Add parallel Print Page Options

Hinatulan ang Pagsamba sa Diyus-diyosan

57 Ang matuwid ay namamatay,
    at walang taong nagdaramdam;
ang mga taong tapat ay pumapanaw,
    samantalang walang nakakaunawa.
Sapagkat ang matuwid na tao ay inilalayo sa kasamaan.
    Siya'y pumapasok sa kapayapaan;
sila'y nagpapahinga sa kanilang mga higaan
    bawat isa'y lumalakad sa kanyang katuwiran.
Ngunit kayo, magsilapit kayo rito,
    kayong mga anak ng babaing manghuhula,
    mga supling ng masamang babae[a] at mangangalunya.
Sino ang inyong tinutuya?
    Laban kanino kayo nagbubukas ng bibig,
    at naglalawit ng dila?
Hindi ba kayo'y mga anak ng pagsuway,
    supling ng pandaraya,
kayong mga nag-aalab na may pagnanasa sa gitna ng mga ensina,
    sa ilalim ng bawat luntiang punungkahoy;
na pumapatay ng inyong mga anak sa mga libis,
    sa mga bitak ng mga bato sa mga bangin?
Sa gitna ng mga makinis na bato sa libis ang iyong bahagi;
    sila, sila ang iyong bahagi;
sa kanila ka nagbuhos ng inuming handog,
    ikaw ay nag-alay ng handog na butil.
    Mapapayapa ba ako sa mga bagay na ito?
Sa isang mataas at matayog na bundok
    ay inilagay mo ang iyong higaan;
    doon ka naman sumampa upang maghandog ng alay.
At sa likod ng mga pintuan at ng mga hamba
    ay itinaas mo ang iyong sagisag;
sapagkat hinubaran mo ang iyong sarili sa iba kaysa akin,
    at ikaw ay sumampa roon,
    iyong pinaluwang ang iyong higaan;
at nakipagtipan ka sa kanila,
    iyong inibig ang kanilang higaan,
    minasdan mo ang kanilang pagkalalaki.
Ikaw ay naglakbay sa hari na may dalang langis,
    at pinarami mo ang iyong mga pabango;
at iyong ipinadala ang iyong mga sugo sa malayo,
    at iyong pinababa hanggang sa Sheol.
10 Ikaw ay napagod sa kahabaan ng iyong lakad,
    gayunma'y hindi mo sinabi, “Ito'y walang pag-asa”;
ikaw ay nakasumpong ng bagong buhay para sa iyong lakas,
    kaya't hindi ka nanlupaypay.

11 At kanino ka nangilabot at natakot,
    anupa't ikaw ay nagsinungaling,
at hindi mo ako inalaala,
    o inisip mo man?
Hindi ba ako tumahimik nang matagal na panahon,
    at hindi mo ako kinatatakutan?
12 Aking ipahahayag ang iyong katuwiran at ang iyong mga gawa,
    ngunit hindi mo mapapakinabangan.
13 Kapag ikaw ay sumigaw, iligtas ka nawa ng mga diyus-diyosang iyong tinipon!
    Ngunit tatangayin sila ng hangin,
    isang hinga ang tatangay sa kanila.
Ngunit siyang nanganganlong sa akin ay mag-aari ng lupain,
    at magmamana ng aking banal na bundok.

Ang Pangakong Tulong at Pagpapagaling ng Diyos

14 At kanyang sasabihin,
“Inyong patagin, inyong patagin, ihanda ninyo ang lansangan,
    inyong alisin ang bawat sagabal sa lansangan ng aking bayan.”
15 Sapagkat ganito ang sabi ng Mataas at Matayog
    na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal:
“Ako'y naninirahan sa mataas at banal na dako,
    at gayundin sa may pagsisisi at mapagpakumbabang-loob,
upang buhayin ang loob ng mapagpakumbaba,
    at upang buhayin ang puso ng may pagsisisi.
16 Sapagkat hindi ako makikipagtalo magpakailanman,
    o magagalit man akong lagi;
sapagkat ang espiritu ay manlulupaypay sa harap ko,
    at ang mga kaluluwa na aking ginawa.
17 Dahil sa kasamaan ng kanyang kasakiman ay nagalit ako,
    sinaktan ko siya, ikinubli ko ang aking mukha at ako'y nagalit;
    ngunit nagpatuloy siya sa pagtalikod sa lakad ng kanyang puso.
18 Aking nakita ang kanyang mga lakad, ngunit pagagalingin ko siya;
    aking papatnubayan siya, at panunumbalikin ko sa kanya ang kaaliwan,
    at sa mga nananangis sa kanya.
19 Aking(A) nilikha ang bunga ng mga labi.
    Kapayapaan, kapayapaan, sa kanya na malayo at sa kanya na malapit, sabi ng Panginoon;
    at aking pagagalingin siya.
20 Ngunit ang masama ay parang maunos na dagat;
    sapagkat hindi matatahimik,
    at ang kanyang tubig ay naglalabas ng burak at dumi.
21 Walang(B) kapayapaan, sabi ng aking Diyos, para sa masasama.”

