Isaias 57:11-13
Ang Biblia (1978)
Ang pagpapakababa at pagtitiis ng Panginoon.
11 At (A)kanino ka nangilabot at natakot, (B)na ikaw ay nagsisinungaling, at hindi mo ako inalaala, o dinamdam mo man? (C)hindi baga ako tumahimik na malaong panahon, at hindi mo ako kinatatakutan.
12 Aking ipahahayag ang iyong katuwiran; at tungkol sa iyong mga gawa, ang mga yaong hindi makikinabang sa iyo.
13 Pagka ikaw ay humihiyaw, iligtas ka nila na iyong pinisan; nguni't tatangayin sila ng hangin, isang hinga ay tatangay sa kanila: (D)nguni't siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa akin ay (E)magaari ng lupain, at magmamana ng aking banal na (F)bundok.
Read full chapter
Isaias 57:11-13
Ang Biblia, 2001
11 At kanino ka nangilabot at natakot,
anupa't ikaw ay nagsinungaling,
at hindi mo ako inalaala,
o inisip mo man?
Hindi ba ako tumahimik nang matagal na panahon,
at hindi mo ako kinatatakutan?
12 Aking ipahahayag ang iyong katuwiran at ang iyong mga gawa,
ngunit hindi mo mapapakinabangan.
13 Kapag ikaw ay sumigaw, iligtas ka nawa ng mga diyus-diyosang iyong tinipon!
Ngunit tatangayin sila ng hangin,
isang hinga ang tatangay sa kanila.
Ngunit siyang nanganganlong sa akin ay mag-aari ng lupain,
at magmamana ng aking banal na bundok.
Isaias 57:11-13
Ang Dating Biblia (1905)
11 At kanino ka nangilabot at natakot, na ikaw ay nagsisinungaling, at hindi mo ako inalaala, o dinamdam mo man? hindi baga ako tumahimik na malaong panahon, at hindi mo ako kinatatakutan.
12 Aking ipahahayag ang iyong katuwiran; at tungkol sa iyong mga gawa, ang mga yaong hindi makikinabang sa iyo.
13 Pagka ikaw ay humihiyaw, iligtas ka nila na iyong pinisan; nguni't tatangayin sila ng hangin, isang hinga ay tatangay sa kanila: nguni't siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa akin ay magaari ng lupain, at magmamana ng aking banal na bundok.
Read full chapter
Isaias 57:11-13
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
11 Sinabi ng Panginoon, “Sino ba itong mga dios-diosan na kinatatakutan nʼyo at nagsinungaling kayo sa akin? Kinalimutan nʼyo ako at hindi pinansin. Ano ba ang dahilan, bakit hindi nʼyo na ako iginagalang? Dahil ba sa nanahimik ako sa loob ng mahabang panahon? 12 Ang akala ninyoʼy matuwid ang inyong ginagawa, pero ipapakita ko kung anong klaseng tao kayo. 13 At hindi talaga makakatulong sa inyo ang inyong mga dios-diosan kapag humingi kayo ng tulong sa kanila. Silang lahat ay tatangayin ng hangin. At mapapadpad sila sa isang ihip lamang. Pero ang mga nagtitiwala sa akin ay maninirahan sa lupa[a] at sasamba sa aking banal na bundok.
Read full chapterFootnotes
- 57:13 lupa: Maaaring ang ibig sabihin ay lupain ng Israel.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
