Add parallel Print Page Options

Ang kawalang kabuluhan ng pagtitiwala sa Egipto.

30 Sa aba ng mga mapanghimagsik na mga anak, sabi ng Panginoon, (A)na nagsisisangguni, nguni't hindi sa akin; (B)at nangagaalay ng alay, nguni't hindi sa aking Espiritu, (C)upang makapagdagdag ng kasalanan sa kasalanan;

Ang nagsisilakad (D)na nagsisilusong sa Egipto, at (E)hindi nangagtanong sa aking bibig; upang mangagpakalakas sa lakas ni Faraon, at magsitiwala sa lilim ng Egipto!

Kaya't ang lakas ni Faraon (F)ay magiging inyong kahihiyan, at ang pagtiwala sa lilim ng Egipto ay inyong pagkalito.

Read full chapter

Bigong Pagtitiwala sa Ehipto

30 “Kahabag-habag ang mga mapaghimagsik na mga anak,” sabi ng Panginoon,
“na nagsasagawa ng panukala, ngunit hindi mula sa akin;
na nakikipagkasundo, ngunit hindi sa aking Espiritu,
    upang sila'y makapagdagdag ng kasalanan sa kasalanan;
na pumupunta na lumulusong sa Ehipto,
    na hindi humihingi ng payo,
upang manganlong sa pag-iingat ng Faraon,
    at manirahan sa lilim ng Ehipto!
Kaya't ang pag-iingat ng Faraon ay magiging inyong kahihiyan,
    at ang tirahan sa lilim ng Ehipto ay inyong pagkapahiya.

Read full chapter
'Isaias 30:1-3' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.