Isaias 50
Magandang Balita Biblia
50 Sinabi(A) ni Yahweh:
“Pinalayas ko ba ang aking bayan,
tulad ng isang lalaking pinalayas at hiniwalayan ang kanyang asawa?
Kung gayon, nasaan ang kasulatan ng ating paghihiwalay?
Pinagtaksilan ko ba kayo para maging bihag,
tulad ng amang nagbenta ng anak upang maging alipin?
Hindi! Nabihag kayo dahil sa inyong kasalanan,
itinapon kayo dahil sa inyong kasamaan.
2 Bakit ang bayan ko'y hindi kumilos
nang sila'y lapitan ko para iligtas?
Nang ako'y tumawag isa ma'y walang sumagot.
Bakit? Wala ba akong lakas para iligtas sila?
Kaya kong tuyuin ang dagat sa isang salita lamang.
Magagawa kong disyerto ang ilog
upang mamatay sa uhaw ang mga isda roon.
3 Ang bughaw na langit ay magagawa kong
kasing-itim ng damit-panluksa.”
Ang Pagsunod ng Lingkod ni Yahweh
4 Ang Panginoong Yahweh ang nagturo sa akin ng aking sasabihin,
para tulungan ang mahihina.
Tuwing umaga'y nananabik akong malaman
kung ano ang ituturo niya sa akin.
5 Binigyan ako ng Panginoong Yahweh ng pang-unawa,
hindi ako naghimagsik
o tumalikod sa kanya.
6 Hindi(B) ako gumanti nang bugbugin nila ako,
hindi ako kumibo nang insultuhin nila ako.
Pinabayaan ko silang bunutin ang aking balbas
at luraan ang aking mukha.
7 Hindi ko pinansin ang mga pag-insultong ginawa nila sa akin,
sapagkat ang Panginoong Yahweh ang tumutulong sa akin.
Handa akong magtiis,
sapagkat aking nalalaman na ako'y hindi mapapahiya.
8 Ang(C) Diyos ay malapit,
at siya ang magpapatunay na wala akong sala.
May mangangahas bang ako'y usigin?
Magharap kami sa hukuman,
at ilahad ang kanyang paratang.
9 Ang Panginoong Yahweh mismo ang magtatanggol sa akin.
Sino ang makapagpapatunay na ako ay may sala?
Mawawalang lahat ang nagbibintang sa akin,
tulad ng damit na nginatngat ng insekto.
10 Kayong lahat na may paggalang kay Yahweh,
at sumusunod sa utos ng kanyang lingkod,
maaaring ang landas ninyo ay maging madilim,
gayunma'y magtiwala kayo at umasa
sa kapangyarihan ng Diyos na si Yahweh.
11 Kayo namang nagbabalak magpahamak sa iba
ang siyang magdurusa sa inyong binabalak.
Kahabag-habag ang sasapitin ninyo
sapagkat si Yahweh ang gagawa nito.
Isaias 50
Ang Biblia (1978)
Ang Panginoon ay makatutulong at tutulong sa nagtitiwala sa Kaniya.
50 Ganito ang sabi ng Panginoon, (A)Saan nandoon ang sulat ng pagkakahiwalay ng iyong ina, na aking ipinaghiwalay sa kaniya? (B)o sa kanino sa mga nagpapautang sa akin ipinagbili kita? Narito, dahil sa inyong mga kasamaan ay naipagbili (C)kayo, at dahil sa inyong mga pagsalangsang ay nahiwalay ang inyong ina.
2 Bakit, nang ako'y parito, ay walang tao? nang ako'y (D)tumawag, ay walang sumagot? (E)naging maiksi na baga ang aking kamay na hindi makatubos? o wala akong kapangyarihang makapagligtas? (F)Narito, sa saway ko ay aking tinutuyo ang dagat, aking pinapaging ilang ang mga ilog: (G)ang kanilang isda ay bumabaho, sapagka't walang tubig, at namamatay dahil sa uhaw.
3 Aking binibihisan ng kaitiman ang langit (H)at aking ginagawang (I)kayong magaspang ang kaniyang takip.
4 Binigyan ako ng Panginoong Dios ng dila ng nangaturuan, (J)upang aking maalaman kung paanong aaliwin ng mga salita siyang nanglulupaypay. (K)Siya'y nagigising tuwing umaga, ginigising niya ang aking pakinig upang makinig na gaya ng mga natuturuan.
5 Binuksan ng Panginoong Dios ang aking pakinig, at ako'y (L)hindi naging mapanghimagsik, o tumalikod man.
6 (M)Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, (N)at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura.
7 Sapagka't tutulungan ako ng Panginoong Dios; kaya't hindi ako nalito: kaya't (O)inilagay ko ang aking mukha na parang batong pingkian, (P)at talastas ko na hindi ako mapapahiya.
8 Siya'y malapit (Q)na nagpapatotoo sa akin; (R)sinong makikipaglaban sa akin? tayo'y magsitayong magkakasama: sino ang aking kaaway? bayaang lumapit siya sa akin.
9 Narito, tutulungan ako ng Panginoong Dios; sino siya na hahatol sa akin? (S)narito, silang lahat ay mangalulumang parang bihisan; lalamunin (T)sila ng tanga.
10 Sino sa inyo ang natatakot sa Panginoon, na sumusunod sa tinig ng kaniyang lingkod? (U)Siyang lumalakad sa kadiliman, at walang liwanag, tumiwala siya sa pangalan ng Panginoon, (V)at umasa sa kaniyang Dios.
