Add parallel Print Page Options

Paghahari ng Prinsipe ng Kapayapaan

Ngunit(A) napawi na ang dilim sa bayang matagal nang namimighati. Noong mga nakaraang araw, inilagay niya sa kahihiyan ang lupain ng Zebulun at ang lupain ng Neftali. Ngunit sa panahong darating, dadakilain niya ang lupaing ito, daanang papunta sa lawa, sa ibayo ng Jordan, sa Galilea ng mga Hentil!

Nakakita(B) ng isang maningning na liwanag
    ang bayang matagal nang lumalakad sa kadiliman;
sumikat na ang liwanag
    sa mga taong naninirahan sa lupaing balot ng dilim.
Pinasigla mo ang kanilang pagdiriwang,
    dinagdagan mo ang kanilang tuwa.
Nagagalak sila na parang panahon ng anihan,
    at parang mga taong naghahati-hati sa nasamsam na kayamanan.
Sapagkat binali mo ang pamatok ng kahirapan
    at mga bigatin sa kanilang balikat ay pinasan.
Pamalo ng mga mang-aapi, iyong binali
    tulad sa Midian na iyong ginapi.
Ang panyapak ng mga mandirigma,
    at ang lahat ng kasuotang tigmak sa dugo ay susunugin.
Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin.
    Ibibigay sa kanya ang pamamahala;
at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo,
    Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama,
    Prinsipe ng Kapayapaan.
Magiging(C) malawak ang kanyang kapangyarihan
    at walang katapusang kapayapaan ang ipagkakaloob sa trono ni David at sa kanyang kaharian.
Itatatag niya ito at pamamahalaan
    na may katarungan at katuwiran
    mula ngayon at magpakailanman.
Isasagawa ito ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.

Paparusahan ng Diyos ang Israel

Nagsalita ang Panginoon laban kay Jacob,
    sa kaharian ng Israel.
Malalaman ito ng lahat ng tao sa Efraim
    at ng lahat ng naninirahan sa Samaria,
    ngunit dahil sila'y pangahas at tunay na palalo, sila ay nagsabi ng ganito:
10 “Gumuho man ang mga gusaling yari sa tisa,
    magtatayo naman kami ng gusaling yari sa bato.
Maubos man ang mga punong sikamoro,
    papalitan namin ng sedar ang mga ito.”
11 Kaya sila'y ipasasalakay ni Yahweh
    sa kanilang mga kaaway.
12 Ang Israel ay sasakmalin ng Siria mula sa silangan
at ng mga Filisteo mula sa kanluran,
ngunit hindi pa rin mawawala ang matindi niyang galit,
    at patuloy pa niyang paparusahan ang bayang Israel.

13 Ngunit hindi pa rin magsisisi ang bayan kahit na sila'y parusahan,
    ayaw talaga nilang magbalik-loob kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.
14 Kaya sa loob lamang ng isang araw ay paparusahan ni Yahweh ang mga pinuno't mamamayan ng Israel;
    para silang hayop na pinutulan ng ulo't buntot.
15 Ang ulo'y ang matatandang pinuno na iginagalang,
    at ang buntot nama'y mga propetang bulaan.
16 Iniligaw ng kanilang mga pinuno ang bayang ito
    kaya ang mga tagasunod nila ay nagkakagulo.
17 Dahil dito, hindi kinalugdan ng Panginoon ang kanilang mga kabataang lalaki,
    hindi niya kinahabagan ang kanilang mga ulila at biyuda.
Lahat sila'y walang kinikilalang diyos at masasama;
    pawang kahangalan ang kanilang sinasabi.
Sa lahat ng ito'y hindi mawawala ang matindi niyang galit,
    patuloy niyang paparusahan ang bayang Israel.
18 Ang kasamaan ay naglalagablab na parang apoy
    at sumusunog sa mga tinik at dawag;
tutupukin nito ang masukal na gubat
    at papailanlang ang makapal na usok.
19 Susunugin ang buong lupa
    dahil sa poot ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat,
at ang mga tao'y parang mga panggatong sa apoy
    at walang ititira sa kanyang kapwa.
20 Susunggaban nila ang anumang pagkaing kanilang makikita,
    gayunma'y hindi sila mabubusog,
kakainin din nila kahit laman ng kanilang mga anak.
21 Magsasagupaan ang mga naninirahan sa Manases at Efraim
    at pagkatapos ay pagtutulungan ang Juda;
ngunit hindi pa rin mawawala ang matinding poot ni Yahweh.
    Patuloy niyang paparusahan ang bayang Israel.

