Isaias 45:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Ako ang maghahanda ng iyong dadaanan, at papatagin ko ang mga bundok. Gigibain ko ang mga pintuang tanso at ang mga tarangkahang bakal nito. 3 Ibibigay ko sa iyo ang mga nakatagong kayamanan, para malaman mong ako ang Panginoon, ang Dios ng Israel na tumawag sa iyo. 4 Tinawag kita para tulungan mo ang Israel na aking lingkod at pinili. Pinarangalan kita kahit na hindi mo pa ako nakikilala.
Read full chapter
Isaias 45:2-4
Ang Biblia (1978)
2 Ako'y magpapauna sa iyo, (A)at, papatagin ko ang mga bakobakong dako: (B)aking pagwawaraywarayin ang mga pintuang tanso, at aking puputulin ang mga halang na bakal:
3 At ibibigay ko sa iyo ang mga (C)kayamanang nasa kadiliman, at ang mga natatagong kayamanan sa mga lihim na dako, upang inyong maalaman na ako ang Panginoon (D)na tumatawag sa iyo sa inyong pangalan, sa makatuwid baga'y ang (E)Dios ng Israel.
4 Dahil sa Jacob na (F)aking lingkod, at sa Israel na aking pinili tinawag kita sa iyong pangalan: aking (G)pinamagatan ka, bagaman hindi mo nakilala ako.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
