Add parallel Print Page Options
'Isaias 51 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Salitang Pang-aliw sa Zion

51 Kayo'y makinig sa akin, kayong sumusunod sa katuwiran
    kayong naghahanap sa Panginoon;
tumingin kayo sa malaking bato na inyong pinagtapyasan,
    at sa tibagan na pinaghukayan sa inyo.
Tingnan ninyo si Abraham na ama ninyo,
    at si Sara na nagsilang sa inyo;
sapagkat nang siya'y iisa ay tinawag ko siya,
    at pinagpala ko at pinarami siya.
Sapagkat aaliwin ng Panginoon ang Zion;
    kanyang aaliwin ang lahat niyang sirang dako,
at gagawin niyang parang Eden ang kanyang ilang,
    ang kanyang disyerto na parang halamanan ng Panginoon;
kagalakan at kasayahan ay matatagpuan doon,
    pagpapasalamat at tinig ng awit.

“Makinig ka sa akin, bayan ko;
    at pakinggan mo ako, bansa ko.
Sapagkat magmumula sa akin ang isang kautusan,
    at ang aking katarungan bilang liwanag sa mga bayan.
Ang aking katuwiran ay malapit na,
    ang aking kaligtasan ay humayo na,
    at ang aking mga bisig ay hahatol sa mga bayan;
ang mga pulo ay naghihintay sa akin,
    at sa aking bisig ay umaasa sila.
Itingin ninyo ang inyong mga mata sa mga langit,
    at tingnan ninyo ang lupa sa ibaba;
sapagkat ang langit ay mapapawing parang usok,
    at ang lupa ay malulumang parang bihisan;
    at silang naninirahan doon ay mamamatay sa gayunding paraan.
Ngunit ang pagliligtas ko ay magpakailanman,
    at hindi magwawakas ang aking katuwiran.

“Makinig kayo sa akin, kayong nakakaalam ng katuwiran,
    ang bayan na ang puso ay kinaroonan ng aking kautusan.
Huwag ninyong katakutan ang pagkutya ng mga tao,
    at huwag kayong mabalisa sa kanilang mga paglait.
Sapagkat sila'y lalamunin ng bukbok na parang bihisan,
    at kakainin sila ng uod na parang balahibo ng tupa;
ngunit ang aking katuwiran ay magiging magpakailanman,
    at ang aking pagliligtas ay sa lahat ng salinlahi.”

Gumising ka, gumising ka, magpakalakas ka,
    O bisig ng Panginoon.
Gumising ka na gaya nang araw noong una,
    nang mga lahi ng mga dating panahon.
Hindi ba ikaw ang pumutol ng Rahab,
    na sumaksak sa dragon?
10 Hindi ba ikaw ang tumuyo sa dagat,
    sa tubig ng malaking kalaliman;
na iyong ginawang daan ang kalaliman ng dagat
    upang daanan ng tinubos?
11 At ang mga tinubos ng Panginoon ay babalik,
    at darating na may awitan sa Zion;
at nasa kanilang mga ulo ang walang hanggang kagalakan,
    sila'y magtatamo ng kasayahan at kagalakan;
    at tatakas ang kalungkutan at pagbubuntong-hininga.

12 “Ako, ako nga, ang siyang umaaliw sa inyo.
    Sino ka na natatakot sa namamatay na tao,
    at sa anak ng tao na ginawang parang damo,
13 at iyong kinalimutan ang Panginoon na iyong Manlalalang,
    na nagladlad ng mga langit,
    at siyang naglagay ng mga pundasyon ng lupa,
at ikaw ay laging natatakot sa buong araw
    dahil sa bagsik ng mang-aapi,
kapag siya'y naghahanda upang mangwasak?
    At saan naroon ang bagsik ng mang-aapi?
14 Ang inapi ay mabilis na palalayain,
    hindi siya mamamatay patungo sa Hukay,
    ni magkukulang man ang kanyang tinapay.
15 Sapagkat ako ang Panginoon mong Diyos,
    na nagpapakilos sa dagat, na ang mga alon niyon ay umuugong—
     Panginoon ng mga hukbo ang kanyang pangalan.
16 At inilagay ko ang aking mga salita sa bibig mo,
    at tinakpan kita sa lilim ng aking kamay
upang mailadlad ang mga langit,
    at upang maitatag ang lupa,
    at sinasabi sa Zion, ‘Ikaw ay aking bayan.’”