Kapanganakan at paghahari ng prinsipe ng kapayapaan.

Gayon man ay (A)hindi magkakaroon ng paguulap sa kaniya na nasa kahapisan. (B)Nang unang panahon ay dinala niya sa pagkawalang kabuluhan ang (C)lupain ng Zabulon at ang lupain ng Nephtali, nguni't sa huling panahon ay ginawa niyang maluwalhati, sa daang patungo sa dagat, sa dako roon ng Jordan, ng Galilea ng mga bansa.

Ang (D)bayan na (E)lumalakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag: silang nagsisitahan sa lupain ng lilim ng kamatayan, sa kanila sumilang ang liwanag.

(F)Iyong pinarami ang bansa, iyong pinalago ang kanilang kagalakan: sila'y nangagagalak sa harap mo ayon sa kagalakan sa pagaani, gaya ng mga tao na nangagagalak pagka nangagbabahagi ng samsam.

Sapagka't ang pamatok na kaniyang (G)pasan, at ang pingga sa kaniyang balikat, ang panghampas ng mamimighati sa kaniya, ay iyong sinira na gaya sa kaarawan ng (H)Madian.

Sapagka't ang lahat na sakbat ng nasasakbatang tao sa kaguluhan, at ang mga kasuutang puno ng dugo ay magiging para sa pagkasunog, para sa mitsa ng apoy.

Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang (I)isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang (J)anak na lalake; at ang (K)pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging (L)Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, (M)Pangulo ng Kapayapaan.

Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay (N)hindi magkakaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at (O)upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng (P)sikap ng Panginoon ng mga hukbo.

Nagpasabi ang Panginoon sa Jacob, at naliliwanagan ang Israel,

At malalaman ng buong bayan ng (Q)Ephraim, at ng nananahan sa (R)Samaria, na nagsasabi sa kapalaluan at sa pagmamatigas ng ulo,

10 Ang mga laryo ay nangahulog, nguni't aming itatayo ng tinabas na bato: ang mga sikomoro ay nangaputol, nguni't aming papalitan ng mga cedro.

11 Kaya't itataas ng Panginoon laban sa kaniya ang mga kaaway ng (S)Rezin, at manghihikayat ng kaniyang mga kaalit;

12 (T)Ang mga taga Siria sa unahan, at ang mga (U)Filisteo sa likuran; at kanilang lalamunin ang Israel ng bukang bibig. (V)Sa lahat na ito ang kaniyang galit ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.

13 Gayon ma'y (W)ang bayan ay hindi nagbalik-loob sa kaniya na sumakit sa kanila, o hinanap man nila ang Panginoon ng mga hukbo.

14 Kaya't puputulin ng Panginoon sa Israel ang ulo't buntot, ang sanga ng palma at ang tambo, (X)sa isang araw.

15 Ang matanda at ang marangal na tao, siyang ulo; at ang propeta na nagtuturo ng mga kabulaanan, siyang buntot.

16 Sapagka't silang nagsisipatnubay ng bayang ito ay siyang nangagliligaw; at silang pinapatnubayan ay nangapapahamak.

17 Kaya't ang Panginoon ay hindi magagalak sa kanilang mga binata, ni mahahabag man sa kanilang mga ulila at mga babaing bao: sapagka't bawa't isa ay (Y)marumi at manggagawa ng kasamaan, at bawa't bibig ay nagsasalita ng kamangmangan. (Z)Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.

18 Sapagka't ang kasamaan ay (AA)sumusunog na gaya ng apoy; pumupugnaw ng mga dawag at mga tinikan: oo, nagaalab na sa siitan sa gubat, at umiilanglang na paitaas sa mga masinsing ulap na usok.

19 Sa poot ng Panginoon ng mga hukbo ay nasusunog ang lupain: ang bayan naman ay gaya ng panggatong sa apoy; (AB)walang taong mahahabag sa kaniyang kapatid.

20 At isa'y susunggab ng kanang kamay, at magugutom; at kakain ng kaliwa, (AC)at hindi sila mabubusog: sila'y magsisikain (AD)bawa't isa ng laman ng kaniyang sariling bisig:

21 (AE)Ang Manases, ay kakanin ang Ephraim; at ang Ephraim, ay ang Manases: at (AF)sila kapuwa ay magiging laban sa Juda. (AG)Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.

