Add parallel Print Page Options

At ngayo'y aking sasaysayin sa inyo ang gagawin ko sa aking ubasan: aking aalisin ang bakod na siit niyaon, at sasalantain; aking ibabagsak ang bakod niyaon at mayayapakan:

At aking pababayaang sira; hindi kakapunin o bubukirin man; kundi magsisitubo ay mga dawag at mga tinik: akin ding iuutos sa mga alapaap, na huwag nilang ulanan.

Sapagka't ang ubasan ng Panginoon ng mga hukbo ay ang sangbahayan ng Israel, at ang mga tao sa Juda ay ang kaniyang maligayang pananim: at siya'y naghihintay ng kahatulan, nguni't narito, kapighatian; ng katuwiran, nguni't narito, daing.

Read full chapter
'Isaias 5:5-7' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ngayo'y aking sasabihin sa inyo
    ang gagawin ko sa aking ubasan.
Aking aalisin ang halamang-bakod niyon,
    at ito ay susunugin,
aking ibabagsak ang pader niyon
    at ito'y magiging lupang yapakan.
Aking pababayaang sira;
    hindi aalisan ng sanga o bubungkalin man;
    magsisitubo ang mga dawag at mga tinik;
akin ding iuutos sa mga ulap,
    na huwag nila itong paulanan ng ulan.

Sapagkat ang ubasan ng Panginoon ng mga hukbo
    ay ang sambahayan ng Israel,
at ang mga tao ng Juda
    ay ang kanyang maligayang pananim;
at siya'y naghintay ng katarungan,
    ngunit narito, pagdanak ng dugo;
ng katuwiran,
    ngunit narito, pagdaing!

Read full chapter

“Sasabihin ko sa inyo ang gagawin ko sa ubasan ko. Aalisin ko ang mga nakapaligid na halaman na nagsisilbing bakod ng ubasan, at wawasakin ko ang pader nito, para kainin at apak-apakan ng mga hayop ang mga tanim na ubas. Pababayaan ko na lang ito at hindi na aasikasuhin. Hindi ko na rin ito puputulan ng mga sanga o bubungkalin. Hahayaan ko na lang ito na mabaon sa mga damo at mga halamang may tinik. At uutusan ko ang mga ulap na huwag itong patakan ng ulan.”

Ang ubasan ng Panginoong Makapangyarihan na kanyang inalagaan at magbibigay sana sa kanya ng kaligayahan ay ang Israel at Juda. Umasa siyang paiiralin nila ang katarungan, pero pumatay sila. Umasa siyang paiiralin nila ang katuwiran pero pang-aapi ang ginawa nila.

Read full chapter