Add parallel Print Page Options

Ang(A) paglago ng kanyang pamamahala
    at ng kapayapaan ay hindi magwawakas,
sa trono ni David, at sa kanyang kaharian,
    upang itatag, at upang alalayan
ng katarungan at ng katuwiran
    mula sa panahong ito hanggang sa magpakailanman.
Isasagawa ito ng sigasig ng Panginoon ng mga hukbo.

Nagpadala ng mensahe ang Panginoon sa Jacob,
    at ito'y magliliwanag[a] sa Israel.
At malalaman ng buong bayan,
    ng Efraim at ng mga mamamayan ng Samaria,
    na nagsasabi sa kapalaluan at sa pagmamatigas ng puso:

Read full chapter

Footnotes

  1. Isaias 9:8 Sa Hebreo ay babagsak .

Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay (A)hindi magkakaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at (B)upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng (C)sikap ng Panginoon ng mga hukbo.

Nagpasabi ang Panginoon sa Jacob, at naliliwanagan ang Israel,

At malalaman ng buong bayan ng (D)Ephraim, at ng nananahan sa (E)Samaria, na nagsasabi sa kapalaluan at sa pagmamatigas ng ulo,

Read full chapter