Add parallel Print Page Options

Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob:
    “Huwag kang matakot, lakasan mo ang iyong loob!
    Darating na ang Diyos,
    at ililigtas ka sa mga kaaway.”

Ang(A) mga bulag ay makakakita,
    at makakarinig ang mga bingi.
Ang mga pilay ay lulundag na parang usa,
    aawit sa galak ang mga pipi.
Mula sa kaparangan ay aagos ang tubig,
    at dadaloy sa disyerto ang mga batis.

Read full chapter
'Isaias 35:4-6' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Inyong sabihin sa kanila na matatakuting puso, Kayo'y mangagpakatapang, huwag kayong mangatakot: narito, ang inyong Dios ay pariritong may panghihiganti, may kagantihan ng Dios; siya'y paririto at ililigtas kayo.

Kung magkagayo'y madidilat ang mga mata (A)ng bulag, at (B)ang mga pakinig ng bingi ay mabubuksan.

Kung magkagayo'y lulukso ang (C)pilay na parang usa, at (D)ang dila ng pipi ay aawit: sapagka't sa ilang ay bubukal (E)ang tubig, at magkakailog sa ilang.

Read full chapter

Inyong sabihin sa kanila na may matatakuting puso,
    “Kayo'y magpakatapang, huwag kayong matakot!
Narito, tingnan mo, ang inyong Diyos
    ay darating na may paghihiganti,
na may ganti ng Diyos.
    Siya'y darating at ililigtas kayo.”

Kung(A) magkagayo'y mamumulat ang mga mata ng bulag,
    at ang mga tainga ng bingi ay mabubuksan;
kung magkagayo'y lulukso ang pilay na parang usa,
    at ang dila ng pipi ay aawit sa kagalakan.
Sapagkat sa ilang ay bubukal ang tubig,
    at batis sa disyerto.

Read full chapter