Isaias 47
Ang Biblia, 2001
Hahatulan ang Babilonia
47 Ikaw(A) ay bumaba at umupo sa alabok,
O anak na dalagang birhen ng Babilonia;
maupo ka sa lupa na walang trono,
O anak na babae ng mga Caldeo!
Sapagkat hindi ka na tatawaging
maselan at mahinhin.
2 Ikaw ay kumuha ng gilingang bato, at gumiling ka ng harina;
mag-alis ka ng iyong belo,
maghubad ka ng balabal, ilitaw mo ang iyong binti,
tumawid ka sa mga ilog.
3 Ang iyong kahubaran ay malalantad,
ang iyong kahihiyan ay makikita,
ako'y maghihiganti,
at wala akong ililigtas na tao.
4 Ang aming Manunubos— Panginoon ng mga hukbo ang kanyang pangalan—
ay ang Banal ng Israel.
5 Maupo kang tahimik, at pumasok ka sa kadiliman,
O anak na babae ng mga Caldeo;
sapagkat hindi ka na tatawaging
maybahay ng mga kaharian.
6 Ako'y nagalit sa aking bayan,
ang aking mana ay aking dinungisan;
ibinigay ko sila sa iyong kamay,
hindi mo sila pinagpakitaan ng kaawaan;
sa matatanda ay pinabigat mong lubha ang iyong pasan.
7 At iyong sinabi, “Ako'y magiging maybahay mo magpakailanman,”
na anupa't hindi mo inilagay ang mga bagay na ito sa iyong puso,
o inalaala mo man ang kanilang wakas.
8 Ngayon(B) nga'y pakinggan mo ito, ikaw na namumuhay sa mga kalayawan,
na tumatahang matiwasay,
na nagsasabi sa kanyang puso,
“Ako nga, at walang iba liban sa akin;
hindi ako uupong gaya ng babaing balo
o mararanasan man ang pagkawala ng mga anak”:
9 Ngunit ang dalawang bagay na ito ay darating sa iyo
sa isang sandali, sa isang araw;
ang pagkawala ng mga anak at pagkabalo
ay buong-buong darating sa iyo,
sa kabila ng iyong maraming pangkukulam,
at sa malaking kapangyarihan ng iyong panggagayuma.
10 Sapagkat ikaw ay nagtiwala sa iyong kasamaan,
iyong sinabi, “Walang nakakakita sa akin”;
ang iyong karunungan at ang iyong kaalaman
ang nagligaw sa iyo,
at iyong sinabi sa iyong puso,
“Ako nga, at walang iba liban sa akin.”
11 Ngunit ang kasamaan ay darating sa iyo,
na hindi mo malalaman ang pinagmulan;
at ang kapahamakan ay darating sa iyo;
na hindi mo maaalis;
at ang pagkawasak ay biglang darating sa iyo,
na hindi mo nalalaman.
12 Tumayo ka ngayon sa iyong panggagayuma,
at sa marami mong pangkukulam,
na iyong ginawa mula sa iyong kabataan;
marahil ay makikinabang ka,
marahil ay mananaig ka.
13 Ikaw ay pagod na sa dinami-dami ng iyong mga payo;
patayuin sila at iligtas ka,
sila na nanghuhula sa pamamagitan ng langit,
na nagmamasid sa mga bituin,
na nanghuhula sa pamamagitan ng buwan,
kung anong mangyayari sa iyo.
14 Narito, sila'y gaya ng pinagputulan ng trigo,
sinusunog sila ng apoy;
hindi nila maililigtas ang kanilang kaluluwa
mula sa kapangyarihan ng liyab.
Walang baga na pagpapainitan sa kanila,
o apoy na sa harapan nito'y makakaupo ang sinuman.
15 Ganito ang mangyayari sa kanila na kasama mong gumawa,
silang nangalakal na kasama mo mula sa iyong kabataan,
bawat isa ay nagpalabuy-laboy sa kanyang sariling lakad;
walang sinumang sa iyo ay magliligtas.
Isaias 47
Ang Dating Biblia (1905)
47 Ikaw ay bumaba, at umupo sa alabok, Oh anak na dalaga ng Babilonia; lumagmak ka sa lupa na walang luklukan, Oh anak na babae ng mga Caldeo: sapagka't hindi ka na tatawaging maselang at mahinhin.
2 Ikaw ay kumuha ng gilingang mga bato, at gumiling ka ng harina; magalis ka ng iyong lambong, maghubad ka ng balabal, maglitaw ka ng binti, tumawid ka sa mga ilog.
