Isaias 32
Ang Dating Biblia (1905)
32 Narito, isang hari ay maghahari sa katuwiran, at mga pangulo ay magpupuno sa kahatulan.
2 At isang lalake ay magiging gaya ng isang kublihang dako sa hangin, at kanlungan sa bagyo, gaya ng mga ilog ng tubig sa tuyong dako, gaya ng lilim ng malaking bato sa kinapapagurang lupain.
3 At ang mga mata nila na nangakakakita ay hindi manganlalabo, at ang mga tainga nila na nangakikinig ay mangakikinig.
4 Ang puso naman ng walang bahala ay makakaunawa ng kaalaman, at ang dila ng mga utal ay mangahahanda upang mangagsalita ng malinaw.
5 Ang taong mangmang ay hindi na tatawagin pang dakila o ang magdaraya man ay sasabihing magandang-loob.
6 Sapagka't ang taong mangmang ay magsasalita ng kasamaan, at ang kaniyang puso ay gagawa ng kasalanan, upang magsanay ng paglapastangan, at magsalita ng kamalian laban sa Panginoon, upang alisan ng makakain ang taong gutom, at upang papagkulangin ang inumin ng uhaw.
7 Ang mga kasangkapan din naman ng magdaraya ay masama: siya'y kumakatha ng mga masamang katha upang ibuwal ang mga maamo sa pamamagitan ng mga sinungaling na salita, pagka nga ang mapagkailangan ay nagsasalita ng matuwid.
8 Nguni't ang mapagbiyaya ay kumakatha ng mga bagay na pagbibiyaya; at sa mga bagay na pagbibiyaya ay mananatili siya.
9 Kayo'y magsibangon, kayong mga babaing tiwasay, at dinggin ninyo ang tinig ko; ninyong mga walang bahalang anak na babae, pakinggan ninyo ang aking pananalita.
10 Sapagka't sa mga araw na sa dako pa roon ng isang taon ay mangababagabag kayo, kayong mga walang bahalang babae: sapagka't ang ani ng ubas ay magkukulang, ang pagaani ay hindi darating.
11 Kayo'y magsipanginig, kayong mga babaing tiwasay; kayo'y mangabagabag, kayong mga walang bahala; kayo'y magsipaghubo, at kayo'y magsipaghubad, at mangagbigkis kayo ng kayong magaspang sa inyong mga balakang.
12 Sila'y magsisidagok sa mga dibdib dahil sa mga maligayang parang, dahil sa mabungang puno ng ubas.
13 Sa lupain ng aking bayan ay tutubo ang mga tinik at mga dawag; oo, sa lahat na bahay na kagalakan sa masayang bayan:
14 Sapagka't ang bahay-hari ay mapapabayaan; ang mataong bayan ay magiging ilang; ang burol at ang bantayang moog ay magiging mga pinaka yungib magpakailan man, kagalakan ng mga mailap na asno, pastulan ng mga kawan;
15 Hanggang sa mabuhos sa atin ang Espiritu na mula sa itaas, at ang ilang ay maging mabungang bukid, at ang mabungang bukid ay mabilang na pinakagubat.
16 Kung magkagayo'y tatahan ang kahatulan sa ilang, at ang katuwiran ay titira sa mabungang bukid.
17 At ang gawain ng katuwiran ay magiging kapayapaan; at ang bunga ng katuwiran ay katahimikan at pagkakatiwala kailan man.
18 At ang bayan ko ay tatahan sa payapang tahanan, at sa mga tiwasay na tahanan, at sa mga tahimik na dako na pahingahan.
19 Nguni't lalagpak ang granizo, sa ikasisira ng gubat; at ang bayan ay lubos na mawawasak.
20 Mapapalad kayo na nangaghahasik sa siping ng lahat na tubig, na nangagpapalakad ng mga paa ng baka at ng asno.
Isaias 32
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Matuwid na Hari
32 May isang hari na maghahari nang matuwid, at ang kanyang mga opisyal ay mamamahala nang may katarungan. 2 Ang bawat isa sa kanilaʼy magiging kanlungan sa malakas na hangin at bagyo. Ang katulad nilaʼy ilog na dumadaloy sa disyerto, at lilim ng malaking bato sa mainit at tuyong lupain. 3 Maghahanap at makikinig ang mga tao sa Dios. 4 Ang taong pabigla-bigla ay mag-iisip nang mabuti para malaman niya ang kanyang gagawin. Ang taong hindi alam kung ano ang sasabihin ay makakapagsalita nang mabuti at malinaw. 5 Ang mga hangal ay hindi na dadakilain, at ang mga mandaraya ay hindi na igagalang. 6 Sapagkat kahangalan ang sinasabi ng hangal, at ang masama niyang isipan ay nagbabalak na gumawa ng mga kasamaan. Nilalapastangan niya ang Dios, at pinagkakaitan ang mga nagugutom at nauuhaw. 7 Masama ang pamamaraan ng mandaraya. Ipinapahamak niya ang mga dukha sa pamamagitan ng kanyang kasinungalingan, kahit na sa panahon ng paghingi ng mga ito ng katarungan. 8 Pero ang taong marangal ay may hangarin na palaging gumawa ng mabuti, at itoʼy kanyang tinutupad.
