Print Page Options
'Isaias 26 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

26 Sa araw na yaon ay aawitin ang awit na ito sa lupain ng Juda: Tayo ay may matibay na bayan; kaligtasan ay kaniyang ilalagay na pinakakuta at pinakakatibayan.

Buksan ninyo ang mga pintuang-bayan, upang mapasukan ng matuwid na bansa na nagiingat ng katotohanan.

Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka't siya'y tumitiwala sa iyo.

Magsitiwala kayo sa Panginoon magpakailan man: sapagka't nasa Panginoong Jehova ang walang hanggang bato.

Sapagka't ibinaba niya sila na nagsisitahan sa itaas, na mapagmataas na bayan: kaniyang ibinaba, ibinaba hanggang sa lupa: kaniyang ibinagsak hanggang sa alabok.

Yayapakan ng paa, sa makatuwid baga'y ng mga paa ng dukha, at ng mga hakbang ng mapagkailangan.

Ang daan ng ganap ay katuwiran: ikaw na matuwid ay nagtuturo ng landas ng ganap.

Oo, sa daan ng iyong mga kahatulan, Oh Panginoon, nangaghintay kami sa iyo: sa iyong pangalan at sa alaala sa iyo ang nasa ng aming kaluluwa.

Ninasa kita ng aking kaluluwa sa gabi; oo, ng diwa ko sa loob ko ay hahanapin kita na masikap: sapagka't pagka nasa lupa ang iyong mga kahatulan ay nangatututo ng katuwiran ang mga nananahan sa sanglibutan.

10 Magpakita man ng awa sa masama, hindi rin siya matututo ng katuwiran; sa lupain ng katuwiran ay gagawa siyang may kamalian, at hindi niya mapapansin ang kamahalan ng Panginoon.

11 Panginoon, ang iyong kamay ay nakataas, gayon ma'y hindi nila nakikita: nguni't makikita nila ang iyong sikap sa bayan, at mangapapahiya; oo, sasakmalin ng apoy ang iyong mga kaaway.

12 Panginoon, ikaw ay magaayos ng kapayapaan sa amin: sapagka't ikaw rin ang gumawa ng lahat naming gawa na para sa amin.

13 Oh Panginoon naming Dios, ang ibang mga panginoon, bukod sa iyo ay nagtaglay ng pagkapanginoon sa amin; nguni't ikaw lamang ang babanggitin namin sa pangalan.

14 Sila'y patay, sila'y hindi mabubuhay; sila'y namatay, sila'y hindi babangon: kaya't iyong dinalaw at sinira sila, at pinawi mo ang lahat na alaala sa kanila.

15 Iyong pinarami ang bansa, Oh Panginoon, iyong pinarami ang bansa; ikaw ay nagpakaluwalhati: iyong pinalaki ang lahat na hangganan ng lupain.

16 Panginoon, sa kabagabagan ay dinalaw ka nila, sila'y nangagbugso ng dalangin, nang pinarurusahan mo sila.

17 Gaya ng babae na nagdadalang-tao na lumalapit ang panahon ng kaniyang panganganak, ay nasa hirap at humihiyaw sa kaniyang pagdaramdam; naging gayon kami sa harap mo, Oh Panginoon.

18 Kami ay nangagdalang-tao, kami ay nalagay sa pagdaramdam, kami ay tila nanganak ng hangin; kami ay hindi nagsigawa ng anomang kagalingan sa lupa; o nabuwal man ang mga nananahan sa sanglibutan.

19 Ang iyong mga patay ay mangabubuhay; ang aking patay na katawan ay babangon. Magsigising at magsiawit, kayong nagsisitahan sa alabok: sapagka't ang iyong hamog ay gaya ng hamog ng mga damo, at iluluwa ng lupa ang mga patay.

20 Ikaw ay parito, bayan ko, pumasok ka sa iyong mga silid, at isara mo ang iyong mga pintuan sa palibot mo: magkubli kang sangdali, hanggang sa ang galit ay makalampas;

21 Sapagka't, narito, ang Panginoon ay lumalabas mula sa kaniyang dako upang parusahan ang mga nananahan sa lupa dahil sa kanilang kasamaan: ililitaw naman ng lupa ang kaniyang dugo, at hindi na tatakpan ang kaniyang nangapatay.