11 Narito, kayong lahat na nangagsusulsol ng apoy, na kumukubkob ng mga suló: magsilakad kayo sa liyab ng inyong apoy, at sa gitna ng mga suló na inyong pinagalab. (W)Ito ang tatamuhin ninyo sa aking kamay; kayo'y hihiga (X)sa kapanglawan.
Isaias 50
Ang Biblia, 2001
50 Ganito ang sabi ng Panginoon:
“Nasaan ang sulat ng pagkakahiwalay ng iyong ina,
na aking ipinaghiwalay sa kanya?
O kanino sa mga nagpapautang sa akin ipinagbili kita?
Narito, dahil sa inyong mga kasamaan ay ipinagbili kayo,
at dahil sa inyong mga pagsuway ay inilayo ang ina ninyo.
2 Bakit nang ako'y pumarito ay walang tao?
Nang ako'y tumawag, bakit walang sumagot?
Naging maikli na ba ang aking kamay, anupa't hindi makatubos?
O wala akong kapangyarihang makapagligtas?
Narito, sa saway ko ay aking tinutuyo ang dagat,
aking ginawang ilang ang mga ilog.
Ang kanilang isda ay bumabaho sapagkat walang tubig,
at namamatay dahil sa uhaw.
3 Aking binibihisan ng kaitiman ang langit,
at aking ginagawang damit-sako ang kanyang panakip.”
Ang Pagsunod ng Lingkod ng Diyos
4 Binigyan ako ng Panginoong Diyos
ng dila ng mga naturuan,
upang aking malaman kung paanong aalalayan
ng mga salita ang nanlulupaypay.
Siya'y nagigising tuwing umaga,
ginigising niya ang aking pandinig
upang makinig na gaya ng mga naturuan.
5 Binuksan ng Panginoong Diyos ang aking pandinig,
at ako'y hindi naging mapaghimagsik,
o tumalikod man.
6 Iniharap(A) ko ang aking likod sa mga tagahampas,
at ang aking mga pisngi sa mga bumunot ng balbas;
hindi ko ikinubli ang aking mukha
sa kahihiyan at sa paglura.
7 Sapagkat tinulungan ako ng Panginoong Diyos;
kaya't hindi ako napahiya;
kaya't inilagay ko ang aking mukha na parang batong kiskisan,
at alam ko na hindi ako mapapahiya.
8 Siya(B) na magpapawalang-sala sa akin ay malapit.
Sinong makikipaglaban sa akin?
Tayo'y tumayong magkakasama.
Sino ang aking kaaway?
Bayaang lumapit siya sa akin.
9 Narito, tinutulungan ako ng Panginoong Diyos;
sino ang magsasabi na ako ay nagkasala?
Tingnan mo, silang lahat ay malulumang parang bihisan;
lalamunin sila ng tanga.
10 Sino sa inyo ang natatakot sa Panginoon,
na sumusunod sa tinig ng kanyang lingkod,
na lumalakad sa kadiliman,
at walang liwanag?
Magtiwala siya sa pangalan ng Panginoon,
at umasa sa kanyang Diyos.
11 Narito, kayong lahat na nagpapaningas ng apoy,
na nagsisindi ng mga suló!
Lumakad kayo sa liyab ng inyong apoy,
at sa gitna ng mga suló na inyong sinindihan!
Ito ang makakamit ninyo sa aking kamay:
kayo'y hihiga sa pagpapahirap.
Isaiah 50
New International Version
Israel’s Sin and the Servant’s Obedience
50 This is what the Lord says:
“Where is your mother’s certificate of divorce(A)
with which I sent her away?
Or to which of my creditors
did I sell(B) you?
Because of your sins(C) you were sold;(D)
because of your transgressions your mother was sent away.
2 When I came, why was there no one?
When I called, why was there no one to answer?(E)
Was my arm too short(F) to deliver you?
Do I lack the strength(G) to rescue you?
By a mere rebuke(H) I dry up the sea,(I)
I turn rivers into a desert;(J)
their fish rot for lack of water
and die of thirst.
3 I clothe the heavens with darkness(K)
and make sackcloth(L) its covering.”
4 The Sovereign Lord(M) has given me a well-instructed tongue,(N)
to know the word that sustains the weary.(O)
He wakens me morning by morning,(P)
wakens my ear to listen like one being instructed.(Q)
5 The Sovereign Lord(R) has opened my ears;(S)
I have not been rebellious,(T)
I have not turned away.
6 I offered my back to those who beat(U) me,
my cheeks to those who pulled out my beard;(V)
I did not hide my face
from mocking and spitting.(W)
7 Because the Sovereign Lord(X) helps(Y) me,
I will not be disgraced.
Therefore have I set my face like flint,(Z)
and I know I will not be put to shame.(AA)
8 He who vindicates(AB) me is near.(AC)
Who then will bring charges against me?(AD)
Let us face each other!(AE)
Who is my accuser?
Let him confront me!
9 It is the Sovereign Lord(AF) who helps(AG) me.
Who will condemn(AH) me?
They will all wear out like a garment;
the moths(AI) will eat them up.
10 Who among you fears(AJ) the Lord
and obeys(AK) the word of his servant?(AL)
Let the one who walks in the dark,
who has no light,(AM)
trust(AN) in the name of the Lord
and rely on their God.
11 But now, all you who light fires
and provide yourselves with flaming torches,(AO)
go, walk in the light of your fires(AP)
and of the torches you have set ablaze.
This is what you shall receive from my hand:(AQ)
You will lie down in torment.(AR)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