Katapusan ng Paghihirap ng Jerusalem

17 Gumising(A) ka, gumising ka,
    tumayo ka, O Jerusalem.
Ikaw na uminom sa kamay ng Panginoon
    sa kopa ng kanyang poot,
na iyong sinaid ang kopa ng pampasuray.
18 Walang pumatnubay sa kanya
    sa lahat ng anak na kanyang ipinanganak;
ni humawak man sa kanya sa kamay
    sa lahat ng anak na kanyang pinalaki.
19 Ang dalawang bagay na ito ay nangyari sa iyo—sinong makikiramay sa iyo?—
pagkagiba, pagkasira, taggutom at ang tabak;
    sinong aaliw sa iyo?
20 Ang iyong mga anak ay nanlupaypay,
    sila'y nahihiga sa dulo ng bawat lansangan,
    na gaya ng isang usa sa isang lambat;
sila'y puspos ng poot ng Panginoon,
    ng saway ng iyong Diyos.

21 Kaya't pakinggan mo ito ngayon, ikaw na nagdadalamhati,
    at lasing, ngunit hindi ng alak.
22 Ganito ang sabi ng iyong Panginoon, ang Panginoon,
    ang iyong Diyos na nagsasanggalang ng usapin ng kanyang bayan:
“Narito, aking inalis sa iyong kamay ang kopa na pampasuray;
    ang kopa ng aking poot;
    hindi ka na muling iinom.
23 At aking ilalagay ito sa kamay ng mga nagpapahirap sa iyo,
    na nagsabi sa iyong kaluluwa,
    ‘Ikaw ay yumuko upang kami ay makaraan’;
at ginawa mo ang iyong likod na parang lupa,
    at parang lansangan na kanilang madaraanan.”

Ang Panawagang Magtiwala sa Panginoon

51 1-2 Sinabi ng Panginoon, “Makinig kayo sa akin, kayong mga gustong maligtas[a] at humihingi ng tulong sa akin. Alalahanin ninyo sina Abraham at Sara na inyong mga ninuno. Katulad sila ng batong pinagtibagan sa inyo o pinaghukayan sa inyo. Noong tinawag ko si Abraham, nag-iisa siya, pero pinagpala ko siya at binigyan ng maraming lahi.

“Kaaawaan ko ang Jerusalem[b] na nawasak. Ang mga disyerto nito ay gagawin kong parang halamanan ng Eden. Maghahari sa Jerusalem ang kagalakan, pasasalamat at pag-aawitan.

“Mga mamamayan ko, makinig kayo sa akin. Dinggin ninyo ako, O bansa ko! Ibibigay ko ang aking kautusan at magsisilbi itong ilaw sa mga bansa. Malapit ko na kayong bigyan ng tagumpay. Hindi magtatagal at ililigtas ko na kayo. Ako ang mamamahala sa mga bansa. Ang mga nasa malalayong lugar[c] ay maghihintay sa akin at maghahangad ng aking kapangyarihan. Tingnan ninyo ang langit at ang mundo. Mawawala ang langit na parang usok, masisira ang mundo na parang damit, at mamamatay ang mga mamamayan nito na parang mga kulisap. Pero ang kaligtasan na aking ibibigay ay mananatili magpakailanman. Ang tagumpay at katuwiran na mula sa akin ay mapapasainyo magpakailanman. Makinig kayo sa akin, kayong mga nakakaalam kung ano ang tama at sumusunod sa aking kautusan! Huwag kayong matatakot sa mga panghihiya at pangungutya ng mga tao sa inyo. Sapagkat matutulad sila sa damit na nginatngat ng mga kulisap. Pero ang tagumpay at katuwiran na aking ibibigay ay mananatili magpakailanman. Ang kaligtasang mula sa akin ay mapapasainyo magpakailanman.”

