Font Size
Isaias 63:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 63:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
12 Sa(A) pangalan ni Yahweh, hinawi ni Moises ang tubig ng dagat,
kaya ang Israel doon ay naligtas.
At siya ay natanyag sa lahat para sa kanyang sarili.”
13 Natawid nila ang karagatan sa tulong ni Yahweh,
parang kabayong matatag na hindi nabuwal.
14 Kung paanong ang kawan ay dinadala sa sariwang pastulan,
ang Espiritu[a] ni Yahweh ang nagbigay ng kapahingahan sa kanyang bayan,
at sila'y ginabayan upang siya ay maparangalan.
Footnotes
- 14 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .