nangaghihintay ng kapayapaan, nguni't walang kabutihang dumating; at ng panahon ng kagalingan, at, narito, panglulupaypay!
20 Aming kinikilala, Oh Panginoon, ang aming kasamaan, at ang kasamaan ng aming mga magulang; (Y)sapagka't kami ay nangagkasala laban sa iyo.
21 Huwag mo kaming kayamutan, (Z)alangalang sa iyong pangalan; huwag mong hamakin ang luklukan ng iyong kaluwalhatian: (AA)iyong alalahanin, huwag mong sirain ang iyong tipan sa amin.
22 Mayroon bagang sinoman (AB)sa gitna ng mga walang kabuluhan ng mga bansa na makapagpapaulan? o makapagpapaambon baga ang mga langit? (AC)Hindi baga ikaw ay siya, Oh Panginoon naming Dios? kaya't kami ay mangaghihintay sa iyo; sapagka't iyong ginawa ang lahat na bagay na ito.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978