Add parallel Print Page Options
'Isaias 8 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

At sinabi ng Panginoon sa akin, Kumuha ka ng malapad na tabla, at sulatan mo ng panulat ng tao, Kay Maher-salalhash-baz;

At magdadala ako ng mga tapat na saksi upang mangagpaalaala, si Urias na saserdote, at si Zacarias na anak ni Jeberechias.

At ako'y naparoon sa propetisa; at siya'y naglihi, at nanganak ng isang lalake. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Tawagin mo ang kaniyang pangalan na Maher-salalhash-baz.

Sapagka't bago ang anak ay matutong dumaing ng, Ama ko, at: Ina ko, ang mga kayamanan ng Damasco at ang samsam sa Samaria ay dadalahin sa harap ng hari ng Asiria.

At nagsalita pa ang Panginoon uli sa akin, na nagsasabi,

Yamang tinanggihan ng bayang ito ang tubig ng Siloe na nagsisiagos na marahan, at siya'y nagagalak kay Rezin at sa anak ni Remalias;

Ngayon nga, narito, iniaahon ng Panginoon sa kanila ang tubig ng Ilog, malakas at marami, sa makatuwid baga'y ang hari sa Asiria at ang buo niyang kaluwalhatian: at siya'y aahon sa lahat niyang bangbang, at aapaw sa buo niyang baybayin:

At magpapatuloy sa dako ng loob ng Juda; aapaw at lalampas; aabot hanggang sa leeg; at ang laganap ng kaniyang mga pakpak ay siyang magpupuno ng kaluwangan ng iyong lupain, Oh Emmanuel.

Kayo'y magsamasama, Oh mga bayan, at kayo'y mangagkakawatakwatak; at kayo'y mangakinig, kayong lahat na taga malayong lupain: mangagbigkis kayo, at kayo'y mangagkakawatakwatak; kayo'y mangagbigkis, at kayo'y mangagkakawatakwatak.

10 Mangagsanggunian kayo, at yao'y mauuwi sa wala; mangagsalita kayo ng salita at hindi matatayo: sapagka't ang Dios ay sumasaamin.

11 Sapagka't ang Panginoon ay nagsalitang ganito sa akin na may malakas na kamay, at tinuruan ako na huwag lumakad ng lakad ng bayang ito, na sinasabi,

12 Huwag ninyong sabihin, Pagbabanta; tungkol sa lahat na sasabihin ng bayang ito, Pagbabanta, o huwag mang mangatakot kayo ng kanilang takot, o mangilabot man doon.

13 Ang Panginoon ng mga hukbo, siya ang inyong aariing banal; at sumakaniya ang inyong takot, at sumakaniya ang inyong pangingilabot.

14 At siya'y magiging pinakasantuario; nguni't pinakabatong katitisuran at pinaka malaking batong pangbuwal sa dalawang sangbahayan ng Israel, na pinakabitag at pinakasilo sa mga nananahan sa Jerusalem.

15 At marami ang mangatitisod doon, at mangabubuwal, at mangababalian, at mangasisilo, at mangahuhuli.

16 Talian mo ang patotoo, tatakan mo ang kautusan sa gitna ng aking mga alagad.

17 At aking hihintayin ang Panginoon na nagkukubli ng kaniyang mukha sa sangbahayan ni Jacob, at aking hahanapin siya.

18 Narito, ako at ang mga anak na ibinigay ng Panginoon sa akin ay mga pinakatanda at pinaka kababalaghan sa Israel na mula sa Panginoon ng mga hukbo, na tumatahan sa bundok ng Sion.

19 At pagka kanilang sasabihin sa inyo, Hanapin ninyo silang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu at mga manghuhula, na nagsisihuni at nagsisibulong; hindi ba marapat na sanggunian ng bayan ang kanilang Dios? dahil baga sa mga buhay ay sasangguni sila sa mga patay?

20 Sa kautusan at sa patotoo! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila.

21 At sila'y magsisidaan doon, na nahihirapan at gutom: at mangyayari, na pagka sila'y mangagugutom, sila'y mangagagalit, at magsisisumpa alangalang sa kanilang hari at sa kanilang Dios, at ititingala nila ang kanilang mga mukha:

22 At sila'y titingin sa lupa, at, narito, kahirapan at kadiliman, ulap ng kahapisan, at sa salimuot na kadiliman ay itataboy sila.

Sinabi ng Panginoon sa akin, “Kumuha ka ng malapad na tabla, at sulatan mo ng pangkaraniwang titik, ‘Kay Maher-shalalhash-baz.’”

Mayroon akong mga tapat na saksi upang sumaksi sa akin, si Urias na pari at si Zacarias na anak ni Jeberekias.

At ako'y naparoon sa propetisa; at siya'y naglihi, at nanganak ng isang lalaki. At sinabi ng Panginoon sa akin, “Tawagin mo ang kanyang pangalan na Maher-shalalhash-baz.

Sapagkat bago ang bata ay matutong magsalita ng, ‘Ama ko,’ o ‘Ina ko,’ ang kayamanan ng Damasco at ang samsam sa Samaria ay kukunin sa harapan ng hari ng Asiria.”

At nagsalitang muli ang Panginoon sa akin:

“Yamang tinanggihan ng bayang ito ang tubig ng Siloa na umaagos na marahan, at magalak sa harapan ni Rezin at sa anak ni Remalias;

kaya't narito, iniaahon ng Panginoon sa kanila ang tubig ng Ilog, malakas at marami, ang hari ng Asiria at ang lahat niyang kaluwalhatian. Siya'y aahon sa lahat niyang daluyan, at aapaw sa lahat niyang baybayin.

Ito'y aagos hanggang sa Juda, aapaw at aabot hanggang sa leeg; at ang nakabuka niyang mga pakpak ang siyang magpupuno ng lawak ng iyong lupain, O Emmanuel.”

Kayo'y magsama-sama, mga bayan, at mabalisa,
    kayo'y makinig, kayong lahat na malayong lupain;
magbigkis kayo, at kayo'y mabagabag,
    kayo'y magbigkis, at kayo'y mabagabag.
10 Magsanggunian kayo, ngunit iyon ay mauuwi sa wala;
    magsalita kayo ng salita ngunit iyon ay hindi mananatili,
    sapagkat ang Diyos ay kasama namin.

11 Sapagkat ang Panginoon ay nagsalitang ganito sa akin na may malakas na kamay, at binalaan ako na huwag lumakad sa lakad ng bayang ito, na sinasabi,

12 “Huwag(A) ninyong tawaging pagsasabwatan ang lahat na tinatawag na pagsasabwatan ng bayang ito, at huwag ninyong katakutan ang kanilang kinatatakutan, o mangilabot man.

13 Ngunit ang Panginoon ng mga hukbo, siya ang inyong ituturing na banal; siya ang inyong katakutan, at sa kanya kayo mangilabot.

14 At(B) siya'y magiging santuwaryo ninyo, isang batong katitisuran at malaking batong kabubuwalan ng dalawang sambahayan ng Israel, isang bitag at silo sa mga mamamayan ng Jerusalem.

15 At marami ang matitisod doon; sila'y mabubuwal at mababalian. Sila'y masisilo at mahuhuli.”

16 Talian mo ang patotoo, tatakan mo ang turo sa gitna ng aking mga alagad.

17 Aking(C) hihintayin ang Panginoon na nagkukubli ng kanyang mukha sa sambahayan ni Jacob, at ako'y aasa sa kanya.

18 Ako(D) at ang mga anak na ibinigay sa akin ng Panginoon ay mga tanda at kababalaghan sa Israel mula sa Panginoon ng mga hukbo, na naninirahan sa Bundok ng Zion.

19 At kapag kanilang sinabi sa inyo, “Sumangguni kayo sa mga multo at masasamang espiritu na humuhuni at bumubulong.” Hindi ba dapat sumangguni ang bayan sa kanilang Diyos, ang mga patay para sa mga buháy?