Footnotes

  1. Isaias 57:3 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .

57 Ang matuwid na namamatay, at walang taong nagdadamdam; at mga taong mahabagin ay pumapanaw, walang gumugunita na ang matuwid ay naalis sa kasamaan na darating.

Siya'y nanasok sa kapayapaan; sila'y nagpapahinga sa kanilang mga higaan bawa't lumalakad sa kaniyang katuwiran.

Nguni't magsilapit kayo rito, kayong mga anak ng babaing manghuhula, na lahi ng mangangalunya at ng patutot.

Laban kanino nakipagaglahian kayo? laban kanino nagluluwang kayo ng bibig, at naglalawit ng dila? hindi baga kayo mga anak ng pagsalangsang, lahing sinungaling,

Kayong mga nangagaalab sa inyong sarili sa gitna ng mga encina, sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy; na pumapatay ng mga anak sa mga libis, sa mga bitak ng mga bato sa mga bangin?

Nasa gitna ng mga makinis na bato sa libis ang iyong bahagi; sila, sila ang iyong bahagi; sa kanila ka nga nagbuhos ng inuming handog, ikaw ay naghandog ng alay. Matatahimik baga ako sa mga bagay na ito?

Sa isang mataas at matayog na bundok ay inilagay mo ang iyong higaan; doon ka naman sumampa upang maghandog ng hain.

At sa likod ng mga pintuan at ng mga tukod ay itinaas mo ang iyong alaala: sapagka't ikaw ay nagpakahubad sa iba kay sa akin, at ikaw ay sumampa; iyong pinalaki ang iyong higaan, at nakipagtipan ka sa kanila: iyong inibig ang kanilang higaan saan mo man makita.

At ikaw ay naparoon sa hari na may pahid na langis, at iyong pinarami ang iyong mga pabango, at iyong sinugo ang iyong mga sugo sa malayo, at ikaw ay nagpakababa hanggang sa Sheol.

10 Ikaw ay napagod sa kahabaan ng iyong lakad; gayon ma'y hindi mo sinabi, Walang kabuluhan: ikaw ay nakasumpong ng kabuhayan ng iyong lakas; kaya't hindi ka nanglupaypay.

11 At kanino ka nangilabot at natakot, na ikaw ay nagsisinungaling, at hindi mo ako inalaala, o dinamdam mo man? hindi baga ako tumahimik na malaong panahon, at hindi mo ako kinatatakutan.

12 Aking ipahahayag ang iyong katuwiran; at tungkol sa iyong mga gawa, ang mga yaong hindi makikinabang sa iyo.

13 Pagka ikaw ay humihiyaw, iligtas ka nila na iyong pinisan; nguni't tatangayin sila ng hangin, isang hinga ay tatangay sa kanila: nguni't siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa akin ay magaari ng lupain, at magmamana ng aking banal na bundok.

14 At kaniyang sasabihin, inyong patagin, inyong patagin, inyong ihanda ang lansangan, inyong alisin ang katitisuran sa lansangan ng aking bayan.

15 Sapagka't ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal; Ako'y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.

16 Sapagka't hindi ako makikipagtalo magpakailan man, o mapopoot man akong lagi; sapagka't ang diwa ay manglulupaypay sa harap ko, at ang mga kaluluwa na aking ginawa.

17 Dahil sa kasamaan ng kaniyang kasakiman ay napoot ako, at sinaktan ko siya; aking ikinubli ang aking mukha at ako'y napoot; at siya'y yumaong nanghimagsik ng lakad ng kaniyang puso.

18 Aking nakita ang kaniyang mga lakad, at pagagalingin ko siya; akin ding papatnubayan siya, at bibigyan ko ng mga kaaliwan siya, at ang kaniyang nangananangis.

19 Aking nililikha ang bunga ng mga labi: Kapayapaan, kapayapaan, sa kaniya na malayo at sa kaniya na malapit, sabi ng Panginoon; at aking pagagalingin siya.

20 Nguni't ang masama ay parang maunos na dagat; sapagka't hindi maaring humusay, at ang kaniyang tubig ay umaalimbukay ng burak at dumi.