3 Ang iyong kahubaran ay malilitaw, oo, ang iyong kahihiyan ay makikita, ako'y manghihiganti, at hindi tatangi ng tao.
4 Ang aming Manunubos, ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang pangalan niya, ang Banal ng Israel.
5 Maupo kang tahimik, at masok ka sa kadiliman, Oh anak na babae ng mga Caldeo: sapagka't hindi ka na tatawagin. Ang mahal na babae ng mga kaharian.
6 Ako'y napoot sa aking bayan, aking dinumhan ang aking mana, at ibinigay ko sa iyong kamay: hindi mo pinagpakitaan sila ng kaawaan; sa may katandaan ay pinabigat mong mainam ang iyong atang.
7 At iyong sinabi, Ako'y magiging mahal na babae magpakailan man: na anopa't hindi mo ginunita ang mga bagay na ito sa iyong kalooban, o inalaala mo man ang huling wakas nito.
8 Ngayon nga'y dinggin mo ito, ikaw na hinati sa mga kalayawan, na tumatahang matiwasay, na nagsasabi sa kaniyang puso, Ako nga, at walang iba liban sa akin; hindi ako uupong gaya ng babaing bao, o mararanasan man ang pagkawala ng mga anak:
9 Nguni't ang dalawang bagay na ito ay darating sa iyo sa isang sangdali, sa isang araw, ang pagkawala ng mga anak at pagkabao; sa kanilang karamihan ay darating sa iyo, sa karamihan ng iyong panggagaway, at sa totoong kasaganaan ng iyong mga enkanto.
10 Sapagka't ikaw ay tumiwala sa iyong kasamaan; iyong sinabi, Walang nakakakita sa akin; ang iyong karunungan at ang iyong kaalaman, nagpaligaw sa iyo: at iyong sinabi sa iyong puso, Ako nga, at walang iba liban sa akin.
11 Kaya't ang kasamaan ay darating sa iyo; hindi mo malalaman ang bukang liwayway niyaon: at kasakunaan ay sasapit sa iyo; hindi mo maaalis: at kagibaan ay darating sa iyong bigla, na hindi mo nalalaman.
12 Tumayo ka ngayon sa iyong mga enkanto, at sa karamihan ng iyong panggagaway, na iyong ginawa mula sa iyong kabataan: marahil makikinabang ka, marahil mananaig ka.
13 Ikaw ay yamot sa karamihan ng iyong mga payo: magsitayo ngayon ang nanganghuhula sa pamamagitan ng langit, at ng mga bituin, ang mga mangingilala ng tungkol sa buwan, at siyang magligtas sa iyo sa mga bagay na mangyayari sa iyo.
14 Narito, sila'y magiging gaya ng pinagputulan ng trigo; susunugin sila ng apoy; sila'y hindi makaliligtas sa bangis ng liyab: hindi babaga na mapagpapainitan, o magiging apoy na mauupuan sa harap.
15 Ganito mangyayari ang mga bagay sa iyo, na iyong ginawa: silang nangalakal sa iyo mula sa iyong kabinataan ay lalaboy bawa't isa ng kaniyang sariling lakad; walang magliligtas sa iyo.
Isaias 47
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Pagbagsak ng Babilonia
47 Sinabi ng Panginoon, “Babilonia, mauupo ka sa lupa. Mauupo ka ng walang trono. Ikaw na parang birheng pihikan at mahinhin noon pero hindi na ngayon. 2 Isa ka nang alipin ngayon, kaya kumuha ka ng batong gilingan at maggiling ka na ng trigo. Alisin mo na ang belo mo, at itaas ang damit mo para makita ang iyong hita habang tumatawid ka sa ilog. 3 Lalabas ang iyong kahubaran at mapapahiya ka. Maghihiganti ako sa iyo at hindi kita kaaawaan.” 4 Ang ating Tagapagligtas, na ang pangalan ay Panginoong Makapangyarihan ay ang Banal na Dios ng Israel.
