Isaias 30:32-33
Magandang Balita Biblia
32 Ang bawat hampas ng parusang igagawad sa kanila ni Yahweh ay may kasaliw pang tunog ng mga tamburin at lira. 33 Matagal nang nakahanda ang lugar na pagsusunugan sa hari, isang maluwang at malalim na lugar. Hindi mamamatay ang apoy dito at hindi rin mauubos ang panggatong. Ang hininga ni Yahweh na parang nag-aalab na asupre ang patuloy na magpapalagablab sa sunugang iyon.
Read full chapter
Isaias 30:32-33
Ang Biblia, 2001
32 At bawat hampas ng tungkod ng kaparusahan na ibabagsak ng Panginoon sa kanila ay sa saliw ng tunog ng pandereta at lira. Nakikipaglaban sa pamamagitan ng bisig na iwinawasiwas, siya ay makikipaglaban sa kanila.
33 Sapagkat ang Tofet[a] na sunugan ay matagal nang handa. Oo, para sa hari ay inihanda ito; ang gatungan ay pinalalim at pinaluwang na may maraming apoy at mga kahoy. Ang hininga ng Panginoon na gaya ng sapa ng asupre, ay nagpapaningas niyon.
Read full chapterFootnotes
- Isaias 30:33 Isang lugar na sunugan ng handog kay Molec.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
