Add parallel Print Page Options

Ang pangako ng Panginoon sa kaniyang lingkod.

42 (A)Narito, ang (B)aking lingkod, na aking inaalalayan; (C)ang aking hinirang, (D)na kinalulugdan ng aking kaluluwa; (E)isinakaniya ko ang aking Espiritu; siya'y maglalapat ng kahatulan sa mga bansa.

Siya'y hindi hihiyaw, o maglalakas man ng tinig, o iparirinig man ang kaniyang tinig sa lansangan.

Ang gapok na tambo ay hindi niya babaliin, ni ang timsim na umuusok ay hindi niya papatayin: siya'y maglalapat ng kahatulan sa katotohanan.

Siya'y hindi manglulupaypay o maduduwag man, hanggang sa maitatag niya ang kahatulan sa lupa; (F)at ang mga pulo ay maghihintay sa kaniyang kautusan.

Ganito ang sabi ng Dios na Panginoon, na lumikha ng langit, at nagladlad ng mga yaon; siyang naglatag ng lupa at ng nagsisilitaw rito; siyang nagbibigay ng hinga sa bayang nito, at ng diwa sa kanila na nagsisilakad dito:

Ako, ang Panginoon, ay tumawag sa iyo sa katuwiran, at hahawak ng iyong kamay, at magiingat sa iyo, at ibibigay (G)kita na pinakatipan sa bayan, (H)na pinakaliwanag sa mga bansa;

(I)Upang magdilat ng mga bulag na mata, (J)upang maglabas ng mga bilanggo sa bilangguan, at (K)nilang nangauupo sa kadiliman mula sa bilangguan.

Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay (L)sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.

Narito, ang mga dating bagay ay nangyayari na, at ang mga bagong bagay ay ipinahahayag ko: bago mangalitaw ay sinasaysay ko sa inyo.

10 Magsiawit kayo sa Panginoon (M)ng bagong awit, at ng kapurihan niya na mula sa wakas ng lupa; (N)kayong nagsisibaba sa dagat, at ang buong nariyan, (O)ang mga pulo, at mga nananahan doon,

11 (P)Mangaglakas ng kanilang tinig ang ilang at ang mga bayan niyaon, ang mga nayon na tinatahanan ng (Q)Cedar: magsiawit ang mga nananahan sa Selah, magsihiyaw sila mula sa mga taluktok ng mga bundok.

12 Mangagbigay luwalhati sila sa Panginoon, at mangagpahayag ng kaniyang kapurihan sa mga pulo.

13 Ang Panginoon ay lalabas na parang makapangyarihang lalake; siya'y pupukaw ng paninibugho na parang lalaking mangdidigma: siya'y hihiyaw, oo, siya'y hihiyaw ng malakas; siya'y gagawang makapangyarihan laban sa kaniyang mga kaaway.

Ang Israel ay hindi kinalugdan dahil sa katigasan ng ulo.

14 Ako'y tumahimik ng malaon; ako'y hindi kumibo, at nagpigil ako: ngayo'y hihiyaw akong parang nagdaramdam na babae; ako'y manggigiba at mananakmal na paminsan.

15 Aking gagawing giba ang mga bundok at mga burol, at tutuyuin ko ang lahat nilang mga pananim; at gagawin kong mga pulo ang mga ilog, at aking tutuyuin ang mga lawa.

16 At aking dadalhin ang bulag sa daan na hindi nila nalalaman; sa mga landas na hindi nila nalalaman ay papatnubayan ko sila; aking gagawing kadiliman ang liwanag sa harap nila, at mga likong daan ang matuwid. Ang mga bagay na ito ay aking gagawin, at hindi ko kalilimutan sila.

17 Sila'y mangapapaurong, (R)sila'y mangapapahiyang mainam, na nagsisitiwala sa mga larawang inanyuan, na nangagsasabi sa mga larawang binubo, Kayo'y aming mga dios.

18 Makinig kayong mga bingi; at tumingin kayong mga bulag, upang kayo'y mangakakita.

19 Sino ang bulag (S)kundi ang aking lingkod? o ang bingi, na gaya ng aking sugo na aking sinusugo? sino ang bulag na gaya niya na nasa kapayapaan sa akin, at bulag na gaya ng (T)lingkod ng Panginoon?

20 Ikaw ay nakakakita ng maraming bagay, (U)nguni't hindi mo binubulay; (V)ang kaniyang mga tainga ay bukas, nguni't hindi niya dininig.

21 Kinalulugdan ng Panginoon dahil sa kaniyang katuwiran, na dakilain ang kautusan, at gawing marangal.

22 Nguni't ito ay isang bayang nanakaw at nasamsam; silang lahat ay nangasilo sa mga hukay, at sila'y nangakubli sa mga bilangguan: sila'y pinaka huli at walang magligtas; pinaka samsam, at walang magsabi, Iyong papanumbalikin.