Sige na, Panginoon, tulungan nʼyo na po kami. Gamitin nʼyo na ang inyong kapangyarihan sa pagliligtas sa amin. Tulungan nʼyo kami katulad ng ginawa nʼyo noon. Hindi baʼt kayo ang tumadtad sa dragon na si Rahab?[d] 10 Hindi baʼt kayo rin po ang nagpatuyo ng dagat, gumawa ng daan sa gitna nito para makatawid ang inyong mga mamamayan na iniligtas nʼyo sa Egipto? 11 Ang inyong mga tinubos ay babalik sa Zion na nag-aawitan at may kagalakan magpawalang hanggan. Mawawala na ang kanilang mga kalungkutan, at mag-uumapaw ang kanilang kaligayahan.

12 Sumagot ang Panginoon, “Ako ang nagpapalakas at nagpapaligaya sa inyo. Kaya bakit kayo matatakot sa mga taong katulad ninyo na mamamatay din lang na parang damo? 13 Ako baʼy nakalimutan na ninyo? Ako na lumikha sa inyo? Ako ang nagladlad ng langit at naglagay ng pundasyon ng mundo. Bakit nabubuhay kayong natatakot sa galit ng mga umaapi at gustong lumipol sa inyo? Ang kanilang galit ay hindi makakapinsala sa inyo. 14 Hindi magtatagal at ang mga bihag ay palalayain. Hindi sila mamamatay sa kanilang piitan at hindi rin sila mawawalan ng pagkain. 15 Sapagkat ako ang Panginoon na inyong Dios. Kapag kinalawkaw ko ang dagat ay umuugong ang mga alon. Panginoong Makapangyarihan ang aking pangalan. 16 Itinuro ko sa inyo ang ipinasasabi ko, at ipinagtatanggol ko kayo sa pamamagitan ng aking kapangyarihan. Ako ang naglagay ng langit at ng pundasyon ng mundo, at ako ang nagsabi sa Israel, ‘Ikaw ang aking mamamayan.’ ”

17 Jerusalem, bumangon ka! Ang galit ng Panginoon ay parang alak na ininom mong lahat hanggang sa ikaw ay magpasuray-suray sa kalasingan. 18 Wala ni isa man sa iyong mga tauhan ang aalalay sa iyo; wala ni isa man sa kanila ang tutulong sa iyo. 19 Dalawang sakuna ang nangyari sa iyo: Nawasak ka dahil sa digmaan, at nagtiis ng gutom ang iyong mga mamamayan. Walang naiwan sa mga mamamayan mo, na lilingap at aaliw sa iyo. 20 Nanlulupaypay sila at nakahandusay sa mga lansangan. Para silang mga usa na nahuli sa bitag. Dumanas sila ng matinding galit ng Panginoon; sinaway sila ng iyong Dios.

21 Kaya pakinggan ninyo ito, kayong mga nasa matinding hirap at nalasing ng hindi dahil sa alak. 22 Ito ang sinasabi ng Panginoon ninyong Dios na kumakalinga sa inyo: “Makinig kayo! Inalis ko na ang aking galit na parang alak na nakapagpalasing sa inyo. Hindi ko na kayo paiinuming muli nito. 23 Ibibigay ko ito sa mga nagpahirap sa inyo, sa mga nag-utos sa inyo na dumapa para tapakan nila kayo. Tinapakan nila ang inyong mga likod na para bang dumadaan sila sa lansangan.”

Footnotes

  1. 51:1-2 gustong maligtas: o, gustong maging matuwid.
  2. 51:3 Jerusalem: sa Hebreo, Zion.
  3. 51:5 malalayong lugar: o, mga isla; o, mga lugar malapit sa dagat.
  4. 51:9 Rahab: Ang dambuhalang hayop na kumakatawan sa Egipto.

Everlasting Salvation for Zion

51 “Listen(A) to me, you who pursue righteousness(B)
    and who seek(C) the Lord:
Look to the rock(D) from which you were cut
    and to the quarry from which you were hewn;
look to Abraham,(E) your father,
    and to Sarah, who gave you birth.
When I called him he was only one man,
    and I blessed him and made him many.(F)
The Lord will surely comfort(G) Zion(H)
    and will look with compassion on all her ruins;(I)
he will make her deserts like Eden,(J)
    her wastelands(K) like the garden of the Lord.
Joy and gladness(L) will be found in her,
    thanksgiving(M) and the sound of singing.

