Isaias 40:30-31
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
30 Kahit na ang mga kabataan ay napapagod
at nanlulupaypay.
31 Ngunit muling lumalakas
at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh.
Lilipad silang tulad ng mga agila.
Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod,
sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.
Isaias 40:30-31
Ang Biblia (1978)
30 Pati ng mga kabinataan ay manlalata at mapapagod, at ang mga binata ay lubos na mangabubuwal:
31 Nguni't silang nangaghihintay sa Panginoon ay (A)mangagbabagong lakas; sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila'y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila'y magsisilakad, at hindi manganghihina.
Read full chapter
Isaias 40:30-31
Ang Biblia, 2001
30 Maging ang mga kabataan ay manghihina at mapapagod,
at ang mga binata ay lubos na mabubuwal;
31 ngunit silang naghihintay sa Panginoon ay magpapanibagong lakas,
sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga agila,
sila'y tatakbo at hindi mapapagod,
sila'y lalakad, at hindi manghihina.
Isaías 40:30-31
Nueva Biblia Viva
30 Hasta los jóvenes quedan sin aliento y los muchachos se dan por vencidos. 31 Pero los que esperan en el Señor renovarán sus fuerzas: emprenderán vuelo como si tuvieran alas de águilas, correrán y no se cansarán, caminarán y no desfallecerán.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Nueva Biblia Viva, © 2006, 2008 por Biblica, Inc.® Usado con permiso de Biblica, Inc.® Reservados todos los derechos en todo el mundo.