Awit ng Pagtitiwala sa Panginoon

26 Sa araw na iyon ay aawitin ang awit na ito sa lupain ng Juda,
“Tayo ay may matibay na lunsod;
    kanyang inilalagay ang kaligtasan
    bilang mga pader at tanggulan.
Buksan ninyo ang mga pintuan,
    upang makapasok ang matuwid na bansa na nag-iingat ng katotohanan.
Iyong iingatan siya sa ganap na kapayapaan,
    na ang pag-iisip ay nananatili sa iyo, sapagkat siya'y nagtitiwala sa iyo.
Magtiwala kayo sa Panginoon magpakailanman,
    sapagkat ang Panginoong Diyos
    ay isang batong walang hanggan.
Sapagkat ibinaba niya
    ang mga naninirahan sa kaitaasan,
    ang mapagmataas na lunsod.
Kanyang ibinaba, ibinaba hanggang sa lupa;
    ibinagsak ito hanggang sa alabok.
Niyayapakan ito ng paa,
    ng mga paa ng dukha,
    ng mga hakbang ng nangangailangan.”

Ang daan ng matuwid ay patag,
    iyong pinakinis ang landas ng matuwid.
Sa daan ng iyong mga hatol,
    O Panginoon, naghihintay kami sa iyo;
ang pangalan ng iyong alaala
    ay siyang nasa ng aming kaluluwa.
Kinasasabikan ka sa gabi ng kaluluwa ko,
    ang espiritu sa loob ko ay masikap na naghahanap sa iyo.
Sapagkat kapag nasa lupa ang mga hatol mo,
    ang mga naninirahan sa sanlibutan sa katuwiran ay natututo.
10 Kapag nagpapakita ng lingap sa masama,
    hindi siya matututo ng katuwiran;
sa lupain ng katuwiran ay nakikitungo siya na may kasamaan,
    at hindi nakikita ang sa Panginoon na kamahalan.
11 Panginoon,(A) ang iyong kamay ay nakataas,
    gayunma'y hindi nila nakikita.
Ipakita mo ang iyong sigasig para sa bayan, at sila'y mapapahiya;
    lamunin nawa sila ng apoy na para sa iyong mga kaaway.
12 Panginoon, ikaw ay magtatalaga ng kapayapaan para sa amin,
    ikaw ang gumawa para sa amin ng lahat naming mga gawa.
13 O Panginoon naming Diyos,
    ang ibang mga panginoon, bukod sa iyo ay namuno sa amin;
    ngunit ang pangalan mo lamang ang kinikilala namin.
14 Sila'y patay, sila'y hindi mabubuhay;
    sila'y mga lilim, sila'y hindi babangon.
Kaya't iyong dinalaw at winasak sila,
    at pinawi mo ang lahat ng alaala nila.
15 Ngunit iyong pinarami ang bansa, O Panginoon,
    iyong pinarami ang bansa; ikaw ay niluwalhati;
    iyong pinalaki ang lahat ng hangganan ng lupain.

16 Panginoon, sa kabalisahan ay dinalaw ka nila,
    sila'y sumambit ng dalangin,
    noong pinarurusahan mo sila.
17 Gaya ng babae na nagdadalang-tao
    na namimilipit at dumaraing sa kanyang panganganak,
    kapag siya'y malapit na sa kanyang panahon,
naging gayon kami dahilan sa iyo, O Panginoon.
18     Kami ay nagdalang-tao, kami ay namilipit,
    kami ay tila nanganak ng hangin.
Kami ay hindi nagkamit ng tagumpay sa lupa;
    at ang mga naninirahan sa sanlibutan ay hindi nabuwal.
19 Ang iyong mga patay ay mabubuhay; ang kanilang mga katawan ay babangon.
    Magsigising at magsiawit sa kagalakan, kayong naninirahan sa alabok!
Sapagkat ang iyong hamog ay hamog na makinang,
    at sa lupain ng mga lilim ay hahayaan mong bumagsak ito.

20 Ikaw ay pumarito, bayan ko, pumasok ka sa iyong mga silid,
    at isara mo ang iyong mga pintuan sa likuran mo.
Magkubli kang sandali,
    hanggang sa ang galit ay makalampas.
21 Sapagkat ang Panginoon ay lumalabas mula sa kanyang dako
    upang parusahan ang mga naninirahan sa lupa dahil sa kanilang kasamaan.
Ililitaw naman ng lupa ang dugo na nabuhos doon
    at hindi na tatakpan ang kanyang napatay.

