Isaias 49:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Muling Itatayo ang Jerusalem
8 Sinabi(A) pa ni Yahweh sa kanyang bayan:
“Sa tamang panahon ay tinugon kita,
sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita.
Iingatan kita at sa pamamagitan mo
gagawa ako ng kasunduan sa mga tao,
ibabalik kita sa sariling lupain
na ngayon ay wasak na.
9 Palalayain ko ang mga nasa bilangguan
at dadalhin sa liwanag ang mga nasa kadiliman.
Sila'y matutulad sa mga tupang
nanginginain sa masaganang pastulan.
10 Hindi(B) sila magugutom o mauuhaw,
hindi rin sila mabibilad sa matinding hangin at nakakapasong init sa disyerto,
sapagkat papatnubayan sila ng Diyos na nagmamahal sa kanila.
Sila'y gagabayan niya patungo sa bukal ng tubig.
Isaias 49:8-10
Ang Biblia (1978)
8 Ganito ang sabi ng Panginoon, (A)Sa kalugodlugod na panahon ay sinagot kita, at sa araw ng pagliligtas ay tinulungan kita: (B)at aking iningatan ka, at ibibigay kita na pinakatipan sa bayan, upang ibangon ang lupain, upang ipamana sa kanila ang mga sirang mana;
9 Na nagsasabi sa kanilang nangabibilanggo, Kayo'y magsilabas; sa kanilang nangasa kadiliman, Pakita kayo. Sila'y magsisikain sa mga daan, at ang lahat na luwal na kaitaasan ay magiging kanilang pastulan.
10 (C)Sila'y hindi mangagugutom, o mangauuhaw man; (D)at hindi man sila mangapapaso ng init, o ng araw man: sapagka't siyang may awa sa kanila ay papatnubay sa kanila, sa makatuwid baga'y sa tabi ng mga (E)bukal ng tubig ay papatnubayan niya sila.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
