Add parallel Print Page Options

48 Iyong dinggin ito, Oh sangbahayan ni Jacob, na tinatawag sa pangalan ng Israel, at nagsilabas sa bukal ng Juda; na nagsisumpa sa pangalan ng Panginoon, at nagsibanggit ng Dios ng Israel, nguni't hindi sa katotohanan, o sa katuwiran man.

(Sapagka't sila'y tinatawag ayon sa bayang banal, at nagsitiwala sa Dios ng Israel; ang Panginoon ng mga hukbo ang kaniyang pangalan):

Aking ipinahayag ang mga dating bagay mula nang una; oo, yao'y lumabas sa aking bibig, at aking ipinakilala: biglang ginawa ko, at nangyari.

Sapagka't nakilala ko, na ikaw ay mapagmatigas, at ang iyong leeg ay parang litid na bakal, at ang iyong noo ay parang tanso:

Kaya't aking ipinahayag sa iyo mula nang una; bago nangyari ay ipinakilala ko sa iyo: baka iyong sabihin, Mga ginawa ng aking diosdiosan, at ang aking larawang inanyuan, at ang aking larawang binubo, nagutos sa kanila.

Iyong narinig; tingnan mong lahat ito; at kayo, hindi ba ninyo ipahahayag? Ako'y nagpakita sa iyo ng mga bagong bagay mula sa panahong ito, sa makatuwid baga'y mga kubling bagay na hindi mo naalaman.

Mga nalikha ngayon, at hindi mula nang una; at bago dumating ang araw na ito ay hindi mo nangarinig; baka iyong sabihin, Narito, aking nangaalaman.

Oo, hindi mo narinig; oo, hindi mo naalaman; oo, mula nang una ay hindi nabuksan ang iyong pakinig: sapagka't talastas ko na ikaw ay gumawa na totoong may kataksilan, at tinawag na mananalangsang mula sa bahay-bata.

Dahil sa aking pangalan ay aking iuurong ang aking galit, at dahil sa kapurihan ko ay aking ititigil, upang huwag kitang ihiwalay.

10 Narito dinalisay kita, nguni't hindi parang pilak; pinili kita sa hurno ng kadalamhatian.

11 Dahil din sa akin, dahil din sa akin, aking gagawin yaon; sapagka't, bakit lalapastanganin ang aking pangalan? at ang kaluwalhatian ko ay hindi ko ibinigay sa iba.

12 Inyong dinggin ako, Oh Jacob, at Israel na tinawag ko: Ako nga; ako ang una, ako rin ang huli.

13 Oo, ang aking kamay ay siyang naglagay ng patibayan ng lupa, at ang aking kanan ay siyang nagladlad ng langit: pagka ako'y tumatawag sa kanila, sila'y nagsisitayong magkakasama.

14 Kayo'y magpipisan, kayong lahat, at inyong dinggin; sino sa kanila ang nagpahayag ng mga bagay na ito? Siyang iniibig ng Panginoon ay kaniyang tutuparin ang kaniyang kaligayahan sa Babilonia, at bubuhatin niya ang kaniyang kamay sa mga Caldeo.

15 Ako, ako nga'y nagsalita; oo, aking tinawag siya; aking dinala siya; at kaniyang pagiginhawahin ang kaniyang lakad.

16 Kayo'y magsilapit sa akin, inyong dinggin ito; mula sa pasimula ay hindi ako nagsalita ng lihim; mula nang panahon na nangyari ito, nandoon nga ako: at ngayo'y sinugo ako ng Panginoong Dios, at nang kaniyang Espiritu.

17 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng inyong Manunubos, ng Banal ng Israel, Ako ang Panginoon mong Dios, na nagtuturo sa iyo ng mapapakinabangan, na pumapatnubay sa iyo sa daan na iyong marapat na lakaran.

18 Oh kung dininig mo ang aking mga utos! ang iyo ngang kapayapaan ay naging parang ilog, at ang iyong katuwiran ay parang mga alon sa dagat:

19 Ang iyo namang lahi ay naging parang buhangin at ang suwi ng iyong tiyan ay parang mga butil niyaon: ang kaniyang pangalan ay hindi mahihiwalay o magigiba man sa harap ko.

