Isaias 65:12-14
Magandang Balita Biblia
12 itatakda ko kayong sa espada mamatay,
ang mga leeg ninyo'y tatagpasin ng palakol.
Sapagkat tinawag ko kayo ngunit hindi kayo sumagot,
kinausap ko kayo ngunit hindi kayo nakinig.
Ang ginawa ninyo'y pawang kasamaan sa aking paningin,
pinili ninyo ang hindi nakalulugod sa akin.”
13 Kaya ganito ang sabi ng Panginoong Yahweh:
“Ang mga lingkod ko'y magsisikain,
samantalang kayo'y aking gugutumin;
ang mga lingkod ko ay aking paiinumin,
ngunit kayo'y aking uuhawin;
ang mga lingkod ko'y pawang kagalakan ang tatamasahin,
samantalang kayo'y aking hihiyain.
14 Sa laki ng tuwa ay mag-aawitan ang aking mga lingkod,
samantalang kayo'y tataghoy sa hirap at sama ng loob.
Isaias 65:12-14
Ang Biblia (1978)
12 Aking iuukol kayo sa tabak, at kayong lahat ay magsisiyuko sa patayan; (A)sapagka't nang ako'y tumawag, kayo'y hindi nagsisagot; nang ako'y magsalita, kayo'y hindi nangakinig; kundi inyong ginawa ang masama sa harap ng aking mga mata, at inyong pinili ang di ko kinaluluguran.
13 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ang aking mga lingkod ay magsisikain, nguni't kayo'y mangagugutom; narito, ang aking mga lingkod ay magsisiinom, nguni't kayo'y mangauuhaw; narito, mangagagalak ang aking mga lingkod, nguni't kayo'y mangapapahiya;
14 Narito, ang aking mga lingkod ay magsisiawit dahil sa kagalakan ng puso, nguni't kayo'y magsisidaing dahil sa kapanglawan ng puso, at aangal (B)dahil sa pagkabagbag ng loob.
Read full chapter
Isaias 65:12-14
Ang Dating Biblia (1905)
12 Aking iuukol kayo sa tabak, at kayong lahat ay magsisiyuko sa patayan; sapagka't nang ako'y tumawag, kayo'y hindi nagsisagot; nang ako'y magsalita, kayo'y hindi nangakinig; kundi inyong ginawa ang masama sa harap ng aking mga mata, at inyong pinili ang di ko kinaluluguran.
13 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ang aking mga lingkod ay magsisikain, nguni't kayo'y mangagugutom; narito, ang aking mga lingkod ay magsisiinom, nguni't kayo'y mangauuhaw; narito, mangagagalak ang aking mga lingkod, nguni't kayo'y mangapapahiya;
14 Narito, ang aking mga lingkod ay magsisiawit dahil sa kagalakan ng puso, nguni't kayo'y magsisidaing dahil sa kapanglawan ng puso, at aangal dahil sa pagkabagbag ng loob.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
