Add parallel Print Page Options

Lubusan(A) nang pupuksain ng Panginoong Yahweh ang kamatayan,
    at papahirin ang mga luha sa kanilang mga mata.
    Aalisin niya sa kahihiyan ang kanyang bayan.
Sasabihin ng lahat sa araw na iyon:
“Siya ang hinihintay nating Diyos na sa ati'y magliligtas,
    siya si Yahweh na ating inaasahan.
Magalak tayo at magdiwang, sapagkat tayo'y kanyang iniligtas.”

Paparusahan ng Diyos ang Moab

10 Iingatan(B) ni Yahweh ang Bundok ng Zion,
ngunit ang Moab ay tatapakan;
    gaya ng dayaming tinatapak-tapakan sa tambakan ng basura.

Read full chapter

Sinakmal niya ang kamatayan (A)magpakailan man; at (B)papahirin ng Panginoong Dios ang mga luha sa lahat ng mga mukha; at ang kakutyaan ng kaniyang bayan ay maaalis sa buong lupa: sapagka't sinalita ng Panginoon.

At sasabihin (C)sa araw na yaon, Narito, ito'y ating Dios; hinintay natin (D)siya, at ililigtas niya tayo: ito ang Panginoon; ating hinintay siya, (E)tayo'y matutuwa at magagalak sa kaniyang pagliligtas.

10 Sapagka't sa bundok na ito magpapahinga ang kamay ng Panginoon; at ang (F)Moab ay mayayapakan sa kaniyang dako, gaya ng dayami na nayayapakan sa tapunan ng dumi.

Read full chapter