Isaias 5:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Awit tungkol sa Ubasan
5 Aawit ako para sa aking minamahal tungkol sa kanyang ubasan:
    May ubasan ang aking minamahal sa burol na mataba ang lupa.
2 Inararo niya ito, inalisan ng mga bato, at tinamnan ng mga piling ubas.
    Nagtayo siya ng isang bantayang tore sa ubasang ito, at nagpagawa ng pigaan ng ubas sa bato.
    Pagkatapos, naghintay siyang magbunga ito ng matamis,
    pero nagbunga ito ng maasim.
3 Kaya ito ang sinabi ng may-ari ng ubasan: “Kayong mga mamamayan ng Jerusalem at Juda, hatulan nʼyo ako at ang aking ubasan.
Read full chapter
Isaias 5:1-3
Ang Biblia (1978)
Ang talinhaga ng ubasan.
5 Paawitin ninyo ako sa (A)aking pinakamamahal, ng awit ng aking minamahal tungkol (B)sa kaniyang ubasan. Ang aking pinakamamahal ay (C)may ubasan sa isang mainam na burol:
2 At kaniyang binangbangan ang palibot at inalis ang mga bato, at tinamnan ng piling puno ng ubas, at nagtayo ng isang moog sa gitna niyaon, at tinabasan din naman ng isang pisaan ng ubas: (D)at kaniyang hinintay na magbunga ng ubas, at nagbunga ng ubas gubat.
3 At ngayon, Oh mga nananahan sa Jerusalem at mga tao sa Juda, hatulan ninyo, isinasamo ko sa inyo, ako at ang aking ubasan.
Read full chapter
Isaias 5:1-3
Ang Biblia, 2001
Ang Awit tungkol sa Ubasan
5 Paawitin(A) ninyo ako sa aking pinakamamahal,
    ng awit ng aking minamahal tungkol sa kanyang ubasan:
Ang aking pinakamamahal ay may ubasan
    sa matabang burol.
2 Kanyang binungkal iyon at inalisan ng mga bato,
    at tinamnan ng piling puno ng ubas,
nagtayo siya ng isang toreng bantayan sa gitna niyon,
    at humukay doon ng isang pisaan ng ubas;
at kanyang hinintay na magbunga ng ubas,
    ngunit nagbunga ito ng ligaw na ubas.
3 At ngayon, O mga mamamayan ng Jerusalem
    at mga kalalakihan ng Juda,
hatulan ninyo, hinihiling ko sa inyo,
    ako at ang aking ubasan.
Isaias 5:1-3
Ang Dating Biblia (1905)
5 Paawitin ninyo ako sa aking pinakamamahal, ng awit ng aking minamahal tungkol sa kaniyang ubasan. Ang aking pinakamamahal ay may ubasan sa isang mainam na burol:
2 At kaniyang binangbangan ang palibot at inalis ang mga bato, at tinamnan ng piling puno ng ubas, at nagtayo ng isang moog sa gitna niyaon, at tinabasan din naman ng isang pisaan ng ubas: at kaniyang hinintay na magbunga ng ubas, at nagbunga ng ubas gubat.
3 At ngayon, Oh mga nananahan sa Jerusalem at mga tao sa Juda, hatulan ninyo, isinasamo ko sa inyo, ako at ang aking ubasan.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