20 Kayo'y magsilabas sa Babilonia, inyong takasan ang mga Caldeo; kayo'y mangagpahayag na may tinig ng awitan, inyong saysayin ito, itanyag ninyo hanggang sa wakas ng lupa: inyong sabihin, Tinubos ng Panginoon ang Jacob na kaniyang lingkod.

21 At sila'y hindi nangauhaw nang pinapatnubayan niya sila sa mga ilang; kaniyang pinaagos ang tubig mula sa bato para sa kanila; kaniyang ginuwangan din naman ang bato, at ang tubig ay bumukal.

22 Walang kapayapaan sa masama, sabi ng Panginoon.

Stubborn Israel

48 “Listen to this, you descendants of Jacob,
    you who are called by the name of Israel(A)
    and come from the line of Judah,(B)
you who take oaths(C) in the name of the Lord(D)
    and invoke(E) the God of Israel—
    but not in truth(F) or righteousness—
you who call yourselves citizens of the holy city(G)
    and claim to rely(H) on the God of Israel—
    the Lord Almighty is his name:(I)
I foretold the former things(J) long ago,
    my mouth announced(K) them and I made them known;
    then suddenly(L) I acted, and they came to pass.
For I knew how stubborn(M) you were;
    your neck muscles(N) were iron,
    your forehead(O) was bronze.
Therefore I told you these things long ago;
    before they happened I announced(P) them to you
so that you could not say,
    ‘My images brought them about;(Q)
    my wooden image and metal god ordained them.’
You have heard these things; look at them all.
    Will you not admit them?

“From now on I will tell you of new things,(R)
    of hidden things unknown to you.
They are created(S) now, and not long ago;(T)
    you have not heard of them before today.
So you cannot say,
    ‘Yes, I knew(U) of them.’
You have neither heard nor understood;(V)
    from of old your ears(W) have not been open.
Well do I know how treacherous(X) you are;
    you were called a rebel(Y) from birth.
For my own name’s sake(Z) I delay my wrath;(AA)
    for the sake of my praise I hold it back from you,
    so as not to destroy you completely.(AB)
10 See, I have refined(AC) you, though not as silver;
    I have tested(AD) you in the furnace(AE) of affliction.
11 For my own sake,(AF) for my own sake, I do this.
    How can I let myself be defamed?(AG)
    I will not yield my glory to another.(AH)

Israel Freed

12 “Listen(AI) to me, Jacob,
    Israel, whom I have called:(AJ)
I am he;(AK)
    I am the first and I am the last.(AL)
13 My own hand laid the foundations of the earth,(AM)
    and my right hand spread out the heavens;(AN)
when I summon them,
    they all stand up together.(AO)

14 “Come together,(AP) all of you, and listen:
    Which of the idols has foretold(AQ) these things?
The Lord’s chosen ally(AR)
    will carry out his purpose(AS) against Babylon;(AT)
    his arm will be against the Babylonians.[a]
15 I, even I, have spoken;
    yes, I have called(AU) him.
I will bring him,
    and he will succeed(AV) in his mission.

16 “Come near(AW) me and listen(AX) to this:

“From the first announcement I have not spoken in secret;(AY)
    at the time it happens, I am there.”

And now the Sovereign Lord(AZ) has sent(BA) me,
    endowed with his Spirit.(BB)

17 This is what the Lord says—
    your Redeemer,(BC) the Holy One(BD) of Israel:
“I am the Lord your God,
    who teaches(BE) you what is best for you,
    who directs(BF) you in the way(BG) you should go.
18 If only you had paid attention(BH) to my commands,
    your peace(BI) would have been like a river,(BJ)
    your well-being(BK) like the waves of the sea.
19 Your descendants(BL) would have been like the sand,(BM)
    your children like its numberless grains;(BN)
their name would never be blotted out(BO)
    nor destroyed from before me.”

20 Leave Babylon,
    flee(BP) from the Babylonians!
Announce this with shouts of joy(BQ)
    and proclaim it.
Send it out to the ends of the earth;(BR)
    say, “The Lord has redeemed(BS) his servant Jacob.”
21 They did not thirst(BT) when he led them through the deserts;
    he made water flow(BU) for them from the rock;
he split the rock
    and water gushed out.(BV)

22 “There is no peace,”(BW) says the Lord, “for the wicked.”(BX)

Footnotes

  1. Isaiah 48:14 Or Chaldeans; also in verse 20