Isaias 40:10-12
Ang Biblia, 2001
10 Narito,(A) ang Panginoong Diyos ay darating na may kapangyarihan,
at ang kanyang kamay ay mamumuno para sa kanya;
narito, ang kanyang gantimpala ay dala niya,
at ang kanyang ganti ay nasa harapan niya.
11 Kanyang(B) pakakainin ang kanyang kawan na gaya ng pastol,
kanyang titipunin ang mga kordero sa kanyang bisig,
at dadalhin sila sa kanyang kandungan,
at maingat na papatnubayan iyong may mga anak.
12 Sino ang tumakal ng tubig sa palad ng kanyang kamay,
at sumukat sa langit ng sa pamamagitan ng dangkal,
at nagsilid ng alabok ng lupa sa isang takal,
at tumimbang ng mga bundok sa mga timbangan,
at ng mga burol sa timbangan?
Isaias 40:10-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
10 Dumarating ang Panginoong Dios na makapangyarihan at maghahari siya na may kapangyarihan. Dumarating siyang dala ang gantimpala para sa kanyang mga mamamayan. 11 Aalagaan niya ang kanyang mga mamamayan gaya ng pastol na nag-aalaga ng kanyang mga tupa. Kinakarga niya ang maliliit na tupa at maingat niyang pinapatnubayan ang mga inahing tupa.
12 Sino ang makakatakal ng tubig sa dagat sa pamamagitan ng kanyang mga palad, o makakasukat ng langit sa pamamagitan ng pagdangkal nito? Sinong makakapaglagay ng lahat ng lupa sa isang lalagyan, o makakapagtimbang ng mga bundok at mga burol?
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®