Add parallel Print Page Options

Hahatulan ang Babilonia

47 Ikaw(A) ay bumaba at umupo sa alabok,
    O anak na dalagang birhen ng Babilonia;
maupo ka sa lupa na walang trono,
    O anak na babae ng mga Caldeo!
Sapagkat hindi ka na tatawaging
    maselan at mahinhin.
Ikaw ay kumuha ng gilingang bato, at gumiling ka ng harina;
    mag-alis ka ng iyong belo,
maghubad ka ng balabal, ilitaw mo ang iyong binti,
    tumawid ka sa mga ilog.
Ang iyong kahubaran ay malalantad,
    ang iyong kahihiyan ay makikita,
ako'y maghihiganti,
    at wala akong ililigtas na tao.
Ang aming Manunubos— Panginoon ng mga hukbo ang kanyang pangalan—
    ay ang Banal ng Israel.

Maupo kang tahimik, at pumasok ka sa kadiliman,
    O anak na babae ng mga Caldeo;
sapagkat hindi ka na tatawaging
    maybahay ng mga kaharian.
Ako'y nagalit sa aking bayan,
    ang aking mana ay aking dinungisan;
ibinigay ko sila sa iyong kamay,
    hindi mo sila pinagpakitaan ng kaawaan;
sa matatanda ay pinabigat mong lubha ang iyong pasan.
At iyong sinabi, “Ako'y magiging maybahay mo magpakailanman,”
    na anupa't hindi mo inilagay ang mga bagay na ito sa iyong puso,
    o inalaala mo man ang kanilang wakas.

Ngayon(B) nga'y pakinggan mo ito, ikaw na namumuhay sa mga kalayawan,
    na tumatahang matiwasay,
na nagsasabi sa kanyang puso,
    “Ako nga, at walang iba liban sa akin;
hindi ako uupong gaya ng babaing balo
    o mararanasan man ang pagkawala ng mga anak”:
Ngunit ang dalawang bagay na ito ay darating sa iyo
    sa isang sandali, sa isang araw;
ang pagkawala ng mga anak at pagkabalo
    ay buong-buong darating sa iyo,
sa kabila ng iyong maraming pangkukulam,
    at sa malaking kapangyarihan ng iyong panggagayuma.

10 Sapagkat ikaw ay nagtiwala sa iyong kasamaan,
    iyong sinabi, “Walang nakakakita sa akin”;
ang iyong karunungan at ang iyong kaalaman
    ang nagligaw sa iyo,
at iyong sinabi sa iyong puso,
    “Ako nga, at walang iba liban sa akin.”
11 Ngunit ang kasamaan ay darating sa iyo,
    na hindi mo malalaman ang pinagmulan;
at ang kapahamakan ay darating sa iyo;
    na hindi mo maaalis;
at ang pagkawasak ay biglang darating sa iyo,
    na hindi mo nalalaman.

12 Tumayo ka ngayon sa iyong panggagayuma,
    at sa marami mong pangkukulam,
    na iyong ginawa mula sa iyong kabataan;
marahil ay makikinabang ka,
    marahil ay mananaig ka.
13 Ikaw ay pagod na sa dinami-dami ng iyong mga payo;
patayuin sila at iligtas ka,
    sila na nanghuhula sa pamamagitan ng langit,
    na nagmamasid sa mga bituin,
na nanghuhula sa pamamagitan ng buwan,
    kung anong mangyayari sa iyo.

14 Narito, sila'y gaya ng pinagputulan ng trigo,
    sinusunog sila ng apoy;
hindi nila maililigtas ang kanilang kaluluwa
    mula sa kapangyarihan ng liyab.
Walang baga na pagpapainitan sa kanila,
    o apoy na sa harapan nito'y makakaupo ang sinuman.
15 Ganito ang mangyayari sa kanila na kasama mong gumawa,
    silang nangalakal na kasama mo mula sa iyong kabataan,
bawat isa ay nagpalabuy-laboy sa kanyang sariling lakad;
    walang sinumang sa iyo ay magliligtas.

'Isaias 47 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang Pagbagsak ng Babilonia

47 Sinabi ng Panginoon, “Babilonia, mauupo ka sa lupa. Mauupo ka ng walang trono. Ikaw na parang birheng pihikan at mahinhin noon pero hindi na ngayon. Isa ka nang alipin ngayon, kaya kumuha ka ng batong gilingan at maggiling ka na ng trigo. Alisin mo na ang belo mo, at itaas ang damit mo para makita ang iyong hita habang tumatawid ka sa ilog. Lalabas ang iyong kahubaran at mapapahiya ka. Maghihiganti ako sa iyo at hindi kita kaaawaan.” Ang ating Tagapagligtas, na ang pangalan ay Panginoong Makapangyarihan ay ang Banal na Dios ng Israel.

Sinabi ng Panginoon, “Babilonia, maupo ka nang tahimik doon sa dilim. Hindi ka na tatawaging reyna ng mga kaharian. Nagalit ako sa aking mga mamamayan at itinakwil ko sila. Kaya ibinigay ko sila sa iyong mga kamay, at hindi mo sila kinaawaan. Pati ang matatanda ay iyong pinagmalupitan. Sinasabi mong ang iyong pagiging reyna ay walang katapusan. Pero hindi mo inisip ang iyong mga ginawa at kung ano ang maidudulot nito sa iyo sa huli. Kaya pakinggan mo ito, ikaw na mahilig sa kalayawan at nag-aakalang ligtas. Sinasabi mo pa sa iyong sarili na ikaw ang Dios at wala nang iba pa. Inaakala mo ring hindi ka mababalo o mawawalan ng mga anak.[a] Pero bigla itong mangyayari sa iyo: Mababalo ka at mawawalan ng mga anak. Talagang mangyayari ito sa iyo kahit na marami ka pang alam na mahika o panggagaway. 10 Naniniwala kang hindi ka mapapahamak sa paggawa mo ng kasamaan, dahil inaakala mong walang nakakakita sa iyo. Inililigaw ka ng iyong karunungan at kaalaman, at iyon din ang dahilan kung bakit sinasabi mong ikaw ang Dios at wala nang iba pa. 11 Kung kaya, darating sa iyo ang kapahamakan at hindi mo malalaman kung papaano mo iyon mailalayo sa pamamagitan ng iyong mahika. Darating din sa iyo ang salot na hindi mo mababayaran para tumigil. Biglang darating sa iyo ang pagkawasak na hindi mo akalaing mangyayari. 12 Sige ipagpatuloy mo ang iyong mga mahika at mga pangkukulam na iyong ginagawa mula noong bata ka pa. Baka sakaling magtagumpay ka, o baka sakaling matakot sa iyo ang mga kaaway mo. 13 Pagod ka na sa marami mong mga pakana. Magpatulong ka sa iyong mga tao na nag-aaral tungkol sa mga bituin at nanghuhula bawat buwan tungkol sa mga mangyayari sa iyo. 14 Ang totoo, para silang mga dayaming madaling nasusunog. Ni hindi nga nila maililigtas ang kanilang sarili sa apoy. At ang apoy na itoʼy hindi tulad ng pangkaraniwang init kundi talagang napakainit. 15 Ano ngayon ang magagawa ng mga taong hinihingan mo ng payo mula nang bata ka pa? Ang bawat isa sa kanilaʼy naligaw ng landas at hindi makakapagligtas sa iyo.

Footnotes

  1. 47:8 Inaakala … anak: Maaaring ang ibig sabihin ay inaakala niyang hindi siya mawawalan ng tagapagtanggol o tagatulong.