Isaias 33:2-4
Magandang Balita Biblia
2 Kahabagan mo kami, O Yahweh, kami'y naghihintay sa iyo;
ingatan mo kami araw-araw
at iligtas sa panahon ng kaguluhan.
3 Kapag ikaw ay nasa panig namin, tumatakas ang mga kaaway
dahil sa ingay ng labanan.
4 Ang ari-arian nila'y nalilimas,
parang pananim na dinaanan ng balang.
Isaias 33:2-4
Ang Biblia (1978)
2 Oh Panginoon, magmahabagin ka sa amin; aming hinintay (A)ka: ikaw ay maging kanilang bisig tuwing umaga; aming kaligtasan naman sa panahon ng kabagabagan.
3 Sa ingay ng kagulo ay nagsisitakas ang mga bayan; sa pagbangon mo ay nagsisipangalat (B)ang mga bansa.
4 At ang iyong samsam ay pipisanin na gaya ng pagpisan ng uod: kung paanong ang mga balang ay nagsisilukso ay gayon luluksuhan ng mga tao.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
