Add parallel Print Page Options

Ang Israel ang Tanglaw sa mga Bansa

49 Makinig(A) kayo mga taong naninirahan sa malalayong mga bansa.
Pinili na ako ni Yahweh bago pa isilang, at hinirang niya ako para siya'y paglingkuran.
Mga(B) salita ko'y ginawa niyang singtalim ng espada,
    siya ang sa aki'y laging nag-iingat.
Ginawa niya akong parang matulis na palaso
    na anumang oras ay handang itudla.

Read full chapter
'Isaias 49:1-2' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Mayamang mga pangako sa nalulungkot na Sion.

49 Kayo'y magsipakinig sa akin, Oh (A)mga pulo; at inyong pakinggan, ninyong mga bayan, sa malayo: tinawag ako ng (B)Panginoon mula sa bahay-bata; mula sa bahay-bata ng aking ina ay binanggit niya ang aking pangalan:

At kaniyang ginawa ang (C)aking bibig na parang matalas na tabak; sa lilim ng kaniyang kamay ay ikinubli niya ako: at ginawa niya akong makinang na pana; sa kaniyang lalagyan ng pana ay itinago niya ako:

Read full chapter

Ang Israel ang Tanglaw ng mga Bansa

49 Kayo'y(A) makinig sa akin, O mga pulo;
    at inyong pakinggan, kayong mga bayan sa malayo.
Tinawagan ako ng Panginoon mula sa sinapupunan,
    mula sa katawan ng aking ina ay binanggit niya ang aking pangalan.
Ang(B) aking bibig ay ginawa niyang parang matalas na tabak,
    sa lilim ng kanyang kamay ay ikinubli niya ako;
ginawa niya akong makinang na palaso,
    sa kanyang lalagyan ng pana ay itinago niya ako.

Read full chapter