21 Walang kapayapaan, sabi ng aking Dios, sa mga masama.

Isinumpa ang Dios-diosan ng Israel

57 Kapag namatay ang isang taong matuwid, walang gaanong nagtatanong kung bakit. Walang gaanong nakakaalam na ang mga taong matuwid ay kinukuha ng Dios para ilayo sa masama. Sapagkat kapag namatay ang taong matuwid, magkakaroon na siya ng kapayapaan at kapahingahan. Pero kayong mga lahi ng mga mangkukulam, ng mga nangangalunya, at ng mga babaeng bayaran, lumapit kayo at nang kayoʼy mahatulan. Kinukutya ninyo ang mga taong matuwid, nginingiwian at binebelatan ninyo sila. Lahi kayo ng mga rebelde at mga sinungaling. Sinasamba ninyo ang inyong mga dios-diosan sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy na itinuturing nʼyong banal. Inihahandog ninyo ang inyong mga anak sa mga daluyan ng tubig sa paanan ng mga burol. Ang mga batong makikinis sa mga daluyan ng tubig ay ginagawa ninyong dios at sinasamba sa pamamagitan ng paghahandog ng pagkain at inumin. Hindi ako natutuwa sa ginagawa ninyong iyan. Umaakyat kayo sa mga matataas na bundok at naghahandog ng inyong mga handog doon at nakikipagtalik. Inilalagay pa ninyo ang mga rebulto ng inyong mga dios-diosan malapit sa pintuan ng inyong mga bahay. Itinatakwil ninyo ako. Para kayong babaeng mangangalunya na nahiga sa malapad niyang higaan at pumayag na sumiping sa kanyang kalaguyo. Gustong-gusto niyang makipagtalik sa kalaguyo niya. Talagang nagpapakasawa siya sa pita ng kanyang laman.

Pumunta kayo sa dios-diosan ninyong si Molec. Marami ang dala ninyong langis at pabango. Nagsugo pa kayo ng mga tao sa malayong lugar para maghanap ng mga dios-diosang sasambahin ninyo. Kahit na ang lugar ng mga patay ay parang pupuntahan nʼyo pa. 10 At kahit pagod na kayo sa kakahanap ng mga dios-diosan, hindi pa rin kayo nawawalan ng pag-asa. Pilit ninyong pinalalakas ang inyong sarili kaya hindi kayo nanghihina.

11 Sinabi ng Panginoon, “Sino ba itong mga dios-diosan na kinatatakutan nʼyo at nagsinungaling kayo sa akin? Kinalimutan nʼyo ako at hindi pinansin. Ano ba ang dahilan, bakit hindi nʼyo na ako iginagalang? Dahil ba sa nanahimik ako sa loob ng mahabang panahon? 12 Ang akala ninyoʼy matuwid ang inyong ginagawa, pero ipapakita ko kung anong klaseng tao kayo. 13 At hindi talaga makakatulong sa inyo ang inyong mga dios-diosan kapag humingi kayo ng tulong sa kanila. Silang lahat ay tatangayin ng hangin. At mapapadpad sila sa isang ihip lamang. Pero ang mga nagtitiwala sa akin ay maninirahan sa lupa[a] at sasamba sa aking banal na bundok. 14 Sasabihin ko, ayusin ninyo ang daan na dadaanan ng aking mga mamamayan.”

15 Ito pa ang sinasabi ng Kataas-taasang Dios, ang Banal na Dios na nabubuhay magpakailanman: “Nakatira ako sa mataas at banal na lugar, pero nakatira rin akong kasama ng mga taong mapagpakumbaba at nagsisisi, para silaʼy palakasin ko. 16 Ang totoo, hindi ko kayo kakalabanin o uusigin habang panahon, dahil kung gagawin ko ito mamamatay ang mga taong nilikha ko. 17 Nagalit ako dahil sa kasalanan at kasakiman ng Israel, kaya pinarusahan ko sila at itinakwil. Pero patuloy pa rin sila sa kanilang kasalanan. 18 Nakita ko ang kanilang pag-uugali, pero pagagalingin ko sila. Papatnubayan ko sila at aaliwin ang mga nalulungkot sa kanila. 19 At dahil dito, magpupuri sila sa akin. Ilalagay ko sila sa magandang kalagayan, sa malayo man o nasa malapit. Pagagalingin ko sila. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito. 20 Pero ang masasama ay walang kapayapaan. Para silang alon sa dagat na nagdadala ng mga putik at mga dumi sa dalampasigan. 21 Ang taong masama ay hindi mabubuhay ng payapa.” Iyan ang sinabi ng aking Dios.

Footnotes

  1. 57:13 lupa: Maaaring ang ibig sabihin ay lupain ng Israel.

