Print Page Options

Ang Totoong Pag-aayuno

58 Sinabi ng Panginoon, “Sumigaw kayo nang malakas na kasinglakas ng trumpeta! Huwag ninyong pigilan! Sabihin ninyo sa aking mga mamamayan na lahi ni Jacob ang kanilang mga kasalanan at mga pagsuway. Dumudulog sila sa akin araw-araw, at tila gusto nilang malaman ang aking mga pamamaraan. Kung titingnan, para bang isa silang bansang matuwid at hindi sumusuway sa mga utos ko. Ipinapakita nila na parang gustong-gusto nilang lumapit sa akin at humingi ng matuwid na hatol. Sinasabi pa nila sa akin, ‘Nag-ayuno kami, pero hindi nʼyo man lamang pinansin. Nagpenitensya kami, pero binalewala ninyo.’

“Ang totoo, habang nag-aayuno kayo, ang sarili ninyong kapakanan ang inyong iniisip. Inaapi ninyo ang inyong mga manggagawa. Nag-aayuno nga kayo, pero nag-aaway-away naman kayo, nagtatalo, at nagsusuntukan pa. Huwag ninyong iisipin na ang ginagawa ninyong pag-aayuno ngayon ay makakatulong para dinggin ko ang inyong dalangin. Kapag nag-aayuno kayo, nagpepenitensya kayo. Yumuyuko kayo na parang mga damong kugon. Nagsusuot kayo ng damit na panluksa[a] at humihiga sa abo. Iyan ba ang tinatawag ninyong ayuno? Akala ba ninyoʼy nakakalugod iyon sa akin? Ang ayunong makapagpapalugod sa akin ay ang ayunong may kasamang matuwid na pag-uugali. Tigilan ninyo ang paggawa ng kasamaan, pairalin nʼyo na ang katarungan, palayain ninyo ang mga inaalipin at ang inaapi ay inyong tulungan. Bigyan ninyo ng pagkain ang mga nagugutom, patirahin ninyo sa inyong tahanan ang mga walang tahanan, bigyan ninyo ng damit ang mga walang damit, at tulungan ninyo ang inyong mga kaanak. Kapag ginawa nʼyo ito, darating sa inyo ang kaligtasan[b] na parang bukang-liwayway, at pagagalingin ko kayo agad. Ako na inyong Dios na matuwid ang mangunguna sa inyo at ipagtatanggol ko kayo sa pamamagitan ng aking kapangyarihan. At kung dumulog kayo sa akin para humingi ng tulong, kayoʼy aking sasagutin.

“Kung titigilan na ninyo ang pang-aapi, ang pambibintang ng kasinungalingan, ang pagsasalita ng masama, 10 at kung gagawin ninyo ang pagpapakain sa mga nagugutom, ang pagbibigay ng pangangailangan ng mga dukha, darating sa inyo ang kaligtasan na magbibigay-liwanag sa madilim ninyong kalagayan na parang tanghaling-tapat. 11 Palagi ko kayong papatnubayan at bubusugin, kahit na mahirap ang kalagayan[c] ninyo. Palalakasin ko kayo, at kayoʼy magiging parang halamanang sagana sa tubig at parang bukal na hindi nawawalan ng tubig. 12 Muling itatayo ng inyong mga lahi ang mga lungsod ninyong matagal nang wasak at aayusin nila ang dating mga pundasyon. Makikilala kayo na mga taong tagaayos ng kanilang mga gibang pader at mga bahay.

13 “Alalahanin ninyo ang Araw ng Pamamahinga. Huwag ninyong iisipin ang pansarili ninyong kapakanan sa natatanging araw na iyon. Ipagdiwang ninyo ang Araw ng Pamamahinga, at parangalan nʼyo ito sa pamamagitan ng pagpipigil sa mga sarili ninyong kagustuhan at kaligayahan, at pagtigil sa pagsasalita nang walang kabuluhan. 14 Kapag ginawa ninyo ito, magiging maligaya kayo sa inyong paglilingkod sa akin. Pararangalan ko kayo sa buong mundo. Pasasaganain ko ang ani ng lupaing inyong minana sa inyong ninunong si Jacob.” Mangyayari nga ito dahil sinabi ng Panginoon.

Footnotes

  1. 58:5 damit na panluksa: sa Hebreo, sakong damit.
  2. 58:8 kaligtasan: sa literal, ilaw. Ganito rin sa talatang 10.
  3. 58:11 kahit na mahirap ang kalagayan: sa literal, sa mainit na lugar.