Kapanganakan at Paghahari ng Prinsipe ng Kapayapaan

Gayunman(A) ay hindi magkakaroon ng kapanglawan sa kanya na nasa pagkahapis. Nang unang panahon ay dinala niya sa paghamak ang mga lupain ng Zebulon at Neftali, ngunit sa huling panahon ay gagawin niyang maluwalhati ang daang patungo sa dagat, ang lupain sa kabila ng Jordan, ang Galilea ng mga bansa.

Ang(B) bayan na lumakad sa kadiliman
    ay nakakita ng dakilang liwanag;
silang naninirahan sa lupain ng matinding kadiliman,
    sa kanila sumikat ang liwanag.
Iyong pinarami ang bansa,
    iyong pinarami ang kanilang kagalakan.
Sila'y nagagalak sa harap mo
    gaya ng kagalakan sa pag-aani,
    gaya ng mga tao na nagagalak kapag kanilang pinaghahatian ang samsam.
Sapagkat ang pamatok na kanyang pasan,
    at ang pingga sa kanyang balikat,
    ang panghampas ng nagpapahirap sa kanya,
    ay iyong sinira na gaya sa araw ng Midian.
Sapagkat lahat ng sandalyas ng naglalakad na mandirigma,
    at ang mga kasuotang tigmak ng dugo
    ay susunugin bilang panggatong para sa apoy.
Sapagkat sa atin ay ipinanganak ang isang bata,
    sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalaki;
at ang pamamahala ay maaatang sa kanyang balikat;
    at ang kanyang pangalan ay tatawaging
“Kamanghamanghang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos,
    Walang hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.”
Ang(C) paglago ng kanyang pamamahala
    at ng kapayapaan ay hindi magwawakas,
sa trono ni David, at sa kanyang kaharian,
    upang itatag, at upang alalayan
ng katarungan at ng katuwiran
    mula sa panahong ito hanggang sa magpakailanman.
Isasagawa ito ng sigasig ng Panginoon ng mga hukbo.

Nagpadala ng mensahe ang Panginoon sa Jacob,
    at ito'y magliliwanag[a] sa Israel.
At malalaman ng buong bayan,
    ng Efraim at ng mga mamamayan ng Samaria,
    na nagsasabi sa kapalaluan at sa pagmamatigas ng puso:
10 “Ang mga laryo ay nahulog,
    ngunit aming itatayo ng tinabas na bato;
ang mga sikomoro ay pinutol na,
    ngunit aming papalitan ng mga sedro.”
11 Kaya't ang Panginoon ay magbabangon ng mga kaaway laban sa kanila,
    at pasisiglahin ang kanyang mga kalaban.
12 Ang mga taga-Siria sa silangan, at ang mga Filisteo sa kanluran,
    at kanilang lalamunin ang Israel sa pamamagitan ng bukas na bibig.
Sa lahat na ito ang kanyang galit ay hindi napawi,
    kundi ang kanyang kamay ay laging nakaunat.

13 Gayunma'y ang bayan ay hindi nagbalik-loob sa kanya na nanakit sa kanila,
    o hinanap man nila ang Panginoon ng mga hukbo.
14 Kaya't puputulin ng Panginoon ang ulo't buntot ng Israel,
    ang sanga ng palma at ang tambo, sa isang araw—
15 ang matanda at ang marangal na tao ang siyang ulo,
    at ang propeta na nagtuturo ng mga kabulaanan ang siyang buntot.
16 Sapagkat silang umakay sa bayang ito ay siyang nagliligaw;
    at silang pinapatnubayan nila ay nilamon.
17 Kaya't ang Panginoon ay hindi nagagalak sa kanilang mga binata,
    ni mahahabag man sa kanilang mga ulila at mga babaing balo.
Sapagkat bawat isa ay masama at manggagawa ng kasamaan,
    at bawat bibig ay nagsasalita ng kahangalan.
Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi,
    kundi ang kanyang kamay ay laging nakaunat.