Makaidolatria na ugali ng Israel.

57 Ang matuwid na namamatay, at walang taong nagdadamdam; at mga taong mahabagin ay pumapanaw, walang gumugunita na ang matuwid ay naalis sa kasamaan na darating.

Siya'y nanasok sa kapayapaan; sila'y nagpapahinga sa (A)kanilang mga higaan bawa't lumalakad sa kaniyang katuwiran.

Nguni't magsilapit kayo rito, kayong mga anak ng babaing manghuhula, na lahi ng mangangalunya at ng patutot.

Laban kanino nakipagaglahian kayo? laban kanino nagluluwang kayo ng bibig, at naglalawit ng dila? hindi baga kayo mga anak ng pagsalangsang, (B)lahing sinungaling,

Kayong mga nangagaalab (C)sa inyong sarili sa gitna ng mga encina, (D)sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy; na (E)pumapatay ng mga anak sa mga libis, sa mga bitak ng mga bato sa mga bangin?

Nasa gitna ng mga makinis na bato sa libis ang iyong bahagi; sila, sila ang iyong bahagi; sa kanila ka nga nagbuhos ng inuming handog, ikaw ay naghandog ng alay. Matatahimik baga ako sa mga bagay na ito?

Sa isang mataas (F)at matayog na bundok ay inilagay mo ang (G)iyong higaan; doon ka naman sumampa upang maghandog ng hain.

At sa likod ng mga pintuan at ng mga tukod ay itinaas mo ang iyong alaala: sapagka't ikaw ay nagpakahubad (H)sa iba kay sa akin, at ikaw ay sumampa; iyong pinalaki ang iyong higaan, at nakipagtipan ka sa kanila: (I)iyong inibig ang kanilang higaan saan mo man makita.

At ikaw ay naparoon sa hari na may pahid na langis, at iyong pinarami ang iyong mga pabango, at iyong sinugo ang iyong mga sugo sa malayo, at ikaw ay nagpakababa hanggang sa Sheol.

10 Ikaw ay napagod sa kahabaan ng iyong lakad; gayon ma'y hindi mo sinabi, (J)Walang kabuluhan: ikaw ay nakasumpong ng kabuhayan ng iyong lakas; kaya't hindi ka nanglupaypay.

Ang pagpapakababa at pagtitiis ng Panginoon.

11 At (K)kanino ka nangilabot at natakot, (L)na ikaw ay nagsisinungaling, at hindi mo ako inalaala, o dinamdam mo man? (M)hindi baga ako tumahimik na malaong panahon, at hindi mo ako kinatatakutan.

12 Aking ipahahayag ang iyong katuwiran; at tungkol sa iyong mga gawa, ang mga yaong hindi makikinabang sa iyo.

13 Pagka ikaw ay humihiyaw, iligtas ka nila na iyong pinisan; nguni't tatangayin sila ng hangin, isang hinga ay tatangay sa kanila: (N)nguni't siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa akin ay (O)magaari ng lupain, at magmamana ng aking banal na (P)bundok.

14 At kaniyang sasabihin, (Q)Inyong patagin, inyong patagin, inyong ihanda ang lansangan, inyong alisin ang katitisuran sa lansangan ng aking bayan.

15 Sapagka't ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, (R)na ang pangalan ay (S)Banal; Ako'y tumatahan sa mataas at banal na dako na (T)kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob (U)ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.

16 Sapagka't hindi ako (V)makikipagtalo magpakailan man, o mapopoot man akong lagi; sapagka't ang diwa ay manglulupaypay sa harap ko, at ang mga kaluluwa na aking ginawa.

17 (W)Dahil sa kasamaan ng kaniyang kasakiman ay napoot ako, at sinaktan ko siya; aking ikinubli ang aking mukha at ako'y napoot; at siya'y yumaong nanghimagsik ng lakad ng kaniyang puso.

18 Aking nakita ang kaniyang mga lakad, at pagagalingin ko (X)siya; akin ding papatnubayan siya, at bibigyan ko ng mga kaaliwan siya, at ang (Y)kaniyang nangananangis.

19 Aking nililikha ang (Z)bunga ng mga labi: (AA)Kapayapaan, kapayapaan, sa kaniya (AB)na malayo at sa kaniya na malapit, sabi ng Panginoon; at aking pagagalingin siya.

20 Nguni't ang masama (AC)ay parang maunos na dagat; sapagka't hindi maaring humusay, at ang kaniyang tubig ay umaalimbukay ng burak at dumi.

21 Walang kapayapaan, (AD)sabi ng aking Dios, sa mga masama.