Ang Tumpak na Pag-aayuno

58 “Sumigaw ka nang malakas, huwag kang magpigil,
    ilakas mo ang iyong tinig na parang trumpeta;
at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsuway,
    at sa sambahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan.
Gayunma'y hinahanap nila ako araw-araw,
    at kinalulugdan nilang malaman ang aking mga daan;
na parang sila'y isang bansa na gumawa ng kabutihan,
    at ang tuntunin ng kanilang Diyos ay hindi tinalikuran;
hinihingan nila ako ng matutuwid na kahatulan,
    sila'y nalulugod sa paglapit sa Diyos.
‘Bakit kami ay nag-ayuno, at hindi mo nakikita?
    Bakit hindi mo napapansin ang aming pagpapakumbaba?’
Sa araw ng inyong pag-aayuno ay hinahanap ninyo ang inyong sariling kalayawan,
    at inyong pinahihirapan ang lahat ninyong mga manggagawa.
Narito, kayo'y nag-aayuno upang makipag-away at makipagtalo,
    at upang manakit ng masamang kamao.
Hindi kayo nag-aayuno sa araw na ito,
    upang maiparinig ang inyong tinig sa itaas.
Iyan ba ang ayuno na aking pinili?
    Isang araw upang magpakumbaba ang tao sa kanyang sarili?
Iyon ba'y ang iyuko ang kanyang ulo na parang yantok,
    at maglatag ng damit-sako at abo sa ilalim niya?
Iyo bang tatawagin ito na ayuno,
    at araw na katanggap-tanggap sa Panginoon?

“Hindi ba ito ang ayuno na aking pinili:
    na kalagin ang mga tali ng kasamaan,
    na kalasin ang mga panali ng pamatok,
na palayain ang naaapi,
    at baliin ang bawat pamatok?
Hindi(A) ba ito ay upang ibahagi ang iyong tinapay sa nagugutom,
    at dalhin sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan?
Kapag nakakita ka ng hubad, iyong bihisan;
    at huwag kang magkubli sa iyong sariling laman?
Kung magkagayo'y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga,
    at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw;
at ang iyong katuwiran ay mangunguna sa iyo;
    ang kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging iyong bantay sa likod.
Kung magkagayo'y tatawag ka at ang Panginoon ay sasagot;
    ikaw ay dadaing, at siya'y magsasabi, Narito ako.

“Kung iyong alisin sa gitna mo ang pamatok,
    ang pang-alipusta, at ang pagsasalita ng masama;
10 kung magmamagandang-loob ka sa gutom,
    at iyong tugunin ang nais ng nagdadalamhati,
kung magkagayo'y sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman,
    at ang iyong kadiliman ay magiging parang katanghaliang-tapat.
11 At patuloy na papatnubayan ka ng Panginoon,
    at masisiyahan ang iyong kaluluwa sa tuyong dako,
    at palalakasin ang iyong mga buto;
at ikaw ay magiging parang halamanang nadilig,
    at parang bukal na ang tubig ay hindi nauubos.
12 At mula sa inyo ay itatayo ang dating sirang dako;
    ikaw ay magbabangon ng mga saligan ng maraming salinlahi;
at ikaw ay tatawaging tagapag-ayos ng sira,
    ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan.

13 “Kapag iyong iurong ang iyong paa dahil sa Sabbath,
    sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na araw;
at iyong tinawag ang Sabbath bilang isang kasiyahan,
    at marangal ang banal na araw ng Panginoon,
at ito'y iyong pinarangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad,
    ni hahanap ng iyong sariling kalayawan ni magsasalita ng iyong mga salita;
14 kung magkagayo'y malulugod ka sa Panginoon,
    at pasasakayin kita sa mga matataas na dako sa lupa;
at pakakainin kita ng mana ni Jacob na iyong ama,
    sapagkat sinalita ng bibig ng Panginoon.”

Ang mali at ang matuwid na pagtupad ng pagpapakasakit.

58 (A)Humiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak, at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan.

Gayon ma'y hinahanap nila ako araw-araw, at kinalulugdan nilang maalaman ang aking mga daan: na gaya ng bansa na gumawang matuwid, at hindi lumimot ng alituntunin ng kanilang Dios, hinihingan nila ako ng mga palatuntunan ng katuwiran; (B)sila'y nangalulugod na magsilapit sa Dios.

Ano't kami ay nangagayuno, sabi nila, (C)at hindi mo nakikita? ano't (D)aming pinagdalamhati ang aming kaluluwa, at hindi mo napapansin? Narito, sa kaarawan ng inyong pagaayuno ay masusumpungan ninyo ang inyong sariling kalayawan, at inyong hinihingi ang lahat ninyong gawa.

Narito, kayo'y nangagaayuno para sa pakikipagkaalit at pakikipagtalo, at upang manakit ng suntok ng kasamaan: hindi kayo nangagaayuno sa araw na ito, (E)upang inyong iparinig ang inyong tinig sa itaas.

Iyan baga ang ayuno na aking pinili? ang araw na pagdadalamhatiin ng tao ang kaniyang kaluluwa? Ang iyuko ang kaniyang ulo na parang yantok, at maglatag ng magaspang na kayo at abo sa ilalim niya? iyo bang tatawagin ito na ayuno, at kalugodlugod na araw sa Panginoon?

Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, (F)na pagaanin ang mga pasan at (G)papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang?

(H)Hindi baga ang magbahagi ng iyong tinapay sa gutom, at dalhin mo sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan? pagka nakakakita ka ng hubad, na iyong bihisan; at huwag kang magkubli sa iyong kapuwa-tao?

Kung magkagayo'y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga, (I)at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw; at ang iyong katuwiran ay mangunguna sa iyo; (J)ang kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging iyong bantay likod.

Kung magkagayo'y tatawag ka, at ang Panginoon ay sasagot; ikaw ay dadaing, at siya'y magsasabi, Narito ako. Kung iyong alisin sa gitna mo ang atang, (K)ang pagtuturo, at ang (L)pagsasalita ng masama:

10 At kung magmamagandang-loob ka sa gutom, at iyong sisiyahan ng loob ang nagdadalamhating kaluluwa; kung magkagayo'y sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman, at ang iyong kadiliman ay magiging parang katanghaliang tapat;

11 At papatnubayan ka ng Panginoon na palagi, at sisiyahan ng loob ang iyong kaluluwa sa mga tuyong dako, at palalakasin ang iyong mga buto; at ikaw ay magiging (M)parang halamang nadilig, at parang bukal ng tubig, na ang tubig ay hindi naglilikat.

12 At (N)silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali't saling lahi; at ikaw ay tatawagin Ang tagapaghusay ng sira, Ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan.

13 (O)Kung iyong iurong ang iyong paa sa sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na kaarawan; at iyong tawagin ang sabbath na kaluguran, at ang banal ng Panginoon na marangal; at iyong pararangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan, ni magsasalita ng iyong mga sariling salita:

14 Kung magkagayo'y malulugod ka nga sa Panginoon; at (P)pangangabayuhin kita sa mga mataas na dako sa lupa; at pakakanin kita ng mana ni Jacob na iyong ama; (Q)sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon.

58 Humiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak, at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan.

Gayon ma'y hinahanap nila ako araw-araw, at kinalulugdan nilang maalaman ang aking mga daan: na gaya ng bansa na gumawang matuwid, at hindi lumimot ng alituntunin ng kanilang Dios, hinihingan nila ako ng mga palatuntunan ng katuwiran; sila'y nangalulugod na magsilapit sa Dios.

Ano't kami ay nangagayuno, sabi nila, at hindi mo nakikita? ano't aming pinagdalamhati ang aming kaluluwa, at hindi mo napapansin? Narito, sa kaarawan ng inyong pagaayuno ay masusumpungan ninyo ang inyong sariling kalayawan, at inyong hinihingi ang lahat ninyong gawa.

Narito, kayo'y nangagaayuno para sa pakikipagkaalit at pakikipagtalo, at upang manakit ng suntok ng kasamaan: hindi kayo nangagaayuno sa araw na ito, upang inyong iparinig ang inyong tinig sa itaas.

Iyan baga ang ayuno na aking pinili? ang araw na pagdadalamhatiin ng tao ang kaniyang kaluluwa? Ang iyuko ang kaniyang ulo na parang yantok, at maglatag ng magaspang na kayo at abo sa ilalim niya? iyo bang tatawagin ito na ayuno, at kalugodlugod na araw sa Panginoon?

Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang?

Hindi baga ang magbahagi ng iyong tinapay sa gutom, at dalhin mo sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan? pagka nakakakita ka ng hubad, na iyong bihisan; at huwag kang magkubli sa iyong kapuwa-tao?

Kung magkagayo'y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga, at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw; at ang iyong katuwiran ay mangunguna sa iyo; ang kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging iyong bantay likod.

Kung magkagayo'y tatawag ka, at ang Panginoon ay sasagot; ikaw ay dadaing, at siya'y magsasabi, Narito ako. Kung iyong alisin sa gitna mo ang atang, ang pagtuturo, at ang pagsasalita ng masama:

10 At kung magmamagandang-loob ka sa gutom, at iyong sisiyahan ng loob ang nagdadalamhating kaluluwa; kung magkagayo'y sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman, at ang iyong kadiliman ay magiging parang katanghaliang tapat;

11 At papatnubayan ka ng Panginoon na palagi, at sisiyahan ng loob ang iyong kaluluwa sa mga tuyong dako, at palalakasin ang iyong mga buto; at ikaw ay magiging parang halamang nadilig, at parang bukal ng tubig, na ang tubig ay hindi naglilikat.

12 At silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali't saling lahi; at ikaw ay tatawagin Ang tagapaghusay ng sira, Ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan.

13 Kung iyong iurong ang iyong paa sa sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na kaarawan; at iyong tawagin ang sabbath na kaluguran, at ang banal ng Panginoon na marangal; at iyong pararangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan, ni magsasalita ng iyong mga sariling salita:

14 Kung magkagayo'y malulugod ka nga sa Panginoon; at pangangabayuhin kita sa mga mataas na dako sa lupa; at pakakanin kita ng mana ni Jacob na iyong ama; sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon.

'Isaias 58 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.