Isaias 35:1-3
Magandang Balita Biblia
Ang Landas ng Kabanalan
35 Muling sasaya ang ulilang lupain na matagal nang tigang;
mamumulaklak ang mga halaman sa disyerto.
2 Ang disyerto ay aawit sa tuwa,
ito'y muling gaganda tulad ng mga Bundok ng Lebanon
at mamumunga nang sagana tulad ng Carmel at Sharon.
Mamamasdan ng lahat ang kaluwalhatian
at kapangyarihan ni Yahweh.
3 Inyong(A) palakasin ang mahinang kamay,
at patatagin ang mga tuhod na lupaypay.
Isaias 35:1-3
Ang Biblia (1978)
Ang hinaharap ng Sion.
35 Ang ilang (A)at ang tuyong lupa ay sasaya; at ang ilang ay magagalak, at mamumulaklak na gaya ng rosa.
2 Mamumulaklak ng sagana, (B)at magagalak ng kagalakan at awitan; ang kaluwalhatian ng Libano ay mapaparoon, ang karilagan ng Carmel at ng Saron: kanilang makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon, ang karilagan ng ating Dios.
3 Inyong palakasin (C)ang mga mahinang kamay, at patatagin ang mga mahinang tuhod.
Read full chapter
Isaias 35:1-3
Ang Biblia, 2001
Ang Landas ng Kabanalan
35 Ang ilang at ang tuyong lupa ay magagalak,
at ang disyerto ay magagalak at mamumulaklak;
gaya ng rosas,
2 ito ay mamumulaklak nang sagana,
at magsasaya na may kagalakan at awitan.
Ang kaluwalhatian ng Lebanon ay ibibigay rito,
ang karilagan ng Carmel at ng Sharon.
Kanilang makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon,
ang karilagan ng ating Diyos.
3 Inyong(A) palakasin ang mahihinang kamay,
at patatagin ang mahihinang tuhod.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
