Font Size
Isaias 63:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 63:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Ang(A) sagot ni Yahweh: “Pinisa ko ang mga bansa na parang ubas,
wala man lang tumulong sa akin;
tinapakan ko sila sa tindi ng aking galit,
kaya natigmak sa dugo ang aking damit.
4 Nagtakda na ako ng araw upang maghiganti,
sapagkat dumating na ang panahon ng aking pagliligtas.
5 Ako'y(B) naghanap ng makakatulong
ngunit walang nakita kahit isa;
ako'y pinalakas ng aking galit,
at mag-isa kong nakamit ang pagtatagumpay.