18 Sapagkat ang kasamaan ay sumusunog na gaya ng apoy;
    ito'y tumutupok ng mga dawag at mga tinikan;
inaapuyan nito ang tinikan sa gubat,
    at pumapailanglang na paitaas sa mga masinsing ulap na usok.
19 Sa poot ng Panginoon ng mga hukbo
    ay nasusunog ang lupain.
Ang bayan naman ay gaya ng panggatong sa apoy;
    walang taong nagpapatawad sa kanyang kapatid.
20 Sila'y sumunggab ng kanang kamay, ngunit nagugutom pa rin,
    at kakain sa kaliwa, ngunit hindi sila nasisiyahan,
nilalamon ng bawat isa ang laman ng kanyang kapwa.
21 Sinakmal ng Manases ang Efraim, at ng Efraim ang Manases;
    sila'y kapwa naging laban sa Juda.
Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi,
    kundi ang kanyang kamay ay laging nakaunat.

Footnotes

  1. Isaias 9:8 Sa Hebreo ay babagsak .

Gayon man ay hindi magkakaroon ng paguulap sa kaniya na nasa kahapisan. Nang unang panahon ay dinala niya sa pagkawalang kabuluhan ang lupain ng Zabulon at ang lupain ng Nephtali, nguni't sa huling panahon ay ginawa niyang maluwalhati, sa daang patungo sa dagat, sa dako roon ng Jordan, ng Galilea ng mga bansa.

Ang bayan na lumalakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag: silang nagsisitahan sa lupain ng lilim ng kamatayan, sa kanila sumilang ang liwanag.

Iyong pinarami ang bansa, iyong pinalago ang kanilang kagalakan: sila'y nangagagalak sa harap mo ayon sa kagalakan sa pagaani, gaya ng mga tao na nangagagalak pagka nangagbabahagi ng samsam.

Sapagka't ang pamatok na kaniyang pasan, at ang pingga sa kaniyang balikat, ang panghampas ng mamimighati sa kaniya, ay iyong sinira na gaya sa kaarawan ng Madian.

Sapagka't ang lahat na sakbat ng nasasakbatang tao sa kaguluhan, at ang mga kasuutang puno ng dugo ay magiging para sa pagkasunog, para sa mitsa ng apoy.

Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.

Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng sikap ng Panginoon ng mga hukbo.

Nagpasabi ang Panginoon sa Jacob, at naliliwanagan ang Israel,

At malalaman ng buong bayan ng Ephraim, at ng nananahan sa Samaria, na nagsasabi sa kapalaluan at sa pagmamatigas ng ulo,

10 Ang mga laryo ay nangahulog, nguni't aming itatayo ng tinabas na bato: ang mga sikomoro ay nangaputol, nguni't aming papalitan ng mga cedro.

11 Kaya't itataas ng Panginoon laban sa kaniya ang mga kaaway ng Rezin, at manghihikayat ng kaniyang mga kaalit;

12 Ang mga taga Siria sa unahan, at ang mga Filisteo sa likuran; at kanilang lalamunin ang Israel ng bukang bibig. Sa lahat na ito ang kaniyang galit ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.

13 Gayon ma'y ang bayan ay hindi nagbalik-loob sa kaniya na sumakit sa kanila, o hinanap man nila ang Panginoon ng mga hukbo.

14 Kaya't puputulin ng Panginoon sa Israel ang ulo't buntot, ang sanga ng palma at ang tambo, sa isang araw.

15 Ang matanda at ang marangal na tao, siyang ulo; at ang propeta na nagtuturo ng mga kabulaanan, siyang buntot.

16 Sapagka't silang nagsisipatnubay ng bayang ito ay siyang nangagliligaw; at silang pinapatnubayan ay nangapapahamak.

17 Kaya't ang Panginoon ay hindi magagalak sa kanilang mga binata, ni mahahabag man sa kanilang mga ulila at mga babaing bao: sapagka't bawa't isa ay marumi at manggagawa ng kasamaan, at bawa't bibig ay nagsasalita ng kamangmangan. Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.

18 Sapagka't ang kasamaan ay sumusunog na gaya ng apoy; pumupugnaw ng mga dawag at mga tinikan: oo, nagaalab na sa siitan sa gubat, at umiilanglang na paitaas sa mga masinsing ulap na usok.

19 Sa poot ng Panginoon ng mga hukbo ay nasusunog ang lupain: ang bayan naman ay gaya ng panggatong sa apoy; walang taong mahahabag sa kaniyang kapatid.

20 At isa'y susunggab ng kanang kamay, at magugutom; at kakain ng kaliwa, at hindi sila mabubusog: sila'y magsisikain bawa't isa ng laman ng kaniyang sariling bisig:

21 Ang Manases, ay kakanin ang Ephraim; at ang Ephraim, ay ang Manases: at sila kapuwa ay magiging laban sa Juda. Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.