5 Sinabi ng Panginoon, “Babilonia, maupo ka nang tahimik doon sa dilim. Hindi ka na tatawaging reyna ng mga kaharian. 6 Nagalit ako sa aking mga mamamayan at itinakwil ko sila. Kaya ibinigay ko sila sa iyong mga kamay, at hindi mo sila kinaawaan. Pati ang matatanda ay iyong pinagmalupitan. 7 Sinasabi mong ang iyong pagiging reyna ay walang katapusan. Pero hindi mo inisip ang iyong mga ginawa at kung ano ang maidudulot nito sa iyo sa huli. 8 Kaya pakinggan mo ito, ikaw na mahilig sa kalayawan at nag-aakalang ligtas. Sinasabi mo pa sa iyong sarili na ikaw ang Dios at wala nang iba pa. Inaakala mo ring hindi ka mababalo o mawawalan ng mga anak.[a] 9 Pero bigla itong mangyayari sa iyo: Mababalo ka at mawawalan ng mga anak. Talagang mangyayari ito sa iyo kahit na marami ka pang alam na mahika o panggagaway. 10 Naniniwala kang hindi ka mapapahamak sa paggawa mo ng kasamaan, dahil inaakala mong walang nakakakita sa iyo. Inililigaw ka ng iyong karunungan at kaalaman, at iyon din ang dahilan kung bakit sinasabi mong ikaw ang Dios at wala nang iba pa. 11 Kung kaya, darating sa iyo ang kapahamakan at hindi mo malalaman kung papaano mo iyon mailalayo sa pamamagitan ng iyong mahika. Darating din sa iyo ang salot na hindi mo mababayaran para tumigil. Biglang darating sa iyo ang pagkawasak na hindi mo akalaing mangyayari. 12 Sige ipagpatuloy mo ang iyong mga mahika at mga pangkukulam na iyong ginagawa mula noong bata ka pa. Baka sakaling magtagumpay ka, o baka sakaling matakot sa iyo ang mga kaaway mo. 13 Pagod ka na sa marami mong mga pakana. Magpatulong ka sa iyong mga tao na nag-aaral tungkol sa mga bituin at nanghuhula bawat buwan tungkol sa mga mangyayari sa iyo. 14 Ang totoo, para silang mga dayaming madaling nasusunog. Ni hindi nga nila maililigtas ang kanilang sarili sa apoy. At ang apoy na itoʼy hindi tulad ng pangkaraniwang init kundi talagang napakainit. 15 Ano ngayon ang magagawa ng mga taong hinihingan mo ng payo mula nang bata ka pa? Ang bawat isa sa kanilaʼy naligaw ng landas at hindi makakapagligtas sa iyo.
Footnotes
- 47:8 Inaakala … anak: Maaaring ang ibig sabihin ay inaakala niyang hindi siya mawawalan ng tagapagtanggol o tagatulong.
Isaiah 47
New International Version
The Fall of Babylon
47 “Go down, sit in the dust,(A)
Virgin Daughter(B) Babylon;
sit on the ground without a throne,
queen city of the Babylonians.[a](C)
No more will you be called
tender or delicate.(D)
2 Take millstones(E) and grind(F) flour;
take off your veil.(G)
Lift up your skirts,(H) bare your legs,
and wade through the streams.
3 Your nakedness(I) will be exposed
and your shame(J) uncovered.
I will take vengeance;(K)
I will spare no one.(L)”
5 “Sit in silence,(Q) go into darkness,(R)
queen city of the Babylonians;(S)
no more will you be called
queen(T) of kingdoms.(U)
6 I was angry(V) with my people
and desecrated my inheritance;(W)
I gave them into your hand,(X)
and you showed them no mercy.(Y)
Even on the aged
you laid a very heavy yoke.
7 You said, ‘I am forever(Z)—
the eternal queen!’(AA)
But you did not consider these things
or reflect(AB) on what might happen.(AC)
8 “Now then, listen, you lover of pleasure,
lounging in your security(AD)
and saying to yourself,
‘I am, and there is none besides me.(AE)
I will never be a widow(AF)
or suffer the loss of children.’
9 Both of these will overtake you
in a moment,(AG) on a single day:
loss of children(AH) and widowhood.(AI)
They will come upon you in full measure,
in spite of your many sorceries(AJ)
and all your potent spells.(AK)
10 You have trusted(AL) in your wickedness
and have said, ‘No one sees me.’(AM)
Your wisdom(AN) and knowledge mislead(AO) you
when you say to yourself,
‘I am, and there is none besides me.’
11 Disaster(AP) will come upon you,
and you will not know how to conjure it away.
A calamity will fall upon you
that you cannot ward off with a ransom;
a catastrophe you cannot foresee
will suddenly(AQ) come upon you.
12 “Keep on, then, with your magic spells
and with your many sorceries,(AR)
which you have labored at since childhood.
Perhaps you will succeed,
perhaps you will cause terror.
13 All the counsel you have received has only worn you out!(AS)
Let your astrologers(AT) come forward,
those stargazers who make predictions month by month,
let them save(AU) you from what is coming upon you.
14 Surely they are like stubble;(AV)
the fire(AW) will burn them up.
They cannot even save themselves
from the power of the flame.(AX)
These are not coals for warmth;
this is not a fire to sit by.
15 That is all they are to you—
these you have dealt with
and labored(AY) with since childhood.
All of them go on in their error;
there is not one that can save(AZ) you.
Footnotes
- Isaiah 47:1 Or Chaldeans; also in verse 5
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

