Add parallel Print Page Options

Ang Lahat ng Bansa ay Mapapasama sa Bayan ng Diyos

56 Ang sabi ni Yahweh sa kanyang bayan:

“Panatilihin ang katarungan at gawin ang tama,
sapagkat ang pagliligtas ko'y hindi na magtatagal,
    at ang aking tagumpay ay mahahayag na.
Mapalad ang taong nagsasagawa nito,
    siya na tumatalima sa tuntuning ito.
Iginagalang niya ang Araw ng Pamamahinga,
    at lumalayo sa gawang masama.”

Hindi dapat sabihin ng isang dayuhang nakipagkaisa sa bayan ng Diyos,
    na siya'y hindi papayagan ni Yahweh na makisama sa pagsamba ng kanyang bayan.
Hindi dapat isipin ng mga eunuko na hindi sila karapat-dapat na mapabilang sa bayan ng Diyos
    sapagkat hindi sila magkakaanak.

Read full chapter