23 Sino sa gitna ninyo ang makikinig nito? na makikinig at didinig para sa panahong darating?

24 Sino ang nagbigay ng Jacob na pinaka samsam, at ng Israel sa mga magnanakaw? di baga ang Panginoon? na laban sa kaniya ay nangagkasala tayo, at sa mga daan niya ay hindi sila nagsilakad, o naging masunurin man sila sa kaniyang kautusan.

25 (W)Kaya't ibinugso niya sa kaniya ang pusok ng kaniyang galit, at ang lakas ng pakikipagbaka; (X)at sinulsulan siya ng apoy sa palibot, (Y)gayon ma'y hindi niya naalaman; at sinunog siya, gayon ma'y hindi siya naglagak ng kalooban.

The Servant of the Lord

42 “Behold! (A)My Servant whom I uphold,
My [a]Elect One in whom My soul (B)delights!
(C)I have put My Spirit upon Him;
He will bring forth justice to the Gentiles.
He will not cry out, nor raise His voice,
Nor cause His voice to be heard in the street.
A bruised reed He will not break,
And [b]smoking flax He will not [c]quench;
He will bring forth justice for truth.
He will not fail nor be discouraged,
Till He has established justice in the earth;
(D)And the coastlands shall wait for His law.”

Thus says God the Lord,
(E)Who created the heavens and stretched them out,
Who spread forth the earth and that which comes from it,
(F)Who gives breath to the people on it,
And spirit to those who walk on it:
“I,(G) the Lord, have called You in righteousness,
And will hold Your hand;
I will keep You (H)and give You as a covenant to the people,
As (I)a light to the Gentiles,
(J)To open blind eyes,
To (K)bring out prisoners from the prison,
Those who sit in (L)darkness from the prison house.
I am the Lord, that is My name;
And My (M)glory I will not give to another,
Nor My praise to carved images.
Behold, the former things have come to pass,
And new things I declare;
Before they spring forth I tell you of them.”

Praise to the Lord

10 (N)Sing to the Lord a new song,
And His praise from the ends of the earth,
(O)You who go down to the sea, and [d]all that is in it,
You coastlands and you inhabitants of them!
11 Let the wilderness and its cities lift up their voice,
The villages that Kedar inhabits.
Let the inhabitants of Sela sing,
Let them shout from the top of the mountains.
12 Let them give glory to the Lord,
And declare His praise in the coastlands.
13 The Lord shall go forth like a mighty man;
He shall stir up His zeal like a man of war.
He shall cry out, (P)yes, shout aloud;
He shall prevail against His enemies.

Promise of the Lord’s Help

14 “I have held My peace a long time,
I have been still and restrained Myself.
Now I will cry like a woman in [e]labor,
I will pant and gasp at once.
15 I will lay waste the mountains and hills,
And dry up all their vegetation;
I will make the rivers coastlands,
And I will dry up the pools.
16 I will bring the blind by a way they did not know;
I will lead them in paths they have not known.
I will make darkness light before them,
And crooked places straight.
These things I will do for them,
And not forsake them.
17 They shall be (Q)turned back,
They shall be greatly ashamed,
Who trust in carved images,
Who say to the molded images,
‘You are our gods.’

18 “Hear, you deaf;
And look, you blind, that you may see.
19 (R)Who is blind but My servant,
Or deaf as My messenger whom I send?
Who is blind as he who is perfect,
And blind as the Lord’s servant?
20 Seeing many things, (S)but you do not observe;
Opening the ears, but he does not hear.”

Israel’s Obstinate Disobedience

21 The Lord is well pleased for His righteousness’ sake;
He will exalt the law and make it honorable.
22 But this is a people robbed and plundered;
All of them are [f]snared in holes,
And they are hidden in prison houses;
They are for prey, and no one delivers;
For plunder, and no one says, “Restore!”

23 Who among you will give ear to this?
Who will listen and hear for the time to come?
24 Who gave Jacob for plunder, and Israel to the robbers?
Was it not the Lord,
He against whom we have sinned?
(T)For they would not walk in His ways,
Nor were they obedient to His law.
25 Therefore He has poured on him the fury of His anger
And the strength of battle;
(U)It has set him on fire all around,
(V)Yet he did not know;
And it burned him,
Yet he did not take it to (W)heart.

Footnotes

  1. Isaiah 42:1 Chosen
  2. Isaiah 42:3 dimly burning
  3. Isaiah 42:3 extinguish
  4. Isaiah 42:10 Lit. its fullness
  5. Isaiah 42:14 childbirth
  6. Isaiah 42:22 Or trapped in caves