Isaias 48:20-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
20 Lisanin(A) ninyo ang Babilonia, takasan ninyo ang Caldea!
Buong galak na inyong ihayag sa lahat ng lugar
na iniligtas ni Yahweh ang lingkod niyang si Israel.
21 Nang patnubayan ni Yahweh ang bayang Israel, sa pagtawid sa malawak at mainit na disyerto,
hindi ito nauhaw bahagya man
sapagkat binutas niya ang isang malaking bato, at ang tubig ay bumukal.
22 Ang(B) sabi ni Yahweh, “Walang kapayapaan ang mga makasalanan!”
Isaias 48:20-22
Ang Biblia (1978)
20 Kayo'y magsilabas sa Babilonia, (A)inyong takasan ang mga Caldeo; kayo'y mangagpahayag na may tinig ng awitan, inyong saysayin ito, itanyag ninyo hanggang sa wakas ng lupa: inyong sabihin, (B)Tinubos ng Panginoon ang Jacob na kaniyang lingkod.
21 (C)At sila'y hindi nangauhaw nang pinapatnubayan niya sila sa mga ilang; (D)kaniyang pinaagos ang tubig mula sa bato para sa kanila; kaniyang ginuwangan din naman ang bato, at ang tubig ay bumukal.
22 Walang kapayapaan (E)sa masama, sabi ng Panginoon.
Read full chapter
Isaiah 48:20-22
New International Version
20 Leave Babylon,
flee(A) from the Babylonians!
Announce this with shouts of joy(B)
and proclaim it.
Send it out to the ends of the earth;(C)
say, “The Lord has redeemed(D) his servant Jacob.”
21 They did not thirst(E) when he led them through the deserts;
he made water flow(F) for them from the rock;
he split the rock
and water gushed out.(G)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.