Isaias 34:16-17
Ang Biblia (1978)
16 Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay (A)hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka't iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu.
17 At kaniyang pinagsapalaran, at binahagi ng kaniyang kamay sa kanila sa pamamagitan ng pising panukat: kanilang aariin magpakailan man, sa sali't saling lahi ay tatahan sila roon.
Read full chapter
Isaias 34:16-17
Ang Biblia, 2001
16 Inyong saliksikin at basahin ang aklat ng Panginoon:
Kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang;
walang mangangailangan ng kanyang kasama.
Sapagkat iniutos ng bibig ng Panginoon,
at tinipon sila ng kanyang Espiritu.
17 At siya'y nagpalabunutan para sa kanila,
at ito'y binahagi ng kanyang kamay sa kanila sa pamamagitan ng pising panukat;
ito'y kanilang aariin magpakailanman,
mula sa mga sali't salinlahi ay maninirahan sila roon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.