Isaias 54:9-11
Ang Biblia, 2001
9 “Sapagkat(A) para sa akin ito ay parang tubig sa panahon ni Noe;
gaya ng aking ipinangako,
na ang tubig sa panahon ni Noe ay hindi na aapaw pa sa lupa,
gayon ako'y nangako na hindi ako magagalit sa iyo,
at hindi ka na kagagalitan.
10 Sapagkat ang mga bundok ay maaaring umalis,
at ang mga burol ay mapalipat;
ngunit ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo,
o ang aking tipan ng kapayapaan ay hindi maaalis,
sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo.
Bagong Jerusalem
11 “O(B) ikaw na nagdadalamhati, na pinapaspas ng bagyo, at hindi naaaliw,
narito, aking ilalagay ang iyong mga bato na may magagandang kulay,
at lalagyan ko ng mga zafiro ang iyong pundasyon.
Isaias 54:9-11
Ang Dating Biblia (1905)
9 Sapagka't ito ay parang tubig ng panahon ni Noe sa akin; sapagka't kung paanong ako'y sumumpa, na ang tubig ng panahon ni Noe ay hindi na aahon pa sa lupa, gayon ako'y sumumpa na hindi ako magiinit sa iyo, o sasaway sa iyo.
10 Sapagka't ang mga bundok ay mangapapaalis, at ang mga burol ay mangapapalipat; nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo, o ang akin mang tipan ng kapayapaan ay maalis, sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo.
11 Oh ikaw na nagdadalamhati, na pinapaspas ng bagyo, at hindi naaaliw, narito, aking ilalagay ang iyong mga bato na may magandang mga kulay, at ilalapag ko ang iyong mga patibayan na may mga zafiro.
Isaias 54:9-11
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
9 “Para sa akin, katulad ito noong panahon[a] ni Noe nang nangako akong hindi ko na gugunawin ang mundo. Ngayon naman, nangangako akong hindi na ako magagalit o magpaparusa sa inyo. 10 Gumuho man ang mga burol at bundok, ang pag-ibig ko sa iyoʼy hindi mawawala, maging ang kasunduan ko sa iyo na ilalagay kita sa magandang kalagayan. Ako, ang Panginoong naaawa sa iyo, ang nagsasabi nito.
11 “O Jerusalem, para kang binagyo. Nagdusa kaʼt walang umaliw at nagpalakas sa iyo. Pero muli kitang itatayo sa pundasyong gawa sa batong safiro, at gagamitin ko ang mamahaling mga bato para sa mga dingding ng bahay mo.
Footnotes
- 54:9 panahon: Ito ang nasa ibang lumang teksto. Sa Hebreo, tubig.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
