Isaias 65:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Ang sabi pa ng isa sa kanila, ‘Lumayo kayo!
Huwag kayong lalapit sapagkat mas malinis ako sa inyo.’
Ang mga taong ito'y parang usok sa aking ilong,
tulad ng apoy na nagniningas sa buong maghapon.
6 Tingnan ninyo! Lahat ay naisulat na sa aking harapan.
Hindi ako maaaring tumahimik.
Ngunit paparusahan ko ang kanilang mga kasalanan; pagbabayarin ko sila,
7 sa kanilang kasalanan at sa kasalanan ng kanilang mga ninuno.
Nagsusunog sila ng insenso sa kabundukan
at ako'y sinusuway nila sa kaburulan.
Karapat-dapat na parusa ang igagawad ko sa kanilang mga gawa.
Isaias 65:5-7
Ang Biblia (1978)
5 Na nagsasabi, (A)Humiwalay ka, huwag kang lumapit sa akin, sapagka't ako'y lalong banal kay sa iyo. Ang mga ito ay usok sa aking ilong, apoy na nagliliyab buong araw.
6 Narito, (B)nasulat sa harap ko: hindi ako tatahimik, (C)kundi ako'y gaganti, oo, ako'y gaganti (D)sa kanilang sinapupunan,
7 Ang inyong sariling mga kasamaan, at (E)ang mga kasamaan ng inyong mga magulang na magkakasama, sabi ng Panginoon, (F)na mangagsunog ng kamangyan sa mga bundok, at nagsitungayaw sa akin (G)sa mga burol: ay susukatan ko nga ng kanilang unang gawa sa kaniyang sinapupunan.
Read full chapter
Isaias 65:5-7
Ang Biblia, 2001
5 na nagsasabi, “Lumayo ka,
huwag kang lumapit sa akin, sapagkat ako'y higit na banal kaysa iyo.”
Ang mga ito ay usok sa aking ilong,
apoy na nagliliyab buong araw.
6 Narito, nasusulat sa harap ko:
“Hindi ako tatahimik, kundi ako'y gaganti,
oo, ako'y gaganti sa kanilang sinapupunan.
7 Ang inyong sariling mga kasamaan, at ang mga sama-samang kasamaan ng inyong mga magulang, sabi ng Panginoon;
sapagkat nagsunog sila ng insenso sa mga bundok,
at inalipusta nila ako sa mga burol,
susukatin ko sa kanilang kandungan
ang kabayaran sa kanilang ginawa noong una.”
Isaias 65:5-7
Ang Dating Biblia (1905)
5 Na nagsasabi, Humiwalay ka, huwag kang lumapit sa akin, sapagka't ako'y lalong banal kay sa iyo. Ang mga ito ay usok sa aking ilong, apoy na nagliliyab buong araw.
6 Narito, nasulat sa harap ko: hindi ako tatahimik, kundi ako'y gaganti, oo, ako'y gaganti sa kanilang sinapupunan,
7 Ang inyong sariling mga kasamaan, at ang mga kasamaan ng inyong mga magulang na magkakasama, sabi ng Panginoon, na mangagsunog ng kamangyan sa mga bundok, at nagsitungayaw sa akin sa mga burol: ay susukatan ko nga ng kanilang unang gawa sa kaniyang sinapupunan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