Awit ng pagtitiwala sa pagiingat ng Panginoon.

26 Sa araw na (A)yaon ay aawitin ang awit na ito sa lupain ng Juda: Tayo ay may matibay na bayan; (B)kaligtasan ay kaniyang ilalagay na pinakakuta at pinakakatibayan.

Buksan ninyo ang mga pintuang-bayan, (C)upang mapasukan ng matuwid na bansa na nagiingat ng katotohanan.

Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka't siya'y tumitiwala sa iyo.

Magsitiwala kayo sa Panginoon (D)magpakailan man: sapagka't nasa Panginoong Jehova ang walang hanggang bato.

Sapagka't ibinaba niya sila na nagsisitahan sa itaas, na mapagmataas na bayan: (E)kaniyang ibinaba, ibinaba hanggang sa lupa: kaniyang ibinagsak hanggang sa alabok.

Yayapakan ng paa, sa makatuwid baga'y ng mga paa ng dukha, at ng mga hakbang ng mapagkailangan.

Ang daan ng ganap ay katuwiran: (F)ikaw na matuwid ay nagtuturo ng landas ng ganap.

Oo, (G)sa daan ng iyong mga kahatulan, Oh Panginoon, nangaghintay kami sa iyo: (H)sa iyong pangalan at sa alaala sa iyo ang nasa ng aming kaluluwa.

Ninasa (I)kita ng aking kaluluwa sa gabi; oo, ng diwa ko sa loob ko ay hahanapin kita na masikap: sapagka't pagka nasa lupa ang iyong mga kahatulan ay nangatututo ng katuwiran ang mga nananahan sa sanglibutan.

10 Magpakita man ng awa sa masama, (J)hindi rin siya matututo ng katuwiran; (K)sa lupain ng katuwiran ay gagawa siyang may kamalian, at hindi niya mapapansin ang kamahalan ng Panginoon.

11 Panginoon, ang iyong kamay ay nakataas, gayon ma'y hindi nila nakikita: nguni't makikita nila ang iyong sikap sa bayan, at mangapapahiya; oo, sasakmalin ng apoy ang iyong mga kaaway.

12 Panginoon, ikaw ay magaayos ng kapayapaan sa amin: sapagka't ikaw rin ang (L)gumawa ng lahat naming gawa na para sa amin.

13 Oh Panginoon naming Dios, (M)ang ibang mga panginoon, bukod sa iyo ay nagtaglay ng pagkapanginoon sa amin; nguni't (N)ikaw lamang ang babanggitin namin sa pangalan.

14 Sila'y patay, sila'y hindi mabubuhay; sila'y namatay, sila'y hindi babangon: kaya't iyong dinalaw at sinira sila, (O)at pinawi mo ang lahat na alaala sa kanila.

15 (P)Iyong pinarami ang bansa, Oh Panginoon, iyong pinarami ang bansa; ikaw ay nagpakaluwalhati: iyong pinalaki ang lahat na hangganan ng lupain.

16 Panginoon, (Q)sa kabagabagan ay dinalaw ka nila, sila'y nangagbugso ng dalangin, nang pinarurusahan mo sila.

17 Gaya (R)ng babae na nagdadalang-tao na lumalapit ang panahon ng kaniyang panganganak, ay nasa hirap at humihiyaw sa kaniyang pagdaramdam; naging gayon kami sa harap mo, Oh Panginoon.

18 Kami ay nangagdalang-tao, kami ay nalagay sa pagdaramdam, kami ay tila nanganak ng hangin; kami ay hindi nagsigawa ng anomang kagalingan sa lupa; o nabuwal man (S)ang mga nananahan sa sanglibutan.

19 Ang iyong mga patay ay mangabubuhay; ang aking patay na katawan ay babangon. (T)Magsigising at magsiawit, kayong nagsisitahan sa alabok: sapagka't ang iyong hamog ay gaya ng hamog ng mga damo, at iluluwa ng lupa ang mga patay.