“Listen to me, my people;(N)
    hear me,(O) my nation:
Instruction(P) will go out from me;
    my justice(Q) will become a light to the nations.(R)
My righteousness draws near speedily,
    my salvation(S) is on the way,(T)
    and my arm(U) will bring justice to the nations.
The islands(V) will look to me
    and wait in hope(W) for my arm.
Lift up your eyes to the heavens,
    look at the earth beneath;
the heavens will vanish like smoke,(X)
    the earth will wear out like a garment(Y)
    and its inhabitants die like flies.
But my salvation(Z) will last forever,(AA)
    my righteousness will never fail.(AB)

“Hear me, you who know what is right,(AC)
    you people who have taken my instruction to heart:(AD)
Do not fear the reproach of mere mortals
    or be terrified by their insults.(AE)
For the moth will eat them up like a garment;(AF)
    the worm(AG) will devour them like wool.
But my righteousness will last forever,(AH)
    my salvation through all generations.”

Awake, awake,(AI) arm(AJ) of the Lord,
    clothe yourself with strength!(AK)
Awake, as in days gone by,
    as in generations of old.(AL)
Was it not you who cut Rahab(AM) to pieces,
    who pierced that monster(AN) through?
10 Was it not you who dried up the sea,(AO)
    the waters of the great deep,(AP)
who made a road in the depths of the sea(AQ)
    so that the redeemed(AR) might cross over?
11 Those the Lord has rescued(AS) will return.
    They will enter Zion with singing;(AT)
    everlasting joy will crown their heads.
Gladness and joy(AU) will overtake them,
    and sorrow and sighing will flee away.(AV)

12 “I, even I, am he who comforts(AW) you.
    Who are you that you fear(AX) mere mortals,(AY)
    human beings who are but grass,(AZ)
13 that you forget(BA) the Lord your Maker,(BB)
    who stretches out the heavens(BC)
    and who lays the foundations of the earth,
that you live in constant terror(BD) every day
    because of the wrath of the oppressor,
    who is bent on destruction?
For where is the wrath of the oppressor?(BE)
14     The cowering prisoners will soon be set free;(BF)
they will not die in their dungeon,
    nor will they lack bread.(BG)
15 For I am the Lord your God,
    who stirs up the sea(BH) so that its waves roar(BI)
    the Lord Almighty(BJ) is his name.
16 I have put my words in your mouth(BK)
    and covered you with the shadow of my hand(BL)
I who set the heavens in place,
    who laid the foundations of the earth,(BM)
    and who say to Zion, ‘You are my people.(BN)’”

The Cup of the Lord’s Wrath

17 Awake, awake!(BO)
    Rise up, Jerusalem,
you who have drunk from the hand of the Lord
    the cup(BP) of his wrath,(BQ)
you who have drained to its dregs(BR)
    the goblet that makes people stagger.(BS)
18 Among all the children(BT) she bore
    there was none to guide her;(BU)
among all the children she reared
    there was none to take her by the hand.(BV)
19 These double calamities(BW) have come upon you—
    who can comfort you?(BX)
ruin and destruction,(BY) famine(BZ) and sword(CA)
    who can[a] console you?
20 Your children have fainted;
    they lie at every street corner,(CB)
    like antelope caught in a net.(CC)
They are filled with the wrath(CD) of the Lord,
    with the rebuke(CE) of your God.

21 Therefore hear this, you afflicted(CF) one,
    made drunk,(CG) but not with wine.
22 This is what your Sovereign Lord says,
    your God, who defends(CH) his people:
“See, I have taken out of your hand
    the cup(CI) that made you stagger;
from that cup, the goblet of my wrath,
    you will never drink again.
23 I will put it into the hands of your tormentors,(CJ)
    who said to you,
    ‘Fall prostrate(CK) that we may walk(CL) on you.’
And you made your back like the ground,
    like a street to be walked on.”(CM)

Footnotes

  1. Isaiah 51:19 Dead Sea Scrolls, Septuagint, Vulgate and Syriac; Masoretic Text / how can I