9-10 Kayong mga babaeng patambay-tambay lang at walang pakialam, pakinggan ninyo ang sasabihin ko sa inyo! Bago matapos ang taon, mababagabag kayo dahil hindi na mamumunga ang mga ubas at wala na kayong mapipitas. 11 Matagal na kayong nakatambay at walang pakialam. Ngayon manginig na kayo sa takot. Hubarin ninyo ang inyong mga damit at magbigkis ng sako sa inyong baywang. 12 Dagukan ninyo ang inyong dibdib sa kalungkutan dahil sa mangyayari sa inyong masaganang bukirin at mabungang ubasan. 13 Ang lupain ng aking mga mamamayan ay tutubuan ng mga damo at matitinik na halaman, at mawawala ang masasayang tahanan at lungsod. 14 Ang mataong lungsod at ang matibay na bahagi nito ay hindi na titirhan. Ang burol at ang bantayang tore nito ay magiging parang ilang magpakailanman. Itoʼy magiging tirahan ng mga maiilap na asno at pastulan ng mga tupa. 15 Mangyayari ito hanggang sa ipadala sa atin ang Espiritu mula sa langit. Kung magkagayon, ang ilang ay magiging matabang lupain at ang matabang lupain ay magiging kagubatan. 16 Lalaganap ang katarungan at katuwiran sa ilang at matabang lupain. 17 At ang bunga ng katuwiran ay ang mabuting kalagayan, kapayapaan, at kapanatagan magpakailanman. 18 Kayong mga mamamayan ng Dios ay titira sa mapayapang tahanan at ligtas sa kapahamakan. At wala nang gagambala sa inyo. 19 Kahit masisira ang kagubatan at ang mga lungsod dahil umuulan ng yelo na parang bato, 20 pagpapalain kayo ng Dios. Magiging masagana ang tubig para sa mga pananim, at ang inyong mga hayop ay malayang manginginain kahit saan.
Isaiah 32
New International Version
The Kingdom of Righteousness
32 See, a king(A) will reign in righteousness
and rulers will rule with justice.(B)
2 Each one will be like a shelter(C) from the wind
and a refuge from the storm,(D)
like streams of water(E) in the desert(F)
and the shadow of a great rock in a thirsty land.
3 Then the eyes of those who see will no longer be closed,(G)
and the ears(H) of those who hear will listen.
4 The fearful heart will know and understand,(I)
and the stammering tongue(J) will be fluent and clear.
5 No longer will the fool(K) be called noble
nor the scoundrel be highly respected.
6 For fools speak folly,(L)
their hearts are bent on evil:(M)
They practice ungodliness(N)
and spread error(O) concerning the Lord;
the hungry they leave empty(P)
and from the thirsty they withhold water.
7 Scoundrels use wicked methods,(Q)
they make up evil schemes(R)
to destroy the poor with lies,
even when the plea of the needy(S) is just.(T)
8 But the noble make noble plans,
and by noble deeds(U) they stand.(V)
The Women of Jerusalem
9 You women(W) who are so complacent,
rise up and listen(X) to me;
you daughters who feel secure,(Y)
hear what I have to say!
10 In little more than a year(Z)
you who feel secure will tremble;
the grape harvest will fail,(AA)
and the harvest of fruit will not come.
11 Tremble,(AB) you complacent women;
shudder, you daughters who feel secure!(AC)
Strip off your fine clothes(AD)
and wrap yourselves in rags.(AE)
12 Beat your breasts(AF) for the pleasant fields,
for the fruitful vines(AG)
13 and for the land of my people,
a land overgrown with thorns and briers(AH)—
yes, mourn(AI) for all houses of merriment
and for this city of revelry.(AJ)
14 The fortress(AK) will be abandoned,
the noisy city deserted;(AL)
citadel and watchtower(AM) will become a wasteland forever,
the delight of donkeys,(AN) a pasture for flocks,(AO)
15 till the Spirit(AP) is poured on us from on high,
and the desert becomes a fertile field,(AQ)
and the fertile field seems like a forest.(AR)
16 The Lord’s justice(AS) will dwell in the desert,(AT)
his righteousness(AU) live in the fertile field.
17 The fruit of that righteousness(AV) will be peace;(AW)
its effect will be quietness and confidence(AX) forever.
18 My people will live in peaceful(AY) dwelling places,
in secure homes,(AZ)
in undisturbed places of rest.(BA)
19 Though hail(BB) flattens the forest(BC)
and the city is leveled(BD) completely,
20 how blessed you will be,
sowing(BE) your seed by every stream,(BF)
and letting your cattle and donkeys range free.(BG)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