20 Ikaw ay parito, bayan ko, (U)pumasok ka sa iyong mga silid, at isara mo ang iyong mga pintuan sa palibot mo: magkubli kang sangdali, hanggang sa ang galit ay makalampas;

21 Sapagka't, narito, ang Panginoon ay lumalabas (V)mula sa kaniyang dako upang parusahan ang mga nananahan sa lupa dahil sa kanilang kasamaan: ililitaw naman ng lupa ang kaniyang dugo, at hindi na tatakpan ang kaniyang nangapatay.

Awit ng Papuri sa Dios

26 Sa mga araw na iyon ang awit na itoʼy aawitin sa Juda:

    Matatag na ang ating lungsod!
    Ang Pagliligtas ng Dios ay parang pader na nakapalibot sa atin.
Buksan ang mga pintuan ng lungsod para makapasok ang bansang matuwid at tapat sa Panginoon.

Panginoon, bigyan nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa inyo.
Magtiwala kayong lagi sa Panginoon,
    dahil siya ang ating Bato na kanlungan magpakailanman.
Ang totoo, ibinabagsak niya ang mga mapagmataas.
    Winawasak niya ang kanilang lungsod hanggang sa madurog sa lupa.
At itoʼy tinatapak-tapakan ng mga dukha na kanilang inapi.

Patag ang daan ng taong matuwid, at kayo, Panginoong matuwid, ang nagpatag nito.
Panginoon, sinunod namin ang inyong mga utos,
    at nagtiwala kami sa inyo.
    Hangad namin na kayo ay aming maparangalan.
Buong puso kitang hinahanap-hanap kapag gabi.
    Kung hahatulan nʼyo ang mga tao sa mundo,
    matututo silang mamuhay nang matuwid.
10 Kahit kinaaawaan nʼyo ang masasama,
    hindi pa rin sila natututong mamuhay nang matuwid.
    Kahit na naninirahan silang kasama ng mga matuwid,
    patuloy pa rin sila sa kanilang gawaing masama,
    at hindi nila kinikilala ang inyong kapangyarihan.
11 Panginoon, nakahanda na po kayong magparusa sa kanila,
    pero hindi nila alam.
    Ipaalam nʼyo sa kanila, Panginoon.
    Ilagay nʼyo po sila sa kahihiyan. Ipakita nʼyo sa kanila kung gaano nʼyo kamahal ang iyong mga mamamayan.
    Lipulin nʼyo po sa pamamagitan ng inyong apoy ang inyong mga kaaway.

12 Panginoon, ilagay nʼyo po kami sa mabuting kalagayan,
    sapagkat ang lahat ng aming nagagawa ay nagagawa namin sa tulong ninyo.
13 Panginoon na aming Dios,
    pinamahalaan kami ng ibang panginoon,
    pero kayo lang ang aming sinasamba.
14 Patay na sila ngayon at hindi na mabubuhay pa.
    Pinarusahan nʼyo sila at pinatay para malimutan at hindi na maaalala pa.
15 Panginoon, pinalawak nʼyo ang aming bansa.
    Pinalapad nʼyo ang aming mga hangganan,
    at itoʼy nagbigay ng karangalan sa inyo.
16 Panginoon, pinarusahan nʼyo ang iyong mga mamamayan,
    at sa kanilang mga paghihirap ay dumulog at tumawag sila sa inyo.
17 Panginoon, kitang-kita nʼyo ang aming paghihirap.
    Tulad kami ng isang babaeng nanganganak, na napapasigaw dahil sa tindi ng sakit.
18 Dumaing kami dahil sa hirap, pero wala rin kaming iniluwal.
    Wala kaming nagawa para iligtas ang lupain namin,
    at hindi rin namin nalipol ang mga taong kaaway namin dito sa mundo.
19 Pero muling mabubuhay ang inyong mga mamamayang namatay.
    Babangon ang kanilang mga bangkay at aawit sa galak.
    Kung papaanong ang hamog ay nagpapalamig ng lupa,
    kayo rin Panginoon ang muling bubuhay sa mga patay.

20 Mga kababayan, pumasok kayo sa inyong mga bahay at isara ninyo ang inyong mga pintuan.
    Magtago muna kayo hanggang sa mawala ang galit ng Panginoon.
21 Sapagkat darating na siya mula sa kanyang tirahan para parusahan ang mga tao sa mundo dahil sa kanilang mga kasalanan.
    Ilalabas ng lupa ang mga taong pinatay, at hindi na niya itatago pa.