Isaias 34
Magandang Balita Biblia
Hahatulan ng Diyos ang mga Bansa
34 Lumapit kayo mga bansa, makinig kayo buong bayan!
Halikayo at pakinggan ang aking sasabihin,
kayong lahat na nasa ibabaw ng lupa.
2 Sapagkat si Yahweh ay napopoot sa lahat ng bansa,
matindi ang kanyang galit sa kanilang mga hukbo;
sila'y hinatulan na at itinakdang lipulin.
3 Ang kanilang mga bangkay ay ikakalat;
ito'y mabubulok at aalingasaw sa baho,
at ang mga bundok ay babaha sa dugo.
4 Ang(A) araw, buwan at mga bituin ay malalaglag at madudurog
at ang kalangita'y irorolyong
parang balumbon.
Ang mga bituin ay malalaglag
na parang mga tuyong dahon ng igos na nalalagas.
Ang Pagkawasak ng Edom
5 Si(B) Yahweh ay naghanda ng espada sa kalangitan
upang gamitin laban sa Edom,
sa bayang hinatulan niyang parusahan.
6 Ang espada ni Yahweh ay puno ng dugo at taba;
iyon ay dugo ng mga tupa at kambing,
at taba ng lalaking tupa.
Sapagkat siya'y maghahandog sa Bozra,
marami siyang pupuksain sa Edom.
7 Sila'y mabubuwal na parang maiilap na toro at barakong kalabaw,
matitigmak ng dugo
at mapupuno ng taba ang buong lupain.
8 Sapagkat si Yahweh ay may nakatakdang araw ng paghihiganti,
isang taon ng paghihiganti alang-alang sa Zion.
9 Ang mga batis ng Edom ay magiging alkitran,
at magiging asupre ang kanyang lupa,
ang buong bansa ay masusunog na parang aspalto.
10 Araw-gabi'y(C) hindi ito mamamatay,
at patuloy na papailanlang ang usok;
habang panaho'y hindi ito mapapakinabangan,
at wala nang daraan doon kahit kailan.
11 Ang mananahan dito'y mga kuwago at mga uwak.
Ang lupaing ito'y lubusang wawasakin ni Yahweh,
at iiwang nakatiwangwang magpakailanman.
12 Doo'y wala nang maghahari
at mawawala na rin ang mga pinuno.
13 Tutubuan ng damo ang mga palasyo
at ang mga napapaderang bayan,
ito ay titirhan ng mga asong-gubat
at pamumugaran ng mga ostrits.
14 Ang maiilap na hayop ay sasama sa mga asong-gubat,
tatawagin ng mga tikbalang ang kapwa nila maligno;
doon bababâ ang babaing halimaw upang magpahinga.
15 Ang mga kuwago, doon magpupugad,
mangingitlog, mamimisâ at magpapalaki ng kanilang inakay.
Doon din maninirahan ang mga grupo ng buwitre.
16 Sa aklat ni Yahweh ay hanapin ninyo at basahin:
“Isa man sa kanila'y hindi mawawala,
bawat isa'y mayroong kapareha.”
Sapagkat ito'y utos ni Yahweh,
at siya mismo ang kukupkop sa kanila.
17 Siya na rin ang nagtakda ng kanilang titirhan,
at nagbigay ng kani-kanilang lugar;
doon na sila titira magpakailanman.
Isaias 34
Ang Biblia (1978)
Ang galit ng Panginoon sa mga bansa.
34 Kayo'y magsilapit, kayong mga bansa, upang mangakinig; (A)at dinggin ninyo, ninyong mga bayan: (B)dinggin ng lupa at ng buong narito; ng sanglibutan, at ng lahat na bagay na nagsisilitaw rito.
2 Sapagka't ang Panginoon ay may galit laban sa lahat na bansa, at pusok ng loob laban sa lahat nilang hukbo: kaniyang lubos na nilipol sila, kaniyang ibinigay sila sa patayan.
3 Ang kanilang patay naman ay matatapon, at ang baho (C)ng kanilang mga bangkay ay aalingasaw, at ang mga bundok ay tutunawin ng kanilang dugo.
4 (D)At ang lahat na natatanaw sa langit ay malilipol, at ang langit ay (E)mababalumbong parang isang ikid: (F)at ang buo nilang hukbo ay mawawala na parang dahong nalalanta sa puno ng ubas, at gaya ng lantang dahon ng puno ng igos.
5 Sapagka't ang aking tabak (G)ay nalango sa langit: narito, yao'y (H)bababa sa Edom, at sa bayan ng aking sumpa, sa kahatulan.
6 Ang tabak ng Panginoon ay napuno ng dugo, tumaba ng katabaan, sa dugo ng mga kordero at ng mga kambing, sa taba ng mga bato ng mga lalaking tupa: (I)sapagka't may hain sa Panginoon sa Bosra, at may malaking patayan sa lupain ng Edom.
7 At ang mga mailap na baka ay magsisibabang kasama nila at ang mga baka na kasama ng mga toro, at ang kanilang lupain ay malalango ng dugo, at ang kanilang alabok ay tataba ng katabaan.
8 Sapagka't kaarawan (J)ng panghihiganti ng Panginoon, na taon ng kagantihan sa pagaaway sa Sion.
9 At ang mga batis niya (K)ay magiging sahing, at ang alabok niya ay azufre, at ang lupain niya ay magiging nagniningas na sahing.
10 Hindi mapapatay sa gabi o sa araw man; ang usok niyaon ay iilanglang (L)magpakailan man: sa buong panahon ay malalagay na sira; walang daraan doon magpakailankailan man.
11 Kundi aariin ng ibong pelikano (M)at ng hayop na erizo; at ang kuwago at ang uwak ay magsisitahan doon: at (N)kaniyang iuunat doon ang panukat na pising panglito, at ang pabatong pangpawala ng tao.
12 Kanilang tatawagin ang mga mahal na tao niyaon sa kaharian, nguni't mawawalan doon; at lahat niyang mga pangulo ay magiging parang wala.
13 At mga tinikan ay (O)tutubo sa kaniyang mga palacio, mga kilitis at mga lipay ay sa mga kuta niyaon: at magiging tahanan ng mga chakal, (P)looban ng mga avestruz.
14 At ang mga mailap na hayop sa ilang ay makikipagsalubong doon sa mga lobo, at ang lalaking kambing ay hihiyaw sa kaniyang kasama; oo, ang malaking kuwago ay tatahan doon, at makakasumpong siya ng dakong pahingahan.
15 Doon maglulungga ang maliksing ahas, at mangingitlog, at mangapipisa, at aampunin sa ilalim ng kaniyang lilim; oo, doon magpipisan ang mga lawin, bawa't isa'y kasama ng kaniyang kasamahan.
16 Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay (Q)hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka't iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu.
17 At kaniyang pinagsapalaran, at binahagi ng kaniyang kamay sa kanila sa pamamagitan ng pising panukat: kanilang aariin magpakailan man, sa sali't saling lahi ay tatahan sila roon.
Isaiah 34
New International Version
Judgment Against the Nations
34 Come near, you nations, and listen;(A)
pay attention, you peoples!(B)
Let the earth(C) hear, and all that is in it,
the world, and all that comes out of it!(D)
2 The Lord is angry with all nations;
his wrath(E) is on all their armies.
He will totally destroy[a](F) them,
he will give them over to slaughter.(G)
3 Their slain(H) will be thrown out,
their dead bodies(I) will stink;(J)
the mountains will be soaked with their blood.(K)
4 All the stars in the sky will be dissolved(L)
and the heavens rolled up(M) like a scroll;
all the starry host will fall(N)
like withered(O) leaves from the vine,
like shriveled figs from the fig tree.
5 My sword(P) has drunk its fill in the heavens;
see, it descends in judgment on Edom,(Q)
the people I have totally destroyed.(R)
6 The sword(S) of the Lord is bathed in blood,
it is covered with fat—
the blood of lambs and goats,
fat from the kidneys of rams.
For the Lord has a sacrifice(T) in Bozrah(U)
and a great slaughter(V) in the land of Edom.
7 And the wild oxen(W) will fall with them,
the bull calves and the great bulls.(X)
Their land will be drenched with blood,(Y)
and the dust will be soaked with fat.
8 For the Lord has a day(Z) of vengeance,(AA)
a year of retribution,(AB) to uphold Zion’s cause.
9 Edom’s streams will be turned into pitch,
her dust into burning sulfur;(AC)
her land will become blazing pitch!
10 It will not be quenched(AD) night or day;
its smoke will rise forever.(AE)
From generation to generation(AF) it will lie desolate;(AG)
no one will ever pass through it again.
11 The desert owl[b](AH) and screech owl[c] will possess it;
the great owl[d] and the raven(AI) will nest there.
God will stretch out over Edom(AJ)
the measuring line of chaos(AK)
and the plumb line(AL) of desolation.
12 Her nobles will have nothing there to be called a kingdom,
all her princes(AM) will vanish(AN) away.
13 Thorns(AO) will overrun her citadels,
nettles and brambles her strongholds.(AP)
She will become a haunt for jackals,(AQ)
a home for owls.(AR)
14 Desert creatures(AS) will meet with hyenas,(AT)
and wild goats will bleat to each other;
there the night creatures(AU) will also lie down
and find for themselves places of rest.
15 The owl will nest there and lay eggs,
she will hatch them, and care for her young
under the shadow of her wings;(AV)
there also the falcons(AW) will gather,
each with its mate.
16 Look in the scroll(AX) of the Lord and read:
None of these will be missing,(AY)
not one will lack her mate.
For it is his mouth(AZ) that has given the order,(BA)
and his Spirit will gather them together.
17 He allots their portions;(BB)
his hand distributes them by measure.
They will possess it forever
and dwell there from generation to generation.(BC)
Footnotes
- Isaiah 34:2 The Hebrew term refers to the irrevocable giving over of things or persons to the Lord, often by totally destroying them; also in verse 5.
- Isaiah 34:11 The precise identification of these birds is uncertain.
- Isaiah 34:11 The precise identification of these birds is uncertain.
- Isaiah 34:11 The precise identification of these birds is uncertain.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