20 Sa kautusan at sa patotoo! Kung hindi sila nagsasalita nang ayon sa salitang ito ay sa dahilang wala silang umaga.

Panahon ng Kaguluhan

21 At sila'y daraan sa lupain na nahihirapang lubha at gutom, at kapag sila'y nagugutom, sila'y magagalit, at susumpain ang kanilang hari at ang kanilang Diyos, at ititingala ang kanilang mga mukha.

22 Sila'y titingin sa lupa ngunit ang makikita lamang ay kahirapan at kadiliman, ulap ng hapis, at itataboy sila sa makapal na kadiliman.

Again the Lord sent me a message: “Make a large signboard and write on it the birth announcement of the son I am going to give you. Use capital letters! His name will be Maher-shalal-hash-baz, which means ‘Your enemies will soon be destroyed.’”[a] I asked Uriah the priest and Zechariah the son of Jeberechiah, both known as honest men, to watch me as I wrote so they could testify that I had written it before the child was even on the way.[b] Then I had sexual intercourse with my wife and she conceived and bore me a son. And the Lord said, “Call him Maher-shalal-hash-baz. This name prophesies that within a couple of years, before this child is even old enough to say ‘Daddy’ or ‘Mommy,’ the king of Assyria will invade both Damascus and Samaria and carry away their riches.”

Then the Lord spoke to me again and said:

“Since the people of Jerusalem are planning to refuse my gentle care[c] and are enthusiastic about asking King Rezin and King Pekah to come and aid them, 7-8 therefore I will overwhelm my people with Euphrates’ mighty flood; the king of Assyria and all his mighty armies will rage against them. This flood will overflow all its channels and sweep into your land of Judah, O Immanuel, submerging it from end to end.”

9-10 Do your worst, O Syria and Israel,[d] our enemies, but you will not succeed—you will be shattered. Listen to me, all you enemies of ours: Prepare for war against us—and perish! Yes! Perish! Call your councils of war, develop your strategies, prepare your plans of attacking us, and perish! For God is with us.

11 The Lord has said in strongest terms: Do not under any circumstances go along with the plans of Judah to surrender to Syria and Israel. 12 Don’t let people call you a traitor for staying true to God. Don’t you panic as so many of your neighbors are doing when they think of Syria and Israel attacking you. 13 Don’t fear anything except the Lord of the armies of heaven! If you fear him, you need fear nothing else. 14-15 He will be your safety; but Israel and Judah have refused his care and thereby stumbled against the Rock of their salvation and lie fallen and crushed beneath it: God’s presence among them has endangered them! 16 Write down all these things I am going to do, says the Lord, and seal them up for the future. Entrust them to some godly man to pass on down to godly men of future generations.

17 I will wait for the Lord to help us, though he is hiding now. My only hope is in him. 18 I and the children God has given me have symbolic names that reveal the plans of the Lord of heaven’s armies for his people: Isaiah means “Jehovah will save (his people),” Shear-jashub means “A remnant shall return,” and Maher-shalal-hash-baz means “Your enemies will soon be destroyed.” 19 So why are you trying to find out the future by consulting witches and mediums? Don’t listen to their whisperings and mutterings. Can the living find out the future from the dead? Why not ask your God?

20 “Check these witches’ words against the Word of God!” he says. “If their messages are different than mine, it is because I have not sent them; for they have no light or truth in them. 21 My people will be led away captive, stumbling, weary and hungry. And because they are hungry, they will rave and shake their fists at heaven and curse their King and their God. 22 Wherever they look there will be trouble and anguish and dark despair. And they will be thrust out into the darkness.”

Footnotes

  1. Isaiah 8:1 Your enemies will soon be destroyed, literally, “Plundering and despoiling [will] come quickly.”
  2. Isaiah 8:2 before the child was even on the way, implied.
  3. Isaiah 8:6 are planning to refuse my gentle care, literally, “have refused the waters of Shiloah that go softly.”
  4. Isaiah 8:9 O Syria and Israel, literally, “O peoples.” our enemies, implied. For God is with us, or “Immanuel.”