Add parallel Print Page Options

At walang tumatawag sa iyong pangalan,
    na gumigising upang sa iyo ay manangan;
sapagkat ikinubli mo ang iyong mukha sa amin,
    at ibinigay mo kami sa kamay ng aming mga kasamaan.
Ngunit ngayon, O Panginoon, ikaw ay aming Ama;
    kami ang luwad, at ikaw ang aming magpapalayok;
    at kaming lahat ay gawa ng iyong kamay.
Huwag kang lubhang magalit, O Panginoon,
    at huwag mong alalahanin ang kasamaan magpakailanman.
    Narito, tingnan mo, ngayon kaming lahat ay iyong bayan.

Read full chapter

At walang tumatawag ng iyong pangalan, na gumigising upang manghawak sa iyo; sapagka't ikinubli mo ang iyong mukha sa amin, at iyong pinugnaw kami sa aming mga kasamaan.

Nguni't ngayon, Oh Panginoon, ikaw ay aming Ama; kami ang malagkit na putik, at ikaw ay magpapalyok sa amin; at kaming lahat ay gawa ng iyong kamay.

Huwag kang lubhang mapoot, Oh Panginoon, o umalaala man ng kasamaan ng magpakailan man: narito, tingnan mo, isinasamo namin sa iyo, kaming lahat ay iyong bayan.

Read full chapter

Wala kahit isa man sa amin ang humihiling at nagsusumikap na kumapit sa inyo. Sapagkat lumayo po kayo sa amin, at pinabayaan nʼyo kaming mamatay dahil sa aming mga kasalanan. Pero, Panginoon, kayo pa rin ang aming Ama. Ang katulad ninyoʼy magpapalayok, at kami naman ay parang putik. Kayo ang gumawa sa aming lahat. Panginoon, huwag nʼyo naman pong lubusin ang inyong galit sa amin o alalahanin ang mga kasalanan namin magpakailanman. Nakikiusap po kami sa inyo na dinggin nʼyo kami, dahil kaming lahat ay inyong mamamayan.

Read full chapter

At walang tumatawag ng iyong pangalan, na gumigising upang manghawak sa iyo; sapagka't (A)ikinubli mo ang iyong mukha sa amin, at iyong pinugnaw kami sa aming mga kasamaan.

Nguni't ngayon, Oh Panginoon, (B)ikaw ay aming Ama; kami ang malagkit na putik, (C)at ikaw ay magpapalyok sa amin; at kaming lahat ay (D)gawa ng iyong kamay.

Huwag kang lubhang mapoot, Oh Panginoon, o umalaala man ng kasamaan ng magpakailan man: narito, tingnan mo, isinasamo namin sa iyo, kaming lahat ay iyong (E)bayan.